84. Sincerely, Aydehart

83 0 0
                                    

"Ate Aydehart! Mananatili ka?" Yumakap sa'kin ang ibang mga bata ngunit si Jever hindi, umiwas ito. Pansin ko naman ang pamumugto ng kaniyang mata bago siya lumisan.

"Hayaan mo na muna siya, pagkatapos ng nangyari kahapon ay akala niya lilisan ka na sa bayan na ito kaya ayan nag-kulong sa kaniyang lungga kagabi." Paliwanag ng nakatatandang kapatid nito.

"O'siya, maupo na kayo roon para lutuan ko kayo ng almusal, anong gusto niyong almusal?" Tanong ko sa mga bata.

"Gusto ko po yung mansanas na tinapay! Yung matamis!"

"Ako naman po ay keyk!"

"Gusto ko ng sopas!"

Napatawa na lamang ako sa kanilang suhestiyon, "sige magluluto tayo ng apple pie at sopas, sino gustong tumulong?" Tanong ko.

Lahat sila nagtaas ng kamay pati si Galo. Tiningnan namin siya na may pagtataka, "a-ano? Kaya niyo bang magbuhat ng isang sakong mansanas?" Tanong nito.

"Oo na, tumulong ka na." Pag-irap ko at hinayaan si Galo na ihanda ang lulutuin, "sandali lamang, bibisitahin ko lamang ang doktor kung anong gusto niyang almusalin." Paalam ko at bumalik sa bahay.

Sumilip ako sa pinto kung anong ginagawa ng tatlong makikisig na lalaking parang mga nakatatandang kapatid ko. Napatingin sila sa gawi ko, "ano ang sinisilip-silip mo riyan?"

Humagikgik ako sa pagka-irita ni Lai at pumasok sa loob, "anong gusto niyong almusal?" Tanong ko.

"Kape." - Lupin

"Apple pie." - Lai

"Kahit ano." - Elias

"May pagkain bang kahit ano, Elias?" Biro ko at tumalikod upang umalis na. Napatawa na lamang ako at bumalik kung saan kami nagluluto. Hinanda na ni Galo ang apoy at ang mga bata naman ay hinuhugasan na ang mga mansanas.

"Ate Aydehart, anong sopas ang gagawin natin?" Tanong ng isang bata sa'kin.

Oo nga ano? Palagi na lamang kabute ang sopas kaya naisipan ko namang gumawa rin ng carrot soup para mas marami silang makain. Mangangaso ulit ako mamaya para naman sa tanghalian at hapunan, naubos na kasi ang karne ng oso para sa kanilang lahat.

Agad na kaming nag-simulang mag-luto at syempre inasa ko kay Galo lahat dahil siya naman nang magluluto kapag umalis ako, "tikman mo, dapat ang tekstura ng sabaw ay medyo malagkit pero sabaw pa rin, nakukuha mo ba?"

"Oo naman, ilang beses ko nang na-obserbahan." Tugon niya at tinikman ang sabaw, "hmm, kulang pa ng kaunting asin." Anito at tinansiya ang isang kutsarang asin.

Mabuti naman at natututo na sila, pati ang mga bata, "nakakatuwa kayo." Sambit ko at tinulungan ang iba sa paggawa ng apple pie, "ate—"

Pinunasan nila ako ng harina sa pisngi, "ay aba-aba, gusto niyo magkalat ha." Gumanti ako ngunit madaming nadamay kaya ayon naghabulan kami.

"Aydehart naman parang bata." Pinagsabihan ako ni Galo.

Nilingon ko si Jever na tahimik lamang sa tabi, "tama na 'yan, pagod na ako." Sambit ko kaya lahat sila pinunasan ako sa mukha ng mga kamay nilang may harina kaya tuwang-tuwa sila.

"Sige po ate!" Paalam nila at bumalik sa kanilang ginagawa.

Nilapitan ko naman si Jever at umupo sa kaniyang tabi sa tabi ng kanilang pinto, "bakit ka pa nandito?"

"Nagagalit ka ba dahil iniyakan mo 'ko kasi akala mo aalis na ako kahapon?" Tanong ko sabay tawa. Niyakap niya lamang ang kaniyang tuhod at hindi tumugon sa'kin.

Pinunasan ko ng harina ang kaniyang pisngi. Marahan akong tumawa, "patawad, may kaunting problema kasing nangyari kaya isang linggo ulit ang pananatili ko rito."

Center Empire PrincessWhere stories live. Discover now