CHAPTER 12

1.9K 37 0
                                    

IGNORE

Dumiretso ako ng lakad papunta sa may kainan dito, ikakain ko na lang itong selos ko. Umupo ako dpon sa may mesa na malapit sa puno, maganda ang view dito. Maya-maya pa ay tumayo na ako para mag-order dahil kunti na lang ang tao sa may counter.

Umorder ako ng dalawang set ng kanina, dalawang large crispy fried chicken, dalawang set ng nilaga, pritong shrimp at dalawang coke. Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko para ipangbayad pero naglapag na si Kinley ng isang libo. Nagulat ako kasi andyan pala siya sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at binitbit na ang isang tray. Naiwan ang isa na si Kinley ang nagdala.

Umupo ako at nagsimula ng kumain. Hindi ko siya tiningnan at kain lang ako ng kain. Hmm, sarap naman ng friend chicken nila dito, ang crispy- crispy.

"Hey, your quiet. Are you alright?" tanong niya pero hindi ko pa rin pinansin. Manigas siya dyan, kala niya siya lang marunong mang snob.

Natapos kaming kumain na hindi ko parin siya pinapansin. Siguro napagod din siyang magsalita kaya tumahimik.
Nakonsensya naman ako kasi alam ko namang napipilitan  lang siya sa date na ito tapos nag dadrama pa ako.

"Kinley, may sasabihin ako sa'yo." Napatingin naman siya sa'kin. Ang noo nito ay nakakunot pero ang gwapo- gwapo parin.

"What is it?" pati ang boses nito ang sarap sa pandinig.

"I'm sorry, nagseselos lang naman ako kasi niyakap ka ng babaeng 'yon e. Sorry 'kong hindi kita pinansin."

Napakurap ako ng makita 'kong nakangiti siya. Teka ngumiti si Kinley?Waaah! Ngumiti nga siya.

"Ngumiti ka! Ang gwapo mo pagnakangiti Kinley!" tili ko. Hindi talaga ako makapaniwala na ngumiti siya.

"Tsk, I didn't okay? And why are you jealous?"

"Kasi nga mahal kita, ayokong may nakayakap sayong ibang babae. Hindi pa nga kita nayayakap tapos siya yayakap na lang ng ganon ganon. Nasaan ang hustisya don!" nakasimangot 'kong sabi.

"You love me that much, huh?"

"Oo naman, ikaw lang naman itong hindi ako mahal!" himutok ko pa. Agad din akong napatakip ng bibig nang marealize ang sinabi.

Masaya akong umuwi ng bahay. Sobrang saya ko sa naging date namin ni Kinley, ewan ko lang 'kong nag-enjoy din siya. Pero sa tingin ko mukha naman dahil napangiti nga siya e.

Wala pa sina Mom at Dad. Dumiretso na lang muna ako sa kwarto at nagbihis. Tumulong ako kay manang sa pagluto ng dinner. Tinext ko rin si Kinley 'kong nakapagdinner na ba siya. Ang nireply niya lang ay yeah.

Ang cold talaga, pero okay lang mahal ko naman siya. Sabay-sabay  kaming nagdinner nila Mom at Dad. Wala ang dalawa 'kong Kuya kasi may importante daw na aasikasuhin. Ako ang pinaghugas ni Mom ng plato dahil hindi daw ako nagpaalam sa kaniya kanina. Hays buti na lang good mood ako kaya walang nabasag na plato at baso.

1 WEEK LATER

Napabuga ako ng hangin at lumabas ng sasakyan. Andito ako ulit sa golden circle, namiss 'kong pumunta dito. Hindi na kasi ako nakadalaw simula 'nong nakatulog ako sa puno. Isang Linggo na ang nagdaan, at patuloy parin ang date namin ni Kinley. Every sunday ay lumalabas kami, nagsisimba tapos namamasyal. Sobrang saya ko sa loob ng isang linggo kasi 'yong mga plano ko lang noon na kasama siya unti-unti nang natutupad ngayon.

Pero ngayon sobrang lungkot ko kasi miss na miss ko na si Kinley. May orientation siya kasama ang iba pang doctor sa Boracay. Tatlong araw sila roon, dalawang araw pa ang hihintayin ko para makasama ulit siya. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa'kin na aalis siya. Nalaman ko lang kay Vinson na nong tinawagan ko siya.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now