82. Curse of Love

90 0 0
                                    

Liam

'Aray, ang sakit ng ulo ko...'

Napabangon ako sa kinahihigaan ko. Napaisip kung anong nangyari kagabi, bakit may malaking sugat ako sa dibdib?

Inalala ko ang nangyari kagabi. May babae akong kahagkan... pula at maikli ang buhok, "inutil ka, Liam." Napasabunot ako sa aking sarili, hindi magugustuhan ni Farrah iyon kapag may isang babaeng lumapit na lamang sa'kin at sabihin na ako ang ama ng kanilang anak.

Bwisit... bakit hindi ko maalala? Ang boses niya, hindi ko maalala. Anong ginawa ko...?

Inusisa ko ang buong kwarto lalo na ang kama, nagbabakasakaling may naiwan ang babaeng iyon, kahit buhok niya ay ipapahanap ko kay Zariyah ngunit wala talagang naiwan ang babaeng iyon.

Dumeretso ako sa banyo at tiningnan ang sarili ko sa malaking salamin. Korteng 'x' ang sugat ko sa dibdib, sino namang nanghimasok dito?

Naghilamos ako bago lumabas ng kwarto upang salubungin ang naninilbihan kay Donya Cintia, "sino nanghimasok sa kwarto ko?" Tanong ko sa kaniya.

Kibit-balikat ang kaniyang sagot, "may nanghimasok sa kwarto mo, prinsipe? Maayos lang ba ang iyong lagay? Magpapatawag ako ng mga guwardya upang usisain ang kwarto mo—"

Hinila ko siya at hinawakan sa panga, "sino?" Gigil kong tanong.

"H-Hindi ko alam, kamahalan..."

"Liam, kapag pinagpatuloy mo 'yan, hindi ka na makakabalik ulit dito." Pinagsabihan ako ni Donya Cintia kaya binitawan ko ang serbidor at humarap sa kaniya.

"Sino ang nanghimasok sa aking silid?" Tanong ko.

"Hindi ko alam ngunit may dayo rito na pumasok, baka iyon ang tinutukoy mo." Kasagutan niya.

Iniyukom ko ang aking kamao, "dayo? Bwisit..."

"Gusto mo bang imbistigahan namin ang nanghimasok?" Tanong ni Donya Cintia at tumango naman agad ako, "kailangan kong siguraduhun, tiyak na hindi magugustuhan ito ni Farrah..." Usal ko.

"Hindi magugustuhan? Ano ang ibig mong sabihin, prinsipe?" Pagtataka ni Donya Cintia, bakit ba napaka-pakielamero ng taong 'to.

Huminga ako nang malalim upang magpigil ng galit. Bakit ba palagi na lamang akong naiirita? Kung narito lamang si Farrah ay palagi akong kalmado.

"May nangyari sa'min ng tinutukoy mong dayuhan at tiyak akong hinding-hindi magugustuhan ni Farrah kapag nalaman niya ang bagay na iyon." Paliwanag ko.

At isa pa, nag-aalala pa rin ako kay Farrah. Ano nanaman ba ang balak niya at lumisan siya?

Aydehart

"Ayos ka lang?" Tanong ni Galo habang nasa byahe kami. Naroon ako sa dulo ng bagon habang nakahawak sa aking puson. Tumango ako at nginitian siya, "oo naman."

'Mabubuo kaya ito dahil sa nangyari sa amin ni Liam...? I can still feel it inside.'

"Saan ka nga pala dinala ni Donya kagabi? Mukhang magkakilala na kayo." Anito.

Tumango ako, "nakapunta na rin ako roon bago ako dumeretso sa Romanus, masarap ang kwalidad ng alak nila." Pagsisinungaling ko.

Mabuti na lamang ay tinulungan akong makalabas sa kwarto kagabi ni Donya Cintia, halos ayaw akong pakawalan ni Liam kahit natutulog siya, sinugatan ko na siya sa dibdib ay hindi pa rin siya kumikibo.

[Flashback]

"H-hmm! Sh*t, this prince was tough..." Hingal na hingal ako kakapumiglas habang nakayakap pa rin si Liam sa'kin, hindi ko pa nababanggit, nasa loob ko pa rin siya! Ayaw niya akong pakawalan!

Pagkatapos ko siyang sugatan ay nanlumo ako, hinalikan siya sa labi. Hindi ako sigurado kung makikita ko ulit ang lalaking 'to kaya sinusulit ko ang sandali namin ngayon.

Niyakap ko siya pabalik katulad ng ginawa niyang pag-yapos sa'kin. Pareho kaming hubo't hubad. At dahil sa kalamigan ay parang ayaw ko na rin kumawala sa kaniyang yakap pagkatapos mapagod kakapumiglas kanina, "mahal ko, mag-kita ulit tayo... maliwanag? Sa susunod nating pagkikita, kalaban na kita."

Lumuwag ang pagkakayapos ni Liam sa'kin, "mahal na mahal kita, Liam... maging mabuting hari ka para sa lahat. Magtimpi ka ng galit mo."

Humagikgik ako sabay halik sa kaniyang noo, "kahit tulog ka, napaka-gwapo mo pa rin..." hinihipo ko ang kaniyang mukha gamit ang aking daliri hinawakan ko ang kaniyang mata pababa sa kaniyang ilong papunta sa kaniyang labi at pisngi. Hinalikan ko ang kaniyang labi, "paalam, Liam." See you after 10 years.

Bumangon ako paalis at niligpit ang mga gamit ko, mabuti na lamang ay nariyan si Donya Cintia sa labas upang siguraduhun na maayos ang pag-alis ko at ibinilin ko sa kaniya na kahit anong mang-yari ay huwag na huwag niyang sasabihin kay Liam na ako ang nakasama niya sa kwarto ngayong gabi.

[End of flashback]

Sana naman ay wala siyang maalala pagkagising niya upang hindi na niya ako habulin muli, gusto ko nang mapalayo sa kaniya. Ngunit, nakaramdam ako ng kaunting saya ngayong dala-dala ko ang magiging anak niya.

Hindi na niya kailangan malaman ang tungkol sa bata, sapat nang ilayo ko ang sarili ko mula sa gulo. Iyon ang dapat kong i-prioritize sa ngayon.

Nagpatuloy ang byahe hanggang sa dumaan ulit kami sa kagubatan, "Galo, hinto ka muna." Sambit ko at binagalan niya naman ang takbo sa kabayo bago ako bumaba.

Inusisa ko ang pwesto kung saan tinamaan ko ang mangangaso kagabi ngunit wala nang katawan doon, wala ring bakas ng dugo ngunit naroon ang arrow ko na malinis at wala ring bahid ng dugo. Kinuha ko iyon dahil may naka-ukit sa kahoy, 'mag-iingat ka daligitang may buhok na wangis ang dugo'.

'Is that even a f*cking threat or they just compliment me for my hair color?'

"Ako pala ang puntirya." Sambit ko, "tara na Galo, delikado na rito." Tinapik ko si Galo at bumalik sa bagon bago nagpatuloy sa byahe.

"Marami bang nagbabanta sa buhay mo, Aydehart?" Tanong niya.

Tumango ako, "hindi ka ba nagtataka kung bakit ganoon ang pangalan ko?"

"Aydehart... Aydehart..." Usal niya.

Bumuntong hininga ako bago siya bigyan ng hint, "baliktarin mo."

"Aydehart... t-tra... trahedya?"

"Nakuha mo." Sambit ko at humiga muna sa bagon at ipinikit ang mga mata, "magpapahinga muna ako, balitaan mo ako kapag nakarating na tayo."

Center Empire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon