62. Loyalty

123 8 0
                                    

'Bakit parang ako nanaman problema?'

"Kamahalan, nakarating na ang iyong bisita mula sa Karucia." Isang kawal ang kumatok sa pinto at pinaalam iyon.

Lahat ng narito ay napatingin sa'kin, "i-inimbitahan mo sila?" Gulantang ni Aifrel.

"Yes, ano ang problema?" Tanong ko.

"Ang Karucia ang pinaka-mababa na monarkiya, maaaring masira lamang nila ang tingin ng mga tao sa gitnang emperyo." Tila'y mataas ang tingin sa sarili ni Aifrel.

Napabuntong hininga ako at naglakad palabas, "kung iyan ang iniisip mo Aifrel, mas maigi pang kinontrol mo na lamang ang sarili no kaysa gawin iyon kay Julia." Pinagsabihan ko na ikinadismaya ng kanyang ekspresyon.

"Nasaan sila?" Tanong ko sa kabalyero.

"Nasa labas na ng palasyo at hinihintay ang permiso n'yo na papasukin sila, kamahalan." Kasagutan nito.

Napatigil ako sa paglalakad, "ano? Pinaghihintay n'yo ang duke ng Karucia sa labas ng palasyo? How disrespectful!" Sigaw ko at naunang maglakad patungo sa labas.

Nadatnan ko ang kalesa nilang nag-aantay sa labas, "oh my..." Buntong hininga ko at nag-madaling lapitan.

Binuksan ng kawal ang pinto nila tsaka ako yumukod, "patawad sa kahangalan ng kawal kong batiin kayo sa pag-dating n'yo, kamahalan."

"Maliit na bagay, walang problema." Mabuti na lamang ay pasensyoso ang duke ng Karucia.

"Mahal na prinsesa!" Lumundag sa tuwa si Valerie at sinalubong ako ng yakap.

"Valerie! Nakasama ka nga!" Tuwang-tuwa rin ako na niyakap s'ya.

"Halos hindi iyan natulog dahil sa gusto ka na n'yang makita muli." Sambit ng dukesa na bumaba ng kalesa. Binati ko naman ito ng halik sa pisngi, "talagang mas maganda pa kayo sa umaga ko, mahal na dukesa." Bati ko.

Marahang tumawa ang dukesa, "ikaw talaga, prinsesa..."

"Halina muna kayo, kumain na ba kayo? Nag-almusal?" Masigla ang aking tono sa pagtatanong.

"Kamahalan! Punta tayo sa hardin!" Pag-hila sa'kin ni Valerie.

"M-Maiinom na lamang na tsaa, mahal na prinsesa.." sambit ng duke.

Bakit ba ganyan sila mag-salita? na para bang wala silang karapatan. Malaki ang maitutulong nila sa'kin at sa buong emperyo, bakit ayaw ng karamihan sa kanila?

Sila ang taga-likha ng mga dyaryo at magagamit ko sila sa pag-bura ng mga isyu na ayaw kong ipubliko.

Napangiti ako at tumawag ng kawal, "Ipaghanda ang duke at dukesa ng mga kakainin."

"K-Kamahalan-"

"Bisita kayo rito at ayaw ko ang pinapakitang ugali ng mga naninilbihan dito. Huwag kayong mag-alala, responsibilidad ko ang anumang mangyari sa inyo sa loob ng gitnang emperyo kaya upang mag-karoon kayo ng sapat na enerhiya galing sa inyong pag-lalakbay ay mag-almusal na kayo, kamahalan." Mahabang sambit ko.

"Mamaya na ako kakain! Gusto ko muna mag-libot, ama." Paalam ni Valerie.

Napabuntong hininga ang duke, "kung-gayon ay mauuna na kami kamahalan. Wala naman na akong magagawa ngayong kumukulo na rin ang kalamnan ko." Biro ng duke.

Marahan akong napatawa bago ibilin sa mga kawal na pagsilbihan sila nang mabuti.

"Saan mo gustong mag-libot, mahal ko?" Pag-lambing ko sa bata.

"Gusto ko sa hardin! At sa kwarto n'yo! Gusto ko rin ng dugo! Gusto ko ang lahat ng tungkol sa'yo, kamahalan!" Niyapos n'ya ako ng yakap. Natawa ako sa kanyang ikinikilos at niyakap pabalik.

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon