CHAPTER 46

1.7K 24 0
                                    

FINAL MISSION

ILANG beses akong napabuntong hininga bago lumabas ng kotse. Mahigpit kong kinuyom ang kamao ko dahil bahagya itong nanginig. Kalma, Brielle. Kaya mo 'to, fighting lang!

Pagkalabas ko nang sasakyan ay kaagad akong tumingin sa harapan. Nakita ko kaagad ang mga kalalakihan na may dala dalang mga baril. Sa likuran nila ay may isang lumang ware house. Tahimik ang buong paligid at tanging huni lamang ng ibon sa gabi ang naririnig ko.

"Ilabas mo na sila," rinig kong boses ni Callista mula sa suot kong earpiece. Ang earpiece na suot ko ay maliit at kakulay ng balat ko. Nasisiguro kong hindi nila ito mapapansin. Hindi ako nakasuot na pansundalong uniporme. Ang suot ko ngayon ay halos itim lahat.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng backseat. Hinawakan ko ang braso ni Rakim, kasunod na lumabas si Jamir. May nakaposas na kandato sa kanilang kamay at paa kaya hirap na hirap silang maglakad. Dahan-dahan ang mga hakbang ko patungo sa entrada ng warehouse kung saan nakapwesto ang mga bantay.

Nasa kalagitnaan pa lang kami nang may lumabas na isang matandang lalaki sa warehouse. Medyo malayo man ay kita ko pa rin ang tikas ng katawan nito. Ito na yata ang boss nila. Ang may pakana ng pagdukot sa pamilya ko.

Kaagad kong nakita ang kagalakan sa mukha niya ng makita ang dalawang lalaki sa tabi ko. Mukhang malapit talaga sa bawat miyembro ng Metrosan ang kanilang pinuno.

"Nasaan ang pamilya ko?" tanong ko sa malamig na boses. Hindi siya sumagot bagkos ay may isininyas siya. Kaagad na may lumabas na tatlong lalaki. Hawak-hawak nila sina Ate, Mom, Dad, at si Kinley. Umawang ang bibig ko nang masilayan ang sitwasyon nila. Pinigilan ko na wag tumulo ang aking mga luha.

Si Dad at Kinley ay mga pasa sa mukha. Si Ate naman ay gulo-gulo ang buhok at umiiyak. Si Mom ay gano'n din. Nakakatawa ang sitwasyon nila ngayon.

"Matalino ka naman pala, CAPTAIN Del Rama," sambit niya at diniinan pa ang salitang 'Captain'. Nagliliyab sa galit ang loob ko sa kaniya.

"Ikaw lang naman ang bobo," hindi ko mapigilang maiusal. "Sino ang nagsabi sa'yo na saktan mo sila, ha?!"

Umiling-iling siya at ngumusi. "Nainip ako eh." Dinuro niya ako. "At huwag na huwag kang magtataas ng boses sa akin dahil hawak ko ang pamilya mo. Isang pitik ko lang, bubulagta sila sa harapan mo na wala nang mga buhay."

Mas lalong kumulo ang dugo ko. Pakiramdam ko ay para akong bulkan na malapit nang sumabog.

"Hindi mo gagawin 'yon dahil hawak ko ang minamahal mong mga pinuno." Kinuha ko ang baril ko at itinutok sa dalawang lalaki na narito sa harapan ko.

"Huwag mo nang patagalin pa ito, ibigay muna sa akin ang pamilya ko at ibibigay ko rin sayo ang mga ito, NANG SABAY." Nakita kong tinulak mga lalaki sina Mom papunta sa direksyon ko. Kasabay noon ay pinalakad ko rin sina Jamir at Rakim papunta sa direksyon nila. Nakatutok ang dalawang baril ko sa kanila kung sakaling may gagawin silang hindi maganda.

Pigil hininga ako ng makita na nagkasalubong na sina Mom, Dad, Ate at Kinley kina Jamir at Rakim. Bilisan niyo, malapit na, kunti na lang.

Unang nakarating si Mom sa akin. Kaagad niya akong niyakap, gusto ko man siyang yakapin pabalik ay hindi ko na mahawa dahil wala nang oras.

"Sumakay na kayo sa sasakyan, mhie," utos ko na kaagad naman niya'ng sinunod. Tinanguan ko sina Dad at Ate na nakarating na rin sa harap ko. At halos mapunit ang puso ko nang magtama ang mga mata namin ni Kinley. Kaagad ko siyang sinalubong ng yakap. Kaagad na bumaon sa leeg ko ang mukha niya. Kung hindi ko pa siya nahawakan ng mahigpit ay marahil natumba na kaming dalawa.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now