CHAPTER 30

1.9K 30 0
                                    

CAUGHT

PAGKAGISING ko kinabukasan ay nagtaka ako 'kong bakit parang balisa ang mga itsura nila. Agad 'kong inayos ang medyo magulo 'kong buhok at lumapit sa kanila.

"Anong nangyari? Bakit parang balisa kayo?"

"May nakita kami kanina Captain. Sa tingin ko mga rebeldeng grupo sila." Tiningnan ko si Simon na bahagya pang may mga dahon na nakakabit sa pantalon niya.

"Mga rebelde? Saan sila dumaan?"

"Sinundan na nila Calvino at Derick," sagot ni Callista.

"Bakit hindi niyo man lang ako ginising?!" masama ko silang tinignan isa-isa hanggang sa mabaling ang tingin ko kay Kinley. Mataman siyang nakatitig sa'kin na para bang ako na ang pinakamagandang babae na nakita niya. Joke!

"O ayan na pala sila e." Sinundan ko ng tingin 'kong saan nakaturo ang kamay ni Vinson.

Humahangos na tumatakbo patungo sa amin sina Derick at Calvin. Basi sa mga mukha nila, mukhang pagod na pagod talaga sila.

"Nasundan niyo ba ang sinasabi niyong rebeldeng grupo?" tanong ko agad.

"Nasundan n-namin, at a-alam narin namin ang daan palabas ng gubat na 'to." Umupo si Derick habang hingal na hingal pa rin.

"Edi ayos! Makakalabas na tayo dito," ani Simon.

"Sigurado ba kayong mga rebeldeng grupo nga talaga 'yon?" tanong ko.

Kasi 'kong totoo ngang mga rebeldeng grupo ang nakita nila, kailangang mai-report agad ito sa HQ para mahuli agad sila.

"Sigurado Captain, may dala-dala silang mga baril sakay sa isang sasakyan. I'm even saw Jamir Guevara."

Napatango-tango ako sa sinabi ni Calvino. 'Kong totoo nga na dito naglulungga ang mga rebelde, ang swerte naman yata namin.

"Kailangan na nating makalabas sa gubat na 'to, nang sa ganon ay mai-report na natin sa HQ ang hideout nila."

"Tama," sang ayon ni Kees. Napatingin tuloy ako sa kaniya, bahagya pang namula ang pisngi niya. Aksidente namang nabaling ang tingin ko kay Kinley. Bahagyang nililipad ng hangin ang buhok niya, ngayon ko lang din napansin na medyo humaba na pala ang buhok niya.

Nagsimula na kaming lumakad, si Calvino ang nasa unahan since siya ang nakakaalam ng daan. Wala ni isa sa amin ang gumawa ng ingay, 'yan ang paalala ko sa kanila. Hindi ako sigurado 'kong kami lang ba ang tao sa paligid, baka meron pa lang nagmamatyag na mga rebelde sa paligid ng hindi namin alam.

Salamat kay lord at hindi niya kami pinabayaan. Ang panalangin ko na lang ngayon ay sana makalabas kami sa gubat na 'to ng buhay.

"Eat this, hindi ka kumain ng breakfast kanina. Baka gutumin ka." Inilahad ni Kinley sa harap ko ang dalawang piraso ng saging na saba. Malalaki ang mga ito kaya tiyak na mabubusog talaga 'kong kakainin.

Tinanggap ko ito at nginitian siya."Salamat."

Sinimulan ko ng kainin ang isa habang naglalakad. Hanggang sa makalabas na kami sa daan. Pagkaliko namin ay medyo mabato na ang daan, ang sabi ni Calvin ay malapit na daw kami sa kalsada.

Sana andoon pa ang sasakyan namin sa gilid, hindi naman nila siguro kinuha iyon.

"May nadidinig akong paparating," lahat kami napatigil sa sinabi ni Callista. Pinakinggan ko 'kong may paparating ba. Dali-dali kaming nagtago sa gilid 'kong saan may malalagong halamn at puno.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon