CHAPTER 15

1.9K 40 0
                                    

WORRIED

Nagising ako na sobrang ginaw, para'ng may nakapaligid saki'n na ice,ang ginaw-ginaw. Pilit 'kong binubuksan ang aking mata pero malabo ang aking nakikita. Napa ubo ako ng tatlong beses, ang sakit ng ulo ko!

Naramdaman 'kong may dumamping palad sa noo ko. Narinig ko rin ang boses ni Kinley.Ano bang nangyayari?

"Hey Brielle, how are you feeling now?" rinig 'kong tanong niya. Malabo pa rin ang nakikita ko.

"M-masak-kit a-ang u-ulo k-ko," mahina 'kong sambit dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko. Feeling ko mabibiak ito ng wala sa oras.

Naramdaman 'kong may inilagay siya na maligamgam na tela sa noo ko. Napaubo ulit ako,ang ginaw-ginaw.

"Hindi pa rin bumababa ang lagnat mo," may pag-aalala na maririnig sa boses niya. Nagawa ko pa 'ring ngumiti sa kalagayan ko ngayon.'Kong sana ang pag-aalala niya ay may ibig-sabihin. Ngayon ko lang naalala ang nangyari bago ako nakatulog. Ramdam ko na naman ang mainit na likido na tumulo sa pisnge ko.

"Are you okay, may masakit pa ba sayo? Why are you crying huh? Tell me Brielle," medyo malinaw ko nang nakikita ang mukha niya. Masaya akong nakikita siyang ganito, na nag aalala siya saki'n, na inaalagaan niya ako.

Dahan-dahan 'kong nilagay ang aking kanang kamay sa pisnge niya. Hindi man lang siya nagulat subalit hinawakan niya pa ito.

Bumukas ang pinto at pumasok doon si na'y Ling na may dala-dalang tray. Inilapag niya ito sa gilid ng kama na may maliit na mesa. Pagkatapos ay umalis din, binitawan ni Kinley ang aking kamay at kinuha ang tray.

"Bangon ka mona, you have to eat para magkalaman ang tiyan mo. You didn't eat lunch." Inalalayan niya akong bumangon at nilagyan ng unan ang likuran ko para may masandalan ako.

"Ah," ngumanga ako habang hinihintay na makapasok ang kutsara sa bibig ko. Lugaw pala ang niluto ni nay Ling.

Sinubuan niya ako ng sinubuan, hinihipan niya mona ito bago isusubo saki'n. Ganon lang ang ginawa niya pero ang puso ko ay para nang matutunaw. Ganyan kalakas ang epekto niya saki'n.

Mga bandang alas sais na ng gabi humupa ang lagnat ko na pinagpasalamat ko. Naka upo lang ako dito sa may balkonahe habang nakatingin sa karagatan na hindi ko halos makita sa sobrang lakas ng ulan.

Tahimik akong nag mumuni-muni, bumuntong hininga ako at napayuko. Hanggang kailan ko mararamdaman itong lungkot na 'to? Hanggang kailan ako iiyak at masasaktan?

Kinalma ko ang sarili para hindi na naman ako umiyak. Gusto ko nang itigil ang kabaliwan na 'to. Pero kapag ginawa ko 'yon parang kinakain ko na rin ang mga sinabi ko noon na hinding-hindi ako susuko. Kahit masaktan ako, lalaban pa rin ako.

Pero ngayon, ewan ko na lang. Nakakapagod na kasi, puro na lang si Nadia, si Nadia. Pa'no naman ako?

Hays Brielle tumigil ka na sa drama mo!

Nalanghap ko ang pabango niya kaya tumingin ako sa likuran, patungo siya sa pwesto ko. Tumabi siya ng upo saki'n, ako naman ay hindi malaman ang gagawin, magsasalita ba ako o hindi?

"Bakit ka nga pala nandon sa may bato? Why did you go there?"

"N-nagpahangin lang ako," mahina 'kong sagot.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya at sinipat ang leeg ko.

Tumango ako bilang sagot."Kinley, total matatapos na naman 'tong set up natin. Pwede ka bang maimbita sa birthday ko?"

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now