63. Thief's pulchritude

111 6 0
                                    

"Mag-usap nga tayo."

Pigil ni Fergus nang palabas na ako ng kwarto.

"Ano pa ang dapat pag-usapan?" Tanong ko.

"H-Hindi ko lamang maintindihan... nag-sinungaling ka? Binilog mo ang buong emperyo? Ano ang balak mo, Hana?" Tinutukan niya ako ng espada kaysa balutin ng benda ang mata niya.

"Hindi naman sa binilog ko... at isa pa..." lumapit ako sa kaniya upang bumulong, "kapag nakarating ito kahit kanino ay hindi lamang tenga, mata, at dila ang aalis sa katawan mo. Naiintindihan mo ba?"

Hindi ko narinig ang kaniyang kasagutan kaya't hinila ko ang buhok niya at ibinagsak sa sahig, "NAIINTINDIHAN MO BA?"

"N-Naiintindihan... kamahalan." Yukod niya.

"Good." Winika ko bago lumabas ng kwarto.

Nag-simula akong mag-lakad patungo sa silid ni ina, hindi pa tapos ang trabaho ko bago umalis sa impyernong lugar na ito. Kahit nagawan ng paraan ni Liam ang gulo ni Farrah, aalis at aalis pa rin ako rito. Kailangan ni Farrah na mabura sa publiko, pansamantala.

Napadaan ako sa naka-uwang na kwarto ni Leonor, nadatnan ko ang magnanakaw na nanghahalukat ng mga alahas ng madrasta. Tinulak ko ang pinto at sumandal doon at pinanood siya, "nasa ilalim ng unan niya." Sambit ko.

Mabilis niya akong nilingon dahil sa kaniyang gulantang. Kitang-kita ko ang mga mata niyang nanliit kahit nakaharang ang balabal sa kalahati ng kaniyang mukha.

Pagkatapos ng kaniyang balak ay lumabas na siya at walang alinlangang binangga pa ang balikat ko. May kalakihan ang katawan niya. Sinundan ko siya hanggang makarating sa daanan niya palabas ng palasyo, "be my guest, thief."

Napatigil siya nang mapagtanto niyang nakasunod pala ako sa kaniya. Nakakaintindi siya ng salitang Ingles, hindi siya alipin mula sa bayan.

"Ano ang gusto mong ipahiwatig, prinsesa?" Iritang tanong niya.

"An—"

"Tantanan mo na agad ako." Mabilis na putol niya sa aking sasabihin at naglakad paalis.

Mukhang wala naman akong gagawin sa araw na ito kaya bibisitahin ko lamang ang iba't ibang bahagi ng emperyo. Sumunod ako sa kaniya nang medyo nakalayo-layo siya.

"Saan ba ang diretso ng lalaking 'to?" Usal ko habang tinatahak ang gubat dahil dito siya dumaan, hanggang ngayon naman ay tanaw ko pa rin siya kaya hindi ako maliligaw.

Lumingon siya sa gawi ko kaya agad akong nag-tago sa likuran ng puno, "hindi ba't pinag-sabihan na kitang tantanan ako?" Hiyaw niya.

"Gusto ko lang naman makita ang kalagayan sa bayan!" Hiyaw ko pabalik.

Lumapit siya sa gawi ko at tinapunan ako ng lupa at putik, "para saan naman 'to?!" Iritang sigaw ko sa kaniya.

"Sa tingin mo hindi ka pagkakaguluhan kung kilala ka nila? Tanga." Sabi nito sa'kin. Talagang ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to.

"Bagay ka talaga maging alalay ko." Sarkastikong sabi ko.

Bumuntong hininga ito at naunang naglakad. "Hoy!" Pahabol ko pa.

"Ingat sa daan, may malaking bato riyan." Anito.

"Nag-aalala na ba ang isang suwail?" Pabirong tanong ko.

"Hindi, madudumihan mo yung bato." Usal niya.

Tingnan mo 'tong lalaking ito, parang hindi prinsesa ang katapat niya. Ilang sandali lamang na paglalakad ay sumalubong na ang isang bayan, "wow."

"Bahala ka na rito." Sambit ng suwail at iniwan na ako. Pinanood ko lamang siyang umalis bago ako nag-libot-libot sa paligid.

Parang sa silangan, masigla ang mga tao at maraming mga paninda at palaro sa paligid. Parang araw-araw ay may pista.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon