CHAPTER 33

1.7K 31 0
                                    


COURTING

Hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa nangyari noong nakaraang linggo. Nagpanggap akong nakatulog sa balikat niya habang nagcoconfess siya. Masiyado kasi akong nahiya sa mga pinagsasabi niya kaya wala na akong ibang maisip na paraan kundi ang matulog. Akala niya hindi ko narinig ang mga sinabi niya pero akala niya lang 'yon. Klarong-klaro sa isipan ko ang mga salita na lumabas sa bibig ni Kinley. Ngayon ay naguguluhan na ako 'kong sasagutin ko ba si Kinley o hindi.

Ni'tong mga nakaraang araw kasi ay sunod-sunod ang bisita niya sa'kin. Pati kina mom at dad ay nanliligaw din s’ya. Higit pa sa iniexpect ko ang mga ginagawa ngayon ni Kinley. Kung noon ay pinapangarap ko lang na maligawan ng isang katulad niya, tapos ngayon ito at natupad na. Si kuya Bramwell naman ay sinabihan ako na wag ko daw munang sagutin, pahirapan ko daw muna dahil sa pagpapaiyak noon ni Kinley sa'kin. Si kuya Braylle naman ay ganon din. Palagi man siyang seryuso at Mukhang walang pake pero ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa'kin.

Napagpasyahan 'kong magluto na muna, naglakad ako patungong kusina.  Nadatnan ko doon si manang na naghuhugas ng plato.

"O iha, bakit bumaba ka pa? Sana ay tinawag mo na lang ako, kong may ipag uutos ka."

Umupo ako sa stool at nginitian si manang. "Okay lang po, medyo hindi naman na masakit ang sugat ko."

Nagpunas si manang sa kanyang kamay at binuksan ang ref. May kung ano siyang kinuha doon na hindi ko alam kung ano.

" O, ito. Hinatid 'yan ng manliligaw mo kanina. Hindi ka na n’ya ginising dahil ansarap daw ng tulog mo. Ibinilin n’ya na lang sa akin na kainin mo daw 'yan. Maiwan na muna kita at may gagawin pa ako." Tinanguan ko si manang at tinitingnan kung ano ang laman ng box na inilapag nya.

Nagning-ning ang mata ko ng makita ang laman ng box. Strawberry cupcakes! Yummy!

Agad ko itong isinubo, napatango-tango ako dahil ang sarap. Enjoy na enjoy ako sa pagkain 'kong hindi lang tumunog ang cellphone ko.

Inis 'kong tinignan ang pangalan ng tumawag pero ng makitang si Kinley ito ay biglang lumundag ang puso ko sa tuwa.

"Hello?"

Nakarinig ako ng tikhim sa kabilang linya. "Hi babe, kinain mo na ba 'yung cupcakes na binili ko?"

Ramdam 'kong uminit ang pisngi ko sa pagtawag n’ya sa'kin ng babe. Isa pa ito sa mga nakakapanibago sa kanya, everytime na bumisita s’ya dito sa bahay o kahit tumawag man lang. Tinatawag nya akong babe.

"Kinakain ko na ngayon, ikaw kumain ka na? Lunch time na, ah." Dinilaan ko ang icing ng cupcakes habang hinihintay ang sagot n’ya.

"Yeah, tapos na akong kumain. Tumawag lang talaga ako para kamustahin ka. D’yan ako magdidinner mamaya, I will be cooking your dinner for tonight."

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko, nagpipigil ako ng ngiti sa hindi malamang dahilan.

"Still there, babe?"

"A..e..sige papatayin ko na kasi,baka may pasyente ka pa d’yan na kailangang asikasuhin." Kumagat ako ng malaki sa cupcakes habang nakahawak pa ring ang isa 'kong kamay sa cellphone.

"Okay, I'm gonna hang up now. Goodbye babe, I love you." Napatigil ako sa pagnguya at tumalon talon. Ah! Kinikilig ako, ano ba! Napatigil lang ako ng bahagyang sumakit ang tagiliran ko. Nilagay ko na ang phone sa kitchen island at agad uminom ng tubig.

Wala akong ginawang maghapon kundi maglibot lang sa buong bahay. May tatambay ako sa library, manood ng t.v o di kaya naman ay tumambay sa may pool. Wala naman kasi akong kasama sa bahay kundi si manang. Ayaw ko din naman na istorbohin si manang sa mga ginagawa n’ya.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon