35. His wife

276 35 0
                                    

Farrah

Naalipungatan ako at inilibot ang tingin. Nasa daan pa rin kami ngunit tanaw ko na ang palasyo ng silangan.

"Pasensya na, nangalay ka ba?" Baling ko kay Liam.

Umiling s'ya, "nalibang ako sa kagandahan mo't hindi ko naramdaman ang ngalay."

'Ang corny naman nito.'

"Alam mo namang tulisan ang kasama mo kanina, mabuti na lamang ay hindi mo tinutulan ng hininga iyon." Sabi nito. Ang random talaga ng mga lalaki.

"Hayaan mo na, mangmang din naman tayo sa mga nangyayari sa bayan. Wala tayong karapatang pumatay ng tao na walang dahilan." Sagot ko sa kanya.

"Tila'y nag-bago ata ang iyong pananaw, kamahalan?" Tanong nito.

'Bwesit talaga.'

Hindi na ako nakasagot sa katanungan ni Liam.

'Hinding hindi ko talaga mapapantayan ang ugaling mayroon ang Prinsesa Farrah noon...'

'Hindi...'

'Mapapantayan ko s'ya, sa gusto kong paraan.'

"Bawal ba kaibiganin ang kapwa mo masamang tao." Sambit ko. Hindi sarkastiko, hindi tanong, kalmado lamang ang tono.

Niyakap n'ya ako at hinalikan sa pisnge, "tiyak na napagod ka sa mga pangyayari kanina, hayaan mong makabawi ako." Bulong n'ya.

Tiningnan ko s'ya, "wala kang dapat gawin." Sabi ko.

Ngumiti s'ya, "paano kung sabihin kong ginagawan ko ng paraan ang isyu mo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla, "a-ano?"

Malinaw na malinaw ang pagkadinig ko sa sinabi ni Liam ngunit parang hindi ako kumbinsido sa sinasabi n'ya.

'At bakit n'ya gagawan ng paraan?! Kingina!'

"Hindi ka ba masaya?" Pagtataka n'ya.

"Salamat ngunit kaya ko naman iyon." Sabi ko.

'Hindi ako masaya Liam, maayos na ang plano ko sa simula pa lamang.'

"Tsk." Mahinang sambit ko.

"Tiyak na matatapos na ang isyu pagkatapos ng iyong kaarawan."

Hindi pa nga s'ya tumitigil.

"Hindi mo naman kailangan gawin lahat ng 'to, kaya ko ang aking sarili. Ayokong hanap-hanapin ka." Sabi ko.

"Ginusto ko 'to, wala kang dapat ika-problema." Anito.

Bumuntong hininga ako, "agh, ano pa nga ba ang magagawa ko?" Irap ko sabay sandal sa kanya.

Ramdam ko ang hagikgik n'ya, "hindi mo lamang ako matiis, mahal ko."

"Tigilan mo 'ko, Liam." Pag-pikit ko.

Ilang minutong byahe ay nakapasok na kami sa malaking gate. Madilim pa rin ang paligid, mahaba naman kasi talaga ang gabi. Wala ba naman silang orasan.

"Matagal din pala ang byahe natin." Sabi ko.

"Ayaw kong ma-istorbo ang pahinga mo at sa kapatid mo kaya binagalan namin ang byahe." Sagot ni Liam.

Bumaba s'ya ng kabayo at inalalayan ang kamay ko upang buhatin.

"Masakit pa rin ba?" Tanong n'ya.

Tumango ako, "tiyak na may sugat ang paa ko."

Tumango s'ya bilang sang-ayon at naglakad papasok ng palasyo, "mahalagang batas sa palasyo na kapag mag-kasintahan na ang dalawang tao ay nasa iisa silang kwarto—"

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon