CHAPTER 1

6.3K 91 10
                                    

Crush at First Sight

UNTI-unti kong idinilat ang aking mga magagandang mata. Sumalubong agad sa 'kin ang puting kisame at ang amoy ng ospital. Teka, bakit ako nandito?

Doon ko naalala nabaril pala ako sa may bandang tiyan. Nasa misyon kami at pagkatapos may nakalaban ako. 'Yung mamang kalbo na malaki ang tiyan. Tapos hahampasin ko na sana ang mamang kalbo ng biglang sumakit ang tyan ko, 'yon pala binaril ako ng pangit na kasamahan niya. Hay's, ang bobo nila, binaril na nga nila ako hindi pa nila tinuluyan hanggang sa mamatay ako.

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto baka may pagkain. Nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan.

"Kalma muna kayo d'yan mga kids, maghahanap muna ako ng pagkain dito," kausap ko sa kanila.

"Krreww! Kreeww!" sabi nila bilisan ko raw!

"Ito naman alam niyo namang nabaril ako tapos padadaliin niyo pa ako." Hmp, ang sakit kaya mabaril.

Bumangon ako sa hospital bed at tinanggal ang nakakabit na dextrose sa kamay ko.

Umupo ako sa isang sofa at nilantakan ang pagkain na nakalagay sa harapan ko. Binuksan ko rin ang T.V para maganda ang pagrerelax ko. Hindi ko na ininda ang sugat ko. Food is life.

Hays, ang sarap naman pala tumambay dito sa ospital. Busog na busog ako. E, kung magpabaril na lang kaya ako lagi para nandito ako palagi sa ospital. Hm, tama-tama pwede 'yon.

Nagulat ako ng may marinig akong mga pamilyar na boses.

"Hala nasaan si Captain?!"

"Omg! Baka kinidnap!"

"Tingnan niyo sa CR baka andiyan."

"Call the security now! We have to find h-"

Napatigil sila sa pagsasalita nang makita nila ako. Nakanganga silang lahat na parang ngayon lang nakakita ng maganda. Pfft, ang epic ng itsura nila.

"Girl! O my god, saan ka nanggaling?" tanong ni Callista, my best friend.

"D'yan lang." Tinuro ko ang kinalalagyan ng sofa na inupuan ko kanina.

"Aysus, d'yan lang pala eh!" sambit ni Símon.

"Oo nga, ang epic kaya ng mukha niyo kanina, rami tawa ko do'n." Natatawang sabi ko sa kanila.

"Teka, hindi ka pa pwedeng gumalaw galaw, baka-o shit! Dumudugo sugat mo!" nag aalalang sigaw ni Calvino, ang kakambal ni Callista.

Dali-dali nila akong inakay papunta sa hospital bed.

"Call the doctor now, Simon!" sigaw ni Calvino.

Hindi pa nakakalabas si Símon ng biglang bumukas ang pinto. Inuluwa noon sina Mom at Dad, si Ate Breese at ang dalawa ko pang kuya. Si Kuya Braylle at Bramwell.

"Baby, what's happening?!" nag aalalang tanong ni Mommy. Hindi niya ba nakikita na dumugo ang sugat ko. Hays, minsan nakakabobo talagang kausap si Mommy.

"My, hindi niyo po ba nakikita?" Itinuro ko ang sugat ko."Dumudugo po ang sugat ko." Sumimangot ako sa kanila.

"Baby!" napasimangot lalo ako sa pagsaway ni Mom.

"Hindi pa tuluyang magaling ang sugat mo. Baka maimpeksyon 'yan dahil sa paggalaw-galaw mo. Behave muna, okay?" niyakap ako ni mommy at hinagkan sa noo.

"Sorry, my,"

Naputol ang pagyayakapan namin dahil bumukas ulit ang pinto. Hays, panira naman, hindi niya ba alam na nakakaisturbo siya. Humanda talaga sakin mamaya iyang pinto na 'yan. Puputulan ko siya ng kaligayahan. Teka ano nga bang kaligayahan ng pinto? Matanong nga mamaya kay Kuya.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now