2. Hope

2.2K 123 1
                                    

Farrah

"Kamahalan, handa na po ang inyong hapunan." Pag-tawag sa'kin ng katulong. Nasa kwarto lang ako buong maghapon. Malamang, wala akong alam sa mundong 'to.

Kakatapos ko lang maligo at bestida pa rin ang pantulog. Dapat naka-pajamas na ako ngayon dahil magulo ako matulog.

Lumabas ako ng kwarto para sumunod sa katulong, "Ano ang ingay na yun?" Tanong ko. May naririnig akong ingay ng mga bata, ayaw ko pa naman no'n nakakairita.

"Narito po ang kambal." Sagot n'ya. Kambal?

Pag-pasok namin sa isang silid ay may mahabang mesa du'n at madaming pagkain. May dalawang bata du'n na nagbabatuhan ng pagkain.

"Magandang gabi, aking munting prinsesa." Pag-bati ng isang lalaki na may katandaan na rin.

"Magandang gabi." Bati ko pabalik. Hindi ako binati ng kambal dahil nag-babatuhan pa rin sila. Pag-untugin ko kaya 'tong dalawa? Charot.

"Ganito na ba kayo rumespeto sa hari?" Malamig na tanong ko sa kambal. Galit yarn?

Tumigil sila ng ilang segundo at malakas na tumawa, "Pag-bibigyan ko kayo ngayong gabi pero kapag naulit ang ganitong pangyayari, hindi na kayo pwede mag-hapunan dito." Sabi ko at natahimik naman sila.

"Bakit ka nagagalit? Palagi naman tayo nag-babatuhan dito." Pag-nguso ng isa. Magkaiba ang kulay ng buhok nila, dark brown sa isa at dark black naman sa isa.

Bumuntong hininga ako, "Magbabago na 'yun."

"Farrah, maaari mo ba kaming sa bayan bukas upang mamili ng damit para sa kambal?" Tanong ng hari at tumango ako. Hindi ko pa alam ang pangalan nila, sensya.

"Prinsesa Farrah—"

"Maaari mo akong tawaging Noona." Sabi ko sa bata. Tiningnan ako ng kambal na may pagtataka, "Ayaw n'yo ba?" Tanong ko. Kakanood ko ng k-drama nadamay ko na dito. Ang cute naman kasi pag-tinatawag kang Noona ng bata, oo kakaselpon ko 'to.

"Noona, pwede mo ba kaming samahan sa hardin mamaya bago kami umalis?" Tanong ng bata na may itim na buhok.

Tumango ako, "Anong meron sa hardin?" Tanong ko at nag-tinginan sila at marahang tumawa.

Marahang tumawa ang hari, "Kumain na nga kayo para maka-uwi na rin kayo ng maaga."

Sandali, broken family ba 'to? Aw, kaya pala nag-kaganito si Farrah. Sayang yung ganda n'ya.

Pagkatapos naming kumain agad na umalis ng upuan ang kambal at hinila ako palabas ng silid, "Dito, Noona." Bulong ng isa na tila'y umaaktong espiya.

Hinila nila ako palabas ng palasyo, "Noona dito ka muna hintayin mo kami." Sabi nila kasabay ng kanilang masayang pag-tawa.

Iniwan nila ako sa lugar kung saan ako nagising kanina. Bumuntong hininga ako at umupo sa damuhan, "Mas maganda pa ang gabi dito kaysa sa tunay na mundo, sa totoo lang.." Usal ko.

Ang liwanag ng kalangitan at kitang kita mo ang mga bituin lalo na ang malaking buwan, "Napakaganda.." Usal ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin.

"Noona!" Sigaw ng kambal at lumapit sa'kin dala ang isang kahon na buhat nilang dalawa, "Ano yan?" Tanong ko.

Binuksan nila ang kahon, "Patawad Noona, nakita kasi namin sila na pagala-gala kaya naisipan naming dalhin dito dahil ayaw ni mama sa mansion namin." Inilapag n'ya sa damuhan ang kahon ng tatlong kuting.

"Bawal din dito ang mga pusa pero sana pwede mo silang itago, Noona." Maluha-luhang saad ng kulay dark brown yung buhok. Tinap ko ang kanilang ulo, "Sige, aalagaan ko sila." Sang-ayon ko.

"Gab, tara na kailangan na nating umuwi." Sabi ng batang may itim na buhok. So brown hair is Gab?

"Gadreel sandali lang.." Pag-iyak ni Gab at niyakap ako, "Oh, shhh wag kang mag-alala magiging maayos lang yung mga pusa." Hinagod ko ang kanyang likuran.

Gadreel and Gabreel, nice name.

"Noona, mauuna na kami." Nagpunas pa muna ng luha si Gab bago humawak sa manggas ng kanyang kakambal at naglakad sila palayo. Ang cute nila.

"Meow.."

Dahil naka-upo ako sa damuhan ay ipinatong ko sa aking hita ang kahon upang sabay-sabay kaming tumingin sa napaka-gandang tanawin ng bituin at buwan.

Tatlong kuting na kulay itim, puti, at kahel. Hinaplos ko ang balahibo nila sa likod.

Medyo malaki na sila kaya hindi na siguro sila dumedede sa nanay, right?

Nilabas ko sila sa kahon upang makagala sila pero umupo lang sila sa tabi ko at ang kahel naman ay hinahaplos ang ulo n'ya sa kamay ko, "What if si Farrah pa rin ang prinsesa n'yo? Siguro hindi na kayo tatagal hanggang bukas."

Ilang minuto kong pinagmasdan ang kalangitan bago sila binalik sa kahon at pumasok sa palasyo. Wala namang paki-alam yung mga kawal at katulong. 'Di ko nga alam kung bakit sila natatakot.

Pag-pasok ko sa kwarto ay ni-lock ko agad ang pinto at hinayaan silang gumala gala sa silid dahil carpet naman ang sahig nito.

Pumunta ako sa kama at humiga. Huminga ako ng malalim, "Siguro paggising ko makakabalik din naman ako."

Ipinikit ko ang aking mga mata upang makatulog pero parang may mali. Parang may nakatingin sa'kin.

Bumangon ako sa kama at pumunta sa bintana upang buksan ito, "Napakaganda talaga.." Usal ko at umupo pa sa tabi ng bintana upang matitigan lamang ang kalangitan.

Nga pala wala pang pangalan ang mga pusa. Kinolekta ko muna ang pusa upang malaman ko ang kanilang kasarian, "Dalawang lalaki at isang babae..." Usal ko.

Yung black and white ay lalaki at babae naman yung orange, "Jean, Connie, and Sasha. 'Yan perfect name kasi ang lilikot n'yo ." Sabi ko.

Binuhat ko silang tatlo papunta sa kama at hinayaan lamang bukas ang bintana para may hangin sa kwarto. Panahong wala pang electric fan and AC.

Ilang minuto silang nagharutan bago nakatulog, "Napagod kayo 'no?" Tanong ko at kinumutan sila.

Sana nga makabalik na ako..

I really hope that..

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon