CHAPTER 44

1.4K 23 0
                                    

TEASE

KANINA pa ako nakapark malapit sa bahay namin. Naisipan kong hulihin ang kung sino man ang naglalagay ng itim na box sa tapat ng gate namin. Hindi kuha ang mukha niya sa CCTV. Nakasuot lang siya ng itim na pantalon at hoodies.

Biglang tumunog ang cellphone ko. May message galing kay Kinley. Isa rin 'to, simula no'ng mangyari ang pagsasagutan namin ng Lea na 'yun ay nainis din ako kay Kinley. Paano ba naman ay wala man lang siyang ginawa para pigilan ang babaeng iyon. Nag enjoy yata siya sa pang iinis ng babaeng iyon sa akin.

Hindi ko pinansin ang text niya. Bahala siya riyan, naiinis pa rin ako sa kanya. Magsama sila ng babaeng 'yon.

Ibinalik ko ang tingin ko sa gate namin. Kaagad akong nagulat ng makita na meron nang box na nakalagay doon. Kaagad kong pinaandar ang sasakyan ko, nakita kong lumabas si Mom sa gate. Pagkahinto ng sasakyan ay dali-dali akong lumabas. Bago pa mapulot ni Mom ang box ay naunahan ko na siya.

"Brielle, m-may naglagay na naman. O my god, ano ba talaga ang kailangan nila." Hinawakan ko ang kamay ni Mom na ngayon ay nanginginig na. She's scared and it's killing me. Ayokong nakikita si Mom na ganito. Kaagad kong tinignan ang buong kalye. Wala nang bakas kung sino man ang naglagay ng pesteng box na 'to sa gate namin.

Pumasok kami sa loob at kaagad kong ikinuha ng tubig si Mom. Binuksan ko ang box at nabitawan ito ng makita ko ang litrato namin ni Kinley na kumakain sa Clem's Restaurant. Halata na nasa labas ang kung sino man ang  kumuha ng litratong ito. May bahid ng dugo ang litrato ni Kinley at may nakatutok na baril sa kanya.

"O my god! Anak, pati si Kinley ay kasali na. This is ridiculous!"

Kaagad kong tinawagan si Kinley. Nakahinga ako ng maluwag nang sagutin niya ako.

"Hello, babe. I was about to call you,"

"May naramdaman ka bang nakatingin sa'yo noong kumain tayo sa Clem's Restaurant?"

"Huh?"

"Sagutin mo na lang ang tingin ko, Kinley."

"Yeah, nakaramdam ako. I looked outside but I see no one."

"Why do you ask?"

"M-may nagpadala na naman a-at kasama ka sa litrato. L-litrato nating dalawa."

"Damn, are you okay? Pupunta ako riyan, wait for me."

Kaagad na namatay ang tawag. Sumandal ako sa sofa at ipinikit ang mata ko. Ang dami ko nang iniisip, dumagdag pa 'to. Ilang sandali pa ay nakarinig na kami na may nagdoorbell. Lumabas kaagad ako para buksan ang gate.

Sinalubong agad ako ni Kinley ng yakap pagkapasok niya. Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos.

"I'm so worried after I heard what you said kaya I drive as fast as I can para makarating agad dito." Hindi ko mapigilan na matawa dahil sa itsura niya. Nakapajama pa siya at black fitted sando. Wala sa sariling tinunggab ko ang laman ng baso sa lamesa. Wew, bakit ang gwapo-gwapo niya?

"N-nag alala lang ako sa'yo kaya tinawagan kaagad kita. Ayokong magsikreto kaya sinabi ko agad." Pinilit kong wag tumingin sa kanya habang sinasabi ang mga katagang iyon dahil na-didistract ako sa biceps niya.

Hindi siya nagsalita kaya tinignan ko siya. Halos maduling ako dahil sobrang lapit na pala ng katawan niya sa akin. Umatras ako pero hinuli niya ang bewang ko at ikinulong sa mga braso niya.

"A-ano ba!" sinubukan ko siyang itulak dahil masiyado na siyang malapit.

"Kapag hindi mo ako nilubayan, hindi kita sasagutin." Pananakot ko sa kaniya pero ngumisi lang siya. Sh*t! Hindi ako handa na makita ang ganitong side ni Kinley. Kinagat niya ang kaniyang lower lip na parang nang aakit. Ang hot niya, oh my goodness!

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now