CHAPTER 38

1.5K 26 0
                                    


FACE UP

Ayon kay Kees, nag uusap pa sina senator at governor sa opisina nito. Ang tanging narinig lang niya ay may gaganapin daw na transaksyon. Nakatambay lang kami dito sa sala, dahil may gusto along alamin ay nag paalam mo na ako na lalabas.

"I'll come with you," ani Kinley pero inilingan ko lang siya. Hindi siya pwedeng ma involve rito.

Nakapamulsa ako habang palabas ng mansiyon. Nakita ko kaagad ang ilang mga tauhan ni governor na nakatayo sa labas. May ilan na may hawak na baril, ang iba naman ay nagyoyosi.

"Anong tinitingin-tingin mo?!" Palihim akong napa irap, ang sungit naman ng mamang 'to.

Hindi ko siya sinagot at sinadya kong dumaan sa harapan niya. Luminga pa ako, napahinto ako ng makita ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Nakatalikod siya sa akin at may hawak na baril, ganito rin ang nakita ko noon sa CCTV. Posibli ba na siya ang taong iyon?

"Bingi ka ba? Kinakausap pa kita, a." Nilingon ko ang mamang nagsalita, medyo malaki ang katawan niya at mahaba ang buhok niya. Mukhang hindi siya marunong magsuklay dahil sa medyo magulonang buhok niya.

"Ay pasensya na ho, hindi ho kasi ako nakapag linis ng tenga kaya hindi ko kayo nadinig."Ngumiti ako ng hilaw at pinasadahan ang suot niya.

"Niloloko mo ba ako, mis?" may halo ng inis ang boses niya. Bago pa ako makasagot ay biglang lumapit ang pamilyar na lalaki at may ibinulong sa kanya.

Bigla siyang ngumisi, tumingin naman ako sa pamilyar na lalaki na ngayon ay nakangisi rin habang nakatingin sa akin. Ang pangit nila ngumisi.

"Ikaw pala ang bodyguard ng anak ni senator..." sambit niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Nang uuyam ang tingin niya na para bang wala ako sa katiting niya.

"Bakit ho? May problema ka ba sa akin?"

Umiling siya habang nakangisi pa rin, 'yung ngising nagyayabang. Bored ko siyang tiningnan, napansin ko na halos lahat sa kanila ay may tattoo sa ma bandang leeg. Hindi ko lang masiyadong maaninag kung ano ang disenyo pero iyon talaga ang napansin ko. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng mga tattoo nila?

"Sigurado ka bang kaya mong ipagtanggol ang anak ni senator? E, sa katawan mo pa lang, halata nang wala kang kalaban-laban. Hindi basta-basta ang mga makakalaban mo... sa sobrang daming nagtatangka sa pamilya Rodriguez, baka ang anak pa ni senator ang magtatanggol sa'yo." Humalakhak siya na para bang nakakatuwa talaga ang sinabi niya.

Pilit 'kong kinakalma ang sarili ko, baka hindi ko siya matansya at bigla ko siyang masapak. Kinukwesyon niya ba ang kakayahan ko?

"Isa kayo doon, 'di ba?"

Napatigil siya sa paghalakhak at nakunot ang noo na tumingin sa akin. Mukhang may napindot yata ako na hindi dapat. Sa bibig niya na mismo lumabas, masiyado kang obvious gago!

"Anong sabi mo?" tanong niya. Napangisi ako dahil sa sandali niya'ng pamumutla.

"Wala, ang sabi ko mag ingat ka sa pananalita mo. Baka 'yan ang magpapahamak sa'yo." Iniwan ko siya doon at pumasok na doon. Natawa ako at umiling-iling habang naglalakad. Mukha na ata akong baliw nito.

"Why are you laughing?"

"Ay, palaka!" Gulat 'kong nilingon si Kinley, nakalagay sa dibdib niya ang dalawa niya'ng siko at wirdo akong tiningnan.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now