CHAPTER 18

2K 40 0
                                    


HARDHEADED

"Sino kayo ha?! Anong ginagawa niyo rito?" napapikit ako dahil sa sigaw ng mama sa likod namin. Putek kasi 'tong si Kinley e, kasalanan niya talaga 'to. Tumingin ako kay Kinley at pinandilatan siya. Kumunot naman ang noo niya, humarap ako ro'n sa mama.
Nag-peace sign ako at tumingin sa baril na hawak niya.

"Nagdi-date lang ho kami, mamang kidnapper." Nilingon ko si Kinley na ngayon ay nasa unahan ko na. Protective naman masiyado, kinikilig tuloy ako.

Napapitlag naman ako sa sigaw nong mama."Pinagloloko niyo ba ako ha?! Taas ang kamay!" Hindi namin tinaas ang mga kamay namin kaya sumigaw ulit siya at tinutok na ang baril s'amin.
Itinaas ko ang dalawa 'kong kamay sa kaba baka barilin niya si Kinley. 'Di bale ng ako ang mabaril wag lang ang Kinley ko.

"Ito na nga po mamang kidnapper, masiyado naman kayong atat. At 'tsaka wag nga kayong sumigaw,magkaharap lang tayo eh." Sermon ko. Sumigaw kasi e, kala mo naman ang layo-layo namin. Muntik na lumabas 'yong kulangot ko sa tenga kakasigaw niya. Teka may kulangot ba ang tenga? 'Di ba sa ilong 'yon?

"Shut up Brielle," bulong ni Kinley saki'n."O, lakad na!" nakayuko kaming dalawa ni Kinley habang nakasunod naman si mamang kidnapper sa likuran namin. Hindi kami pwedeng gumawa ng aksiyon dahil isang putok lang mapapatay niya kami ng wala sa oras. Ang laki pa naman ng baril niya.

Nakapasok na kami sa loob ng abandonadong building. Nagmasid ang mata ko sa paligid, walang katao-tao.
Umakyat kami sa hagdan patungong second floor. Pagkarating namin, nakita ko agad ang isang batang nakagapos sa upuan, may panyo na nakalagay sa bibig niya. Tumingin sa amin ang mga lalaki kanina na nakita ko sa park.

"Sino ang mga 'yan? Paano sila nakapasok dito?" tanong ng isang lalaki na malaki ang katawan. Nakasaksak sa bibig niya ang sigarilyo. Tumingin ako kay Kinley na kalmadong nakatayo.

"Nagdi-date raw sila rito boss," sagot ni mamang kidnapper na nakahuli sa amin. Bumaling ako ulit sa batang nakagapos. Nakatingin ito sa amin ng maluha-luha. Naaawa ako sa bata, hindi niya dapat naranasan 'to.

"Tangina! Dito pa talaga napiling magdate." Iling-iling na saad niya."Anong ginagawa niyo rito? Bigyan niyo ako ng matinong sagot para palabasin ko kayo dito ng buhay." Tumingin siya kay Kinley at sumenyas na sagutin ang tanong ng boss daw nila.

"We're here to get that child," tinuro ni Kinley ang bata. Ngumisi ang boss nila at humalakhak pa. Humalakhak din ang iba pang lalaki.

Dahan-dahan akong gumilid para makalapit sa pwesto ng mga sirang bakal. Ito mamaya ang gagamitin ko panghampas sa mga gunggong na 'to.

"Ano bang pumasok sa kukute niyong dalawa at nag aksaya kayo ng oras para iligtas ang batang yan? Hindi kayo makakalabas dito ng buhay! Sige, itali ang mga 'yan!" Dinala ng isang lalaki ang bata paakyat sa third floor kasama ang boss nila. Tatlo na lang ang natira dito na nakabantay s'amin. Hinintay ko na makalapit sa 'kin ang isang lalaki bago ko kinuha ang bakal at hinampas sa mukha niya.

Nakita ko naman si Kinley na nakikipalaban doon sa isa pang lalaki.Inatake ko ang isa pang lalaki na balak sanang barilin si Kinley. Kahit naka dress ako ay sinipa ko parin siya sa mukha, sapol. Napatumba namin ang tatlong lalaki, kinuha ko naman ang mga baril nila at itinapon. Patakbo kaming umakyat sa third floor, dahan-dahan kaming sumilip dahil tahimik ang paligid.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now