"Ma! Gusto ko sumama! Ma!""Ace..."
Patungo na ako sa barko ni Timothy upang makapag-usap kami bago umalis nang 'di ko namalayang nakasunod si Ace.
'Sinabihan ko naman si Lacrucia na bantayan nang mabuti si Ace.'
Natuon ang atensyon ni Timothy kay Ace, "so ikaw pala si Ace, nakwento ka sa'kin ni Mustafa."
I don't know kung anong plano sa'kin ni Mustafa at ginawa niya iyon kagabi sa'kin. Wala rin akong maalalang nangyari nang mawalan ako ng malay dahil nagising na lamang ako sa kwarto.
At isa pa,
Sobrang sakit ng ulo ko...
"Ace, hindi-"
"Pwede siya sumama, this is fun..." Ngumiti si Timothy. Tiyak na may kalokohan nanaman sila sa kanilang utak.
"Tara, pasok kayo sa loob upang mapagawan na kayo ng kasuotan."
Hinawakan ko ang kamay ni Ace bago pumasok sa loob. Sinukatan kami ng mga katulong at nag-antay muna kami sa isang kwarto. Kasama ko si Ace at si Timothy.
"Nasaan si Mustafa?" Tanong ko.
"Kailangan niyang mauna sa Romanus upang ibalita sa'kin ang listahan ng mga imbitado, tiyak na pabalik na rin iyon maya-maya. Bakit mo pala naitanong?"
Humigop ako sa tsaa bago sumagot, "kailangan kong malaman, inatake niya ang lungga ko kagabi."
"Gusto ka lamang niyang kumustahin sa paraan niya, sinaktan ka ba?" Tabong nito.
Umiling ako, "paki-sabi na lamang na huwag nang ulitin, hindi ako magdadalawang isip na paslangin siya sa susunod."
"Naiintindihan ko." Tugon ni Timothy.
"Ma, sino ang lalaking ito?"
'Sabi ko sampung taon... anim na taon pa lamang ang nakalilipas.'
"Ace, may pupuntahan tayo... isang palasyo, makikita mo na ang iyong ama sa kasiyahan." Hinaplos ko ang buhok ni Ace habang kausap ito.
Sumabat si Timothy, "gusto mo bang makita ang iyong ama, Ace? Ang hari ng silangan–"
"Hindi nga siya ang ama ko!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ace at nilingon siya, "anong sinasabi mo?"
"Huwag ka na mag-sinungaling ina, alam ko na! Hindi ang Haring Liam ang aking ama!" Sinigawan niya ako bago siya tumakbo palabas ng barko.
Timothy scoffs, "mga bata talaga... Magpapadala ako ng tauhan para sunduin kayo pagkatapos ma-yari ang mga kasuotan niyo."
"Salamat Timothy..."
'Ano ba ang iniisip ng batang ito? At saan naman niya nalaman ang sinabi niya kanina?'
Hinabol ko si Ace na dumeretso sa dalampasigan. He's still sulking, "don't follow me!"
I think it's a bad idea na turuan ang batang ito ng salitang Ingles, kung ano-ano na sinasagot sa'kin. Nahabol ko ito at hinarap sa'kin.
"Ano ang sinasabi mo kanina?" Tanong ko.
"Ayoko makipag-usap sa'yo, nagsinungaling ka!" He shouted.
"A-ano? Nagsinungaling? Patungkol saan?!" Sigaw ko pabalik. Huminga ako nang malalim, "at huwag na huwag mo akong pag-tataasan ng boses, Ace. Hindi kita pinalaking ganito, sabihin mo sa akin... ano ang ibig mong sabihin patungkol kanina?"
"Yung lalaki... si Mustafa, ang sabi niya ay ang prinsipe ng timog ang aking ama–"
Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. Huminga nang malalim upang bumwelo, "mahal ko... balak ko naman talagang ibunyag sa iyo ngunit masyado pang maaga para sa ganoong usapan..."
"Ngayon na, ma. Ibunyag mo sa'kin."
Wala na akong nagawa kundi sabihin kay Ace ang mga nangyari. Pinaliwanag ko at pinaintindi ang sitwasyon ko noon at ang patungkol sa timog at sa kaniyang ama. I can tell, na nagagalit siya ngayon habang nagpapaliwanag ako. Hindi ko rin akalain na sa murang edad naiintindihan niya ang mga sinasabi ko.
"Nakakahanga ang iyong katapangan, ina... patawad kung..."
Agad ko siyang niyakap, "walang problema... hindi lamang ako tiyak kung handa na ako ngayon."
"Handa ka na, ma. Nandito lang ako palagi, hinding-hindi kita iiwan. Sana huwag mo rin akong iwan, ma."
"Hinding-hindi kailanman..."
"Binibini, nakahanda na ang inyong susuotin." Dumating ang isa sa mga kawal ni Timothy.
Nilingon ko ang aking anak at nginitian, "handa ka na ba, mahal ko?"
Nginitian niya ako bago tumugon, "handa na, mahal kong ina."
Tinahak namin ang daan pabalik sa barko at sinuot ang nakahandang mga kasuotan. Naka-suit si Ace at ako naman...
"Bakit ang dami nito?" Pagtataka ko.
"Dahil gusto kong pumili ng babagay sa iyong kulay." Kasagutan ni Timothy. Papagurin pa ako e.
Sinuot ko ang unang bestida na kulay puti, "bagay naman sa iyo pero hindi ka naman ikakasal."
Napairap na lamang ako bago magpalit ulit, kulay asul naman ang aking sinuot, "hindi bagay sa buhok mong pula."
Berde naman ang kasunod. Hindi tumugon si Timothy ngunit may pandidiri na tingin sa kaniyang mga mata kaya bumalik ako sa silid upang magpalit ulit.
Agaw tingin ang huling bestida, ang kulay pula. Hindi nga talaga nakakaila na bagay ang kulay pulang bestida sa'kin. Nang lumabas na ako upang ipakita kay Timothy ay napatayo siya sa kaniyang kinauupuan.
"Napakaganda." Anito.
"Ayos lang ba?" Tanong ko at umikot upang makita niya. Tumango siya at iniabot sa'kin ang itim na masquerade mask.
Inayusan ako ng mga katulong at kinabit ang itim na masquerade mask.
"Aydehart, malaya kayong makipag-salamuha sa loob ng palasyo ngunit paalala ko lamang na ipakilala kita roon bilang asawa ko. Wala akong balak maki-agaw." Anito.
"Naiintindihan ko." Tugon ko.
"Ma, ayos lang ba ang suot ko?" Pumasok si Ace sa silid at pinakita ang kaniyang kasuotan. Marahang tumawa si Timothy, "mukhang may pinagmanahan nga."
Nilapitan ko si Ace at inayos ang tie nito before tapping his shoulder, "napaka-gwapo."
"Tara na at gagabihin pa tayo sa byahe natin." Nilingon ko si Timothy na hinablot ang mask niya at ang para kay Ace bago lumabas. Inayos ko muna ang mask kay Ace bago kami sumunod sa kaniya.
Mukhang ilang oras nanaman ang byahe papunta sa Romanus katulad noong pumunta kami rito, "malayo ba ang Romanus?"
Tumango ako sa katanungan ni Ace, "oo, medyo may kalayuan nga."
Hiwalay ang sasakyan namin mula kay Timothy, kasama ko si Ace sa kalesa. Iyon ang kagustuhan ni Ace na tinupad naman ni Timothy.
Halos makatulog pa ako sa byahe dahil totoo naman talaga na may kalayuan. Nga pala, si Elias ay nakahalubilo sa mga kawal ni Timothy, oo pasikreto siyang sumama dahil gusto ni Timothy na isa lamang ang isasama ko at napili niya si Ace.
Sinilip ko sa bintana si Elias, "pasok, Aydehart... delikado kapag isinilip mo 'yang ulo mo rito." Agad niya akong pinag-sabihan.
"Masusunod."
'Ito na, magkikita na ulit kami... makikita mo na siya, Atticus.'

YOU ARE READING
Center Empire Princess
FantasyA princess who had almost everything in her whole life; beauty, intelligence, swordsmanship, and people. She was famous among the five empires because of her seductress skill. Everything goes upside-down when Hana Ferrer gets into this world. Hana k...