CHAPTER 14

1.9K 39 0
                                    


CARE

Nagising ako na may kayakap na unan, nilibot ko ang tingin sa buong kwarto pero hindi ko nakita si Kinley. Teka ano bang nangyari? Matagal 'pang naproseso ng utak ko bago ko maalala.
Umiyak ako tapos pinahiran ni Kinley ang mga luha ko tapos niyakap niya ako. Napaupo ako sa kama dahil sa gulat,totoo nga talaga na niyakap ako ni Kinley!

Tumili ako at lumundag-lundag sa kilig. Nagpagulong-gulong ako sa kama at tumili-tili. Natigil na lang ako ng kumalabog ang pinto. Nanlaki ang mata 'kong nakatingin kay Kinley na nakunot ang noo'ng nakatingin saki'n.

"What happened? Narinig 'kong sumisigaw ka?" naroon sa boses niya ang pag-aalala.

"Ah, e wala naman. Nakakita lang ako ng ipis kaya ako sumigaw," gusto 'kong kutusan ang sarili ko sa sinabi ko. Kabobohan nga naman Brielle!

"Pero kinausap ko na ang ipis, pina alis ko na siya," pilit na sabi ko.

"Let's eat dinner now," tumango ako at sumunod sa kaniya.

"Tara,"

Nagpasya si Kinley na magstay pa kami dito ng mga ilang araw. Hindi ko nga iniexpect na ganon ang magiging desisyon niya. Siya na rin ang nagpaalam saki'n kina mom at dad.
Tinanong ko siya 'kong bakit ganon ang desisyon niya, ang tanging sagot niya lang ay let's just go with the flow.

Hindi ko na gets ang sagot niya kaya hinayaan ko na lang. Ang importante masaya ako ngayon na makasama ko pa siya. Dito kami kumain ng dinner sa tabing dagat. May nakahandang mesa dito at napapalibutan ng christmas light ang mga niyog sa paligid. May bonfire din na nakahanda hindi kalayuan sa amin. Nakakakilig kasi ang romantic talaga.

"Ikaw ang naghanda ni'to?" Tumango siya saki'n.

"Do you like it?"

Nakangiting tumango ako."I love it," umangat ang gilid ng labi niya. Alam 'kong nakangiti siya.

Masaya kaming kumain ng dinner,nagkwentuhan kami na hindi ko inaasahan. Nagkwento siya 'kong gaano niya kagusto maging doktor. Nakikinig lang ako sa pagkwe-kwento niya. Gusto ko sanang magtanong tungkol sa kanila ni Nadia. Pero pinigilan ko ang sarili, ayokong gibain ang mood niya ngayon. Alam 'kong balang araw magkwe-kwento rin siya, pero sana 'kong dumating man ang araw na 'yon, humihinga pa ako sa mundong 'to.

Naka-upo ako ngayon sa telang nakalatag sa buhangin. Nakaharap ako sa bonfire at si Kinley naman ay na sa tabi ko lang. Kanina pa siya tahimik na parang may naaalala, malayo kasi ang tingin niya.

"Kinley," lumingon siya saki'n.

"Pwede ba'ng magtanong?"

"What is it?" bumalik na ulit ang tingin niya sa karagatan.

"Wala na ba talagang pag-asa?" tanong pa lang iyon ngunit nanunuyo na ang lalamunan ko. Sobrang bilis rin ng pintig ng aking puso, hindi dahil sa kilig kondi sa kaba.

"I already made my word Brielle," huminga siya ng malalim pagkatapos sabihin iyon.

Napayuko ako sa narinig,alam ko na agad ang ibig sabihin non. Wala talaga, walang-wala. Umasa pa naman ako ng konti,akala ko may mabubuo pa. Ang hirap umasa, 'yong pinapakita niyang kilos na binibigyan ko ng kahulugan na dapat ay wala naman talaga. Ako lang 'yong nagpapasakit sa sarili ko eh.

"Wag ka'ng mag alala, malapit na namang matapos ang isang buwan. Wala ng Brielle na mangungulit sa'yo." Pinisok-pisok ko ang aking mata dahil natakpan na ito ng luha.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon