CHAPTER 19

2K 39 0
                                    


DINNER

Inihatid ako ni Kinley sa bahay,mabuti na lang hindi nagalit sina mom at dad.Yayayain pa sana akong doon na lang mag dinner sa bahay nila tita Olivia pero tumanggi ako.Nakakahiya na kasi e.

"Anong nangyari diyan sa braso mo Brielle Urika?" Seryusong tanong ni dad.May kunting gasgas pala ang braso ko,'kong hindi pa nakita ni mom hindi ko pa malalaman.

"Nagasgasan lang po ito dhie."

"Wag ako Brielle Urika,alam 'kong nagsisinungaling ka." Nilunok ko ang kanin at uminom ng tubig.Jusko nakakatakot talaga si dad pag seryuso.

"M-may nangyari kasi kanina dhie," tumingin ako kina mom at kuya na nakatingin din saki'n."May kinidnap kasi na bata 'don sa pinasyalan namin,ayon hinabol namin ni Kinley ang sasakyan ng kidnapper."

"Hindi mo ba naisip na kapahamakan ang hinahabol mo Brielle Urika?" Napayuko ako sa hiya,pinaglalaruan ko ang aking mga daliri sa ilalim ng mesa.

"I understand na gusto mo lang tumulong pero sana nakipagcooperate ka muna sa mga police bago ka kumilos." Mahinahon ang boses ni dad pero maririnig talaga dito ang authority.

"Nakipagcooperate naman ako sa mga pulis dhie,"

"Nakipagcooperate ka nga huli na,tapos na ang laban." Napanguso ako sa sinabi ni kuya Bramwell.

Tumayo ako at tumungo sa likuran ni dad.Naglalambing na niyakap ko siya sa leeg niya."Sorry na dhie,wala naman pong nangyaring masama saki'n e.At saka prinotektahan naman ako ni Kinley." Tumawa sina mom at kuya samantalang si dad ay nangiti.

Ti-nap niya ang aking ulo,ibig sabihin abswelto na ako sa kaso ko.Bumalik ako ulit sa pagkain at masayang nakikinig sa mga kwento nila kuya.

Narito ako sa kwarto at tinatawagan si Callista,ang tagal sumagot.Ano kaya ginagawa ni'to.

"Hello," rinig 'kong boses ni Callista.Umupo ako sa kama at pinaglaruan ang buhok ko.

"Bakit ang tagal mo sagutin?"

"Ito kasing si Calvino nakikipag agawan pa ng phone.O anong balita,na surrender na ba ang bataan?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.Ano bang pinasasabi niya?

"Anong bataan ang sinasabi mo diyan?" Tumawa siya bigla kaya nailayo ko ang phone sa tenga ko.

"Hahahaha wala-wala,teka may lakad ka ba bukas?"

"Wala naman bakit?"

"Miss ka na ng team,gala daw tayo." Bigla akong naexcite,antagal na rin pala 'nong huli ko slang makasama.

Pano ba naman kasi puro Kinley na lang laman ng utak mo

Napairap ako sa sabat ng aking isip,kontrabida talaga."Oo ba,sabihin mo kay Calvino sunduin ako dito ha?"

"O sige-sige,bye muna kakain pa kami ng dinner." Namatay na ang tawag kaya inilagay ko ang phone sa side table.

Humiga ako sa kama at pumikit.Masiyado akong napagod sa araw na 'to.Pero nag enjoy naman ako,feeling ko may nagbago talaga kay Kinley.The way how he looked at me and hold my hand.Shit na pa english pa ako.Bumuntong hininga ako at hinayaan ko na dalawin ako ng antok.

*********

Maaga akong nagising at naligo.Ako ang nagluto ng breakfast at naglinis ng sala.Ewan ko ba pero feel ko talagang maglinis today.Pakanta-kanta pa ako habang naglilinis.Nilagay ko ang walis sa may kusina at naghugas ng kamay.Sakto naman at bumaba na sila.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now