CHAPTER 16

1.9K 41 1
                                    


SHORT TIME

Naubos ko ang tatlong buko at kay Kinley naman ang dalawa. Grabe ang sarap-sarap. Medyo tuyo na rin ang damit ko kaya hindi na mabigat sa katawan. Nagpagpag ako sa aking pwetan at luminga-linga. Nasaan na kaya si Kinley?

Naglakad ako papalapit sa may likuran ng maliit na kubo. May naririnig kasi akong tunog na rito nanggagaling. May nakita akong sanga ng kahoy, kinuha ko iyon para gawing panangga. Dahan-dahan akong lumapit, hinigpitan ko ang paghawak sa sanga at dahan-dahan kong tinignan kung sino ang naroon. Nabitawan ko ang hawak na sanga.

"O my gosh!" dali-dali kong tinakpan ang aking mata. Si Kinley ang nakita ko at naka boxer lang siya.

"Hey, what's wrong Brielle?" nanatili pa ring nakatakip ang aking dalawang kamay sa aking mata. Jusko po, bakit naman kasi nakahubad siya?

"B-bakit na ka boxer ka lang?" tinanggal ko ang aking kamay pero hindi ako sa kaniya nakatingin kundi sa ibang direksyon. Ang lapit-lapit ng katawan niya sa 'kin. Jusko po, ilayo niyo ako sa tukso.

"My clothes are wet," simpleng sagot niya.

Bakit parang wala lang sa kaniya na nakahubad siya? Hindi niya ba alam na may kasama siyang babae rito?

"Ano nga pa lang ginagawa mo rito?Kanina pa kita hinahanap," tanong ko at tiningnan ang mga ginawa niya.

May dahon ng saging na nakalatag doon sa maliit na lamesa. May apoy din na nakahanda, ano bang ginagawa niya?

"I'm preparing our lunch," sagot niya at may kinuha sa kubo. Napamaang ako ng makita ang laman ng mangkok. Isda! Mag-iihaw siya ng isda!

"Pwede bang tumulong?" akma na akong tumayo ngunit umiling siya.

"Just sit there and watch me," kumindat pa siya sa 'kin bago sinimulan ang pag-ihaw. Napakagat ako ng labi sa kilig. O my gosh! Kinindatan ako ni Kinley! I think I'm gonna die.

Nanuot sa ilong ko ang amoy ng inihaw na isda. Amoy pa lang masarap na. Inilagay ni Kinley ang maliit na kaldero sa mesa. Grabe na talaga 'to, iisipin ko na talagang pinaghandaan niya ang pagpunta namin rito.

"Let's it," sambit niya. Ako naman ay dali-daling nag sandok ng kanin at inilagay sa dahon ng saging. Kumuha ako ng isda at inihalo ito sa kanin na nasa kamay ko. Sinubo ko ito at kumuha ulit ng kanin at isda. Sarap!

Halos mabulunan ako sa kinakain ko, ang sarap kasi, e. Napatigil ako sa pagsubo ng mapansin kong hindi pala kumakain si Kinley. Nakatingin lang siya sa 'kin na parang ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Joke.

"B-bakit hindi ka pa kumakain, Kinley?" Ngumiti lang siya sa 'kin at nagsimula ng sumubo. Napatingin pa ako sa mga daliri niyang mahahaba. Napalunok ako at uminom ng tubig. Ano na naman ba itong iniisip ko?

Kumain ako muli at hindi na tumingin sa kaniya. Baka ano na magawa ko sa kaniya, nakahubad pa naman siya.

Nagpahinga muna kami pagkatapos mag lunch. Niligpit namin ang mga kalat at umupo sa ilalim ng niyog. May papag na gawa sa kawayan ang nakalagay dito.

"Grabe, hindi ko inaasahan na makapagbakasyon ng ganito kasaya." Nakangiting sabi ko. Ramdam kong nakatingin si Kinley sa 'kin.

"Why? 'Di ba nagbakasyon kayo sa Boracay? Hindi ba masaya 'yon?" tanong niya.

"Masaya naman, pero iba ito. Ikaw ang kasama ko kaya masaya talaga ako." Tumingin ako sa kaniya at siya naman ang nag iwas ng tingin. Pansin kong namumula ang tenga.Teka may lagnat ba siya. Sinipat ko ang leeg niya pero hindi naman mainit.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now