CHAPTER 42

1.5K 24 0
                                    


FOCUS

PAGKATAPOS ng dalawang linggo Kong pahinga ay napayagan na nga ako na pumasok sa trabaho. This time ay hindi na kami naka-assign sa pagbabantay sa anak ni senator Rodriguez. Ibang team na ang pumalit sa amin. Balik opisina na kami dahil pinatutukan sa amin ngayon ang imbestigasyon tungkol kay Lazaro. Pabor nga ito sa akin dahil sisiguraduhin ko sa pagkakataon na ito na hindi na siya makatakas pa.

Wala na namang problema roon kay senator dahil nahuli na rin ang kasabwat ni Lazaro na si Victor. Si senator Rodriguez ay hindi rin makapaniwala na may nakapasok na traydor sa puder niya.

Ang anumalya tungkol sa pagkakasangkot ni Lazaro sa illegal na pagputol ng puno at pagdedeliver nito sa mga sindikato ay kumakalat na ngayon. Umamin ang mga nahuli namin na katransaksyon niya noong ginawa namin ang paglusob.

Ngayon ay wala pa kaming lead kung saan nagtatago si Lazaro. Pero ginagawa naman namin lahat para mahuli na siya. Kalat na kalat na sa buong bansa ang pagkakasangkot niya. Inuungkat din ngayon ang mga kaso niya noon.

"Hey, you've been stressing your ass on work this past few days." Umupo si Calvino sa silya na nasa harapan ng table ko. "Binilhan kita ng sweets, to light up your mood." Inilapag niya ang isang box ng strawberry cupcakes.

Sumandal ako sa swivel chair ko at binuksan ang box ng cupcake. Nalanghap kaagad ng ilong ko ang mabango nitong aroma.

"Thank you," sambit ko at nginitian siya.

"You need to rest Brielle. Hindi naman kailangan na madaliin natin ang trabahong ito. Kailangan mo ring ingatan ang kalusugan mo."

Hindi ko siya pinansin pero narinig ko naman ang mga sinasabi niya. Alam kong concern lang siya sa akin pero kailangan kong gawin ito. Hindi rin naman ako matatahimik kapag hindi pa nahuhuli si Lazaro. Malaki na ang ginawa niyang perwesyo sa bansa. Hindi na siya dapat nagpagala-gala pa.

"Tch, matigas talaga ang ulo mo. I'll tell this to your boyfriend." Doon na ako napatingin sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay habang siya naman ay naasar na tiningnan ako.

"Wala akong boyfriend."

"Really? What's the score between you and Kinley then?"

Napanguso na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng cupcake. Apat na ang nakakain ko at pang lima na itong kinakagat ko ngayon.

Sa sumunod na araw ay sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho. Minsan nga ay gabi na akong nakakauwi sa bahay. Hindi na ako makasabay sa pamilya ko sa pagkain dahil maaga rin akong umalis sa umaga. Si Kinley naman ay dumadalaw rin minsan sa opisina pero hindi ko siya ma-entertain dahil nga busy ako. Na-appreciate ko naman ang ginagawa niya, hindi ko lang talaga mabigyang ng tiyempo.

"Hello mhie, sorry po hindi ako makakasabay ng lunch sa inyo. May importante po kaming pupuntahan ngayon eh."

"Brielle Urika, nagtatampo na talaga ako. Hindi ka ba talaga makakasabay kahit saglit lang?"

"Hindi talaga mhie. Importante itong lalakarin namin. Malaki ang magiging tulong nito sa imbestigasyon namin."

"Okay, just please... take care of yourself. Wag kang magpalipas ng gutom. I will ask Calvin to check on you."

Pinatay ko na ang tawag. Napabuga ako ng hangin bago lumabas sa opisina ko. Napahinto ako sa paghakbang ng makita si Kinley na naglalakad papunta sa akin. Nakasuot siya ng isang puting long sleeve shirt na bukas pa ang taking butones.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon