65. Who's THEM?

106 6 0
                                    


"Kamahalan, tapos na."

Napatigil ako sa pagsusulat nang biglang pumasok si Elias mula sa terasa. Hindi ko napansin ang oras na hating-gabi na pala.

Lumapit ito sa'kin at inilapag ang isang bagay na binabalutan ng tela, "maligayang kaarawan, mahal na prinsesa." Anito at preskong humiga sa kutson ng salas.

Binuksan ko ang tela at bumungad sa'kin ang puso na ikinagulat ko at muntik ko na itong matabig. Tumawa si Elias at lumapit sa'kin, "Muli, maligayang kaarawan." Ngisi niya.

Napalunok ako at tinabig ang tela, "nakadidiri, narumihan ang sulat ko para sa aking kapatid." Ani ko.

"Patawad. Ngunit, hindi mo manlang ba itatanong kung kanino ko ninakaw ang puso na iyan?" Tanong niya.

"Wala akong paki-alam pero sige, ipagpatuloy mo." Ani ko at ibinaling ang atensyon sa kaniya.

"Isa sa mga kawal mong may kinalaman sa paggalaw kay Lili." Tugon niya.

Napahawak ako sa aking sentido, "Elias, hindi ito kasama sa pinag-uutos ko."

"Alam ko, pero kailangan kong gawin." Taas noong saad niya.

"Paano na lamang kung nahuli ka?"

"Nag-aalala ka ba?" Ngisi pa nito. Ang kulit ng lalaking 'to, malapit ko na masupalpal mukha nito.

"Ligpitin mo na nga iyan at dumako ka na sa kwarto mo." Ani ko. Tiyak naman akong nag-provide na si Aida ng matutulugan ng lalaking 'to.

Inalis na niya ang kalat mula sa lamesa at akma nang lalabas nang patigilin ko ito sa paglalakad, "ano?" Tanong niya.

"Nakita mo ba ang prinsipe?" Tanong ko.

Umiling siya, "hindi manlang sinabi sa iyo kung saan ang punta niya? Nakaaawa." Anito bago lumisan ng silid.

Napabuga ako ng hininga bago nag-patuloy sa aking sinusulat. Kasulatan ito ng mga plano ko upang kapag may masamang mangyari sa'kin ay wala na dapat silang ipag-alala, dahil baka ipahanap din nila ako.

Napapikit na lamang ako sa pagod at hindi namalayang lumipas ang ilang oras at nakatulugan ko ang aking ginagawa. Naramdaman ko na lamang ang init ng araw na tumatama sa aking mukha dahil sa bukas na terasa.

May nakapatong din na coat sa aking likuran. Coat ng isang kawal, "magandang umaga, kamahalan. May gusto ka bang pagkain para sa inyong agahan?" Si Fergus pala ang nagbabantay sa'kin.

Napahawak ako sa aking noo, "pakitawag si Theo." Utos ko.

Agad naman siyang yumuko bago lumisan ng silid. Nilagay ko na lamang sa sobre ang mensahe at nilagyan ito ng seal. Dumako ako sa terasa upang batiin ang maliwanag na araw, "maligayang kaarawan, Farrah." Bati ko.

"Kamahalan, narito na ako." Pumasok si Theo sa pinto at naroon din si Fergus.

"Maaari ba na gawan mo ako ng almusal? Ang palagi mong niluluto para sa'kin, salamat." Ngiti ko sa kaniya. Yumukod ito bago magpaalam na lumisan.

"Fergus, manatili ka na rito." Sabi ko naman sa isa. Nang maisara na ni Fergus ang pinto ay sinigurado ko na naka-lock ito.

"Sumunod ka." Bulong ko sabay dako sa bartolina kung saan si Farrah.

"Bakit isinama mo pa ako rito, kamahalan?" Tanong niya.

"Ayaw mo bang batiin ang prinsesa mo?" Tanong ko sa kaniya. Nang makarating sa ibaba ay pinauna ko siya upang makita si Farrah.

"K-Kamahalan..." anito at kumaripas ng takbo palapit sa prinsesa, hinagkan niya ito sa kaniyang bisig.

Sumandal naman ako sa pader habang pinapanood si Fergus na nakayakap sa dalagang wala nang buhay sanhi ng gutom at wala rin kahit anong tubig na iniinom si Farrah simula noong kinulong ko siya rito.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon