CHAPTER 17

1.9K 33 0
                                    


CHANGE

Lumabas ako ng kusina dala ang aking tinimplang kape. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa pag uusap namin ni Mommy kagabi. Tumungo ako sa gilid ng pool. May maliit na lamesa dito kaya dito ko nilagay ang dala 'kong kape.

Ipinatong ko ang dalawa 'kong paa sa may silya. Binuksan ko ang aking phone at nanood ng video. Muntik na akong malaglag sa silya dahil sa gulat. May tumapik sa likod ko, inis akong tiningnan 'kong sino iyon. Nakangising aso na si Kuya Bramwell ang tumambad sa'kin, nakapamulsa siyang nakatingin sa 'kin.

"Anong ginagawa mo dito, Kuya?" umupo siya sa kabilang silya at hinablot ang cellphone ko.
"May bisita ka," sagot niya habang nanonood ng video sa phone ko.

"Sino?"

"Si Montecelio." Napatayo ako at hinablot ang cellphone ko sa kaniya.
Inis niya naman akong tinignan na parang nakakaistorbo ako.Wow ha!
May cellphone na may cellphone eh!


Naglakad ako papasok ng bahay at doon ko nga nakita si Kinley. Nakaupo siya sa sofa habang kausap sina Mommy at Dad dy. Bakit siya nandito?

"Oh, nandito na pala si Brielle," sabat ni Dad kaya napatingin sila sa 'kin.!Umiwas ako ng tingin kay Kinley, ang gwapo-gwapo niya sa suot niyang blue polo na nakatupi hanggang siko.


"Bakit 'mmy? May problema ba?" umupo ako sa pang-isahang sofa. Ramdam ko ang mga titig ni Kinley pero nanatili pa rin ang tingin ko kay mom.

"Take care of my Princess, hijo," saad ni Dad at niyaya si Mom na umalis. Sumenyas sa 'kin si Mom ng thumbs up. Kunot noo akong tumingin kay Kinley.

"Anong meron?" tanong ko.

Hinaplos niya pa ang kaniyang batok bago magsalita. "We have a date right?" kumalma naman ang mukha ko. Hindi ko alam 'kong bakit parang may dumagan sa puso ko.

Of course Brielle!May two days pa kayong natitira sa date-date kuno.

"Magbibihis lang ako," hindi ko na siya hinintay pang sumagot at umakyat na ako sa aking kwarto. Simpleng light blue na dress lang ang sinuot ko at pinarisan ng puting sandals. Hindi ako mahilig mag heels dahil masakit sa paa.


Nilagyan ko lang ng isang cute na ribbon clip ang aking buhok at naglagay ng lipbalm. Sinuot ko na ang aking shoulder bag at bumaba. Kinakabahan pa ako habang pababa ng hagdan. Ano kayang magiging reaction ni Kinley?Magagandahan kaya siya sa 'kin?

"Tara na," yaya ko sa kaniya, nakatuon ang kaniyang atensiyon sa cellphone niya. Tumingin siya sa 'kin at bahagyang umawang ang kaniyang mapupulang labi. Masarap kaya 'yan halikan?


"Y-you're beautiful," nagulat ako sa sinabi niya. At the same time kinilig din. Sinabihan niya ako ng beautiful!

Ngumiti ako ng malawak sa kaniya."Thank you." Umiwas siya ng tingin at tumikhim. Nagpaalam kami kina Mom at bumyahe na. Mas lalo pa akong kinilig ng pagbuksan niya ako ng pinto. Bakit ganyan siya, kong kailan na patapos na 'yong favor ko ro'n pa siya naging gentleman.

Hindi ako pamilyar sa dinadaanan namin.Tinanong ko siya 'kong saan kami pupunta pero ang sagot niya ay secret. Hinayaan ko na lang ang mga mata 'kong tumitig sa mga nadadaanan namin. Maya-maya pa ay lumiko ang sasakyan,pumasok sa isang malaking gate. May nakalagay sa ibabaw na pangalan Welcome to Sky Mountain. Namangha ako pagkapasok dahil may iba't ibang kulay ng mga bulaklak ang nakatanim sa dinadaanan namin. Huminto ang sasakyan kaya dali-dali 'kong kinalas ang aking seatbelt at bumaba ng sasakyan.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now