CHAPTER 13

1.9K 36 0
                                    


CRY

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ngayon.Nakita 'kong bumaba sila sa iisang sasakyan,kay Lea ba ang sasakyan na 'yan?Kong ganon bakit pa nila ako sinundo.

Tumingin ako kay Kinley ng makalapit na siya."Anong ginagawa mo dito?"

"I'm here to fetch you." iniwas ko ang tingin sakan'ya at tinignan ang babaeng nasa likod niya.Nakatingin din ito saki'n ngunit naroon ang mga ngisi sa labi niya.

"Bakit mo naman ako susunduin?" hindi ko mapigilang tanong.Bakit nga ba niya ako susunduin.Magkasama sila ng babaeng 'to,malay ko ba 'kong anong ginawa nila bago pumunta dito.

Umiwas siya ng tingin at hinilot ang sintido niya."Let's go,I'm sure hinahanap ka na sa inyo."

Hindi ko na siya sinagot at lumakad na papunta sa backseat ng sasakyan.Tahimik lang ako buong byahe samantalang salita ng salita naman ang Lea na 'to tungkol sa mga pangyayari daw sa Boracay.Ipinikit ko na lang ang aking mata at natulog.Ayokong pakinggan ang mga walang kwentang kwento ng babaeng 'to.

Nagising ako na nandito na sa kwarto.Teka,paano ako napunta dito?Tinignan ko ang oras,8 pm na pala.Bumangon ako at lumabas ng kwarto,tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig.

Muntik na akong atakihin sa puso ng makita ko si kuya Braylle doon.
"Anong ginagawa mo dito kuya?" tanong ko sa kaniya at kumuha na ng baso.

"Tsk seriously? Siyempre umiinom ng tubig," napairap ako sa sinabi niya.Oo nga naman Brielle,nakita mo naman diba.

"Sino naghatid saki'n kuya?"

"Si Montecelio."

"Binuhat niya ba ako papunta sa kwarto ko?"

"Oo,tulo laway ka pa nga e," uminom na ako ng tubig at iniwan siya 'don.Wala talagang kwentang kausap ang isang 'yon.Palagi nalang akong inaasar e.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kinley.Napangiti ako ng sinagot niya ito.

"Hello Kinley!"

"What do you want?"

"Ay grabe naman,itatanong ko lang sana 'kong..."

"'Kong?"

"'Kong ikaw ba ang bumuhat saki'n papuntang kwarto?"

"Yeah,why?"

"T-tumulo b-ba ang a-ano ko?"

"Ang ano?"

"Tumulobaanglawayko?"

"What?"

"A,e wala-wala,nagdinner ka na ba?"

"Yeah,Ikaw?"

Napangiti ako sa tanong niya,eeehhh! Concern saki'n ang Kinley ko.

"Hindi pa kasi kagigising ko lang,"

"You should eat,I'm gonna hang up now,I have something to do pa." Napakagat ako ng pang-ibabang labi para pigilan ang tawa.Nagiging conyo na naman si Kinley ko.

"Okay,magdadate tayo bukas ha?"

"Hmm,bye." Napatingin ako sa phone ng bigla na lang itong namatay.Bakit pakiramdam ko may nag-iba?Hindi ko na lang pinansin ang isiping iyon at humiga na.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now