CHAPTER 23

2K 33 0
                                    

MISSION

Maaga akong nagising para ihanda ang mga gamit ko, ipinapatawag kami sa head quarters. Mukhang ipapatapon kami sa kung saang lugar, may bagong ibinigay na misyon sa amin.

Kahit namumugto ang mata ko sa kaiiyak kagabi, hindi ko ito ipinahalata kina mom. Ayokong pati sila ay mabahala pa.

Suot ko na aking uniporme pang sundalo. Bumaba ako ng hagdan dala-dala ang isang malaking bag.
Nagising ako kaninang madaling araw at doon ko nalaman na ngayon na pala ang alis namin.

Ine-expect ko na ito pero hindi ko alam na ganito pala kaaga. Pumasok ako sa kusina at nadatnan ko silang nakaupo na. Alam 'kong malungkot sila sa pag alis ko.

"Bakit po kayo ganyan? Hindi naman ako mawawala sa inyo e. Aalis lang ako," saad ko at nagsimula ng kumain.

"Paanong hindi kami malulungkot baby, aalis ka na. Pwede namang i cancel mo muna ito 'di ba? Dito ka na lang mag pa-assign," saad ni mom na malungkot na nakatingin sa'kin.

"Mhie, ako ang captain ng team.Hindi ako pwedeng hindi sumama. At sa'ka mabobore lang ako pag dito ako nag pa-assign. Walang aksiyon dito, puro papel lang halos ang kaharap ko buong araw. E di kakalawangin 'yong baril pagnagkataon." katwiran ko sa kaniya.

Napailing-iling si mom at dinuro si dad.

"Manang-mana talaga sa'yo yang anak mo." Napakamot ng batok si dad at ngumiti sa'kin.

"Basta ang palagi kong sinasabi sa'yo anak, ingatan mo palagi ang sarili mo. Makinig ka sa order ng commander mo. Antigas pa naman ng ulo mo," sabi ni dad. Tumawa naman sina kuya at mom.

Isa-isa 'kong niyakap silang lahat bago ako nagpaalam. Mamimiss ko sila ng sobra. Pagkarating ko sa head quarters nakita ko na rin sina Calvin, Callista, Simon at Derick. Sumaludo silang apat sa'kin kaya sumaludo din ako pabalik. Nakasuot na rin sila ng kanilang mga uniporme, sabay kaming pumunta sa opisina ni Major Suarez.

Pagkabukas ng pinto, bumati kami at sumaludo sa kaniya. Matuwid kaming nakatayong lahat habang nakikinig sa sinasabi ni Major Suarez. Dini-discuss niya sa amin ang bago naming misyon

"Your new mission is to guard the son of Senator Rodriguez. Alam naman natin kung gaano kamakapangyarihang tao ang senador hindi ba. Marami siyang mga kalaban sa politika at ilan sa mga kalaban niya ay nagtangkang patayin siya. Humingi siya ng tulong sa atin, gusto niyang masigurado ang kaligtasan ng kaniyang anak habang hindi pa nagsisimula ang eleksyon."

Nagkatinginan kaming lahat at bumuntong hininga. Hindi ito ang ini-expect ko. Akala ko ay sa malayong lugar kami madidistino o di kaya nama'y sasabak kami sa gyera.

"Legit ba 'to Sir? Magiging bodyguard kami?" tanong ko kay major.

"Yes Captain Del Rama, that is an order. You'll have to do it whether you like it or not. And it's giving you'll a favor. Hindi na kayo lalayo pa sa mga pamilya ninyo," mahabang paliwanag pa Major.

"Mission accepted sir, by the way saan po pala kami mag-i-stay?"

"Senator Rodriguez's men is already outside. Ihahatid kayo sa mansyon ni Senator for briefing," sagot ni Major.

Sumaludo kami sa kaniya bago labas sa kaniyang opisina.

"Ayos na rin siguro 'tong bago nating mission captain, hindi na tayo lalayo pa." ani Derick.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now