CHAPTER 36

1.7K 24 0
                                    


TRAITOR

HINDI ako mapakali dito sa kama ko, kanina pa ako palipat-lipat ng pwesto pero hindi pa rin ako makatulog. Inaalala ko pa rin ang mga salita ni Kinley kanina. Pinukpok ko ang ulo ko gamit ang palad ko. Bakit ayaw pa akong patulugin?!

Inis akong bumangon sa kama, katulad noong nakaraang gabi ay lumabas ako ng bahay. Naka suot ako ng itim na hoodie, malamig ang simoy ng hangin sa gabing ito. Parang may hindi magandang mangyayari. Ewan, hindi ko talaga ma gets ang instinct ko.

Tumungo ako sa direksyon 'kong saan ko nakita si Victor kagabi. Nagtago ako sa halamanan at hindi nga ako nagkamali, nakita ko siya na nakatalikod sa akin. Medyo malayo siya sa akin kaya hindi ko madinig ang mga sinasabi niya. May kausap siya sa telepono, siguradong nagrereport na naman ang loko sa magaling niya'ng amo.

Agad akong yumuko ng makita siya'ng papunta sa gawi ko. Nagmamadali siya at patingin-tingin sa paligid. Pagkaliko niya ay agad din akong sumunod sa kaniya. Tumigil lang ako ng ilang dangkal sa kaniya at nagtago sa may gilid. Nakita 'kong kinausap niya ang isa sa mga bantay.  Pagkatapos ay pumasok na siya sa loob ng mansyon.

"Anong ginagawa mo dito?"

Muntikan ko ng masuntok si Calvino dahil sa bigla niya'ng pagsulpot. Takte! Nagulat ako doon ah.

"Bakit ka ba nanggugulat?" mariin 'kong tanong sa kanya.

"Hindi kita ginulat, tinanong lang kita." Hinila ko kaagad siya paalis doon bago pa kami mahuli ng mga nagbabantay.

"Ano ba kasing ginagawa mo doon...dis oras  nang gabi?" tanong niya na hindi ko pinansin. Nakatutok lang ang atensiyon ko sa laptop ni Derick. Tinitingnan ko ang mga documents ni Lazaro sa system niya. Kailangan kung aralin ang buong detalye para sa gagawing plano. Kailangan pilido na ang lahat pag-irereport na namin ito kay  Major Palma.

"Hinuhuli ko lang sa akto si Victor," sambit ko na hindi tumitingin sa kaniya. Rinig ko naman ang paghinga niya ng malalim.

"So, what's the plan?"

:::

Lumipas ang mga araw, mas naging seryuso ang pag-iimbestiga namin. Pasikreto ko pa ding minamanmanan si Victor. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ni Lazaro at kung kailan siya kikilos. Basi sa naobserbahan ko nitong mga nakaraang araw, mas nagiging atentibo si Victor sa pakikipag-usap sa kung sino man sa kaniyang telepono gabi-gabi.

Natitiyak ko na malapit na talagang mangyari ang pinaplano nila. At iyon ang hindi ko alam.

"May problema ba?" tanong ni Kinley. Kasalukuyan kaming nagpapahinga dito sa may bench ng plaza. Kakatapos lang naming mag jogging. Dito namin napagpasyahan na tumambay muna, medyo hiningal nga ako dahil na rin siguro na medyo matagal na rin simula noong nakapag jogging ulit ako.

"Huh? Wala naman, bakit?"

Tinaasan niya ako ng kilay kaya napasimangot ako. Pansin ko na palagi niya talaga akong tinataasan ng kilay.

"You're not good at lying, babe. C'mon, tell me. What it is, hmm?"

Pinalubo ko ang pisngi ko dahil sa lambing ng pagkakatanong niya. Parang sasabog ang pisngi ko sa sobrang init. Kinley naman kasi eh!

"Kilala mo ba si governor Lazaro?" tanong ko sa kaniya. Gusto ko lang makompirma kung tama ba ang nakita ko sa documents na may koneksyon ang mga Montecelio sa mga Lazaro.

"Yeah... he's one of Dad's business partners." Uminom kaagad ako ng tubig para maibsan ang pagkairita ko.

"Kailan lang?" tanong ko muli.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now