CHAPTER 34

1.6K 23 0
                                    


INVESTIGATE

It's been a week mula ng may magmanman sa bahay namin. Hinintay ko pa kinagabihan kung babalik ulit s’ya pero hindi na na s’ya bumalik.

Ngayon ay balik trabaho na ako. Hindi ko pa sinasabi kina mom at dad maski kay Kinley ang nalaman ko. Ayoko na silang mag alala pa.

"Captain! Kanina ka pa namin tinatawag, tulala ka. Ano ba yang iniisip mo?" tiningnan ko si Simon na ngayon ay gulong-gulo na nakatingin din sa akin.

"Sorry, may iniisip lang ako."

Sumandal ako sa sofa at inilagay ng kamay sa may bandang baba ko. Masiyado pa rin akong nababagabag sa nangyari noong nakaraan. Para sa isang sundalong katulad ko, hindi normal na masaksihan na may nagmamadali sa bahay na isang kahina-hinalang lalaki.

"May nagmamanman sa bahay noong isang linggo, kahinahinala s’ya kaya hindi talaga mawala sa isip ko." Nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Tumabi si Callista kay Simon at tumingin sa akin.

"Baka naman tumambay lang," sambit ni Simon.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at cli-nick ang CCTV footage na kuha. Ipinakita ko ito sa kanila, kinuha ni Callista ang cellphone at tinignang mabuti ang video.

"Suspicious nga," hinablot naman kaagad ni Calvino ang cellphone at s’ya na mismo ang tumingin.

"Alam na ba 'to nila tita?" tanong ni Calvino.

Umiling ako sa kanya. "Hindi ko pa sinasabi, ayoko 'kong mabahala pa sila. Gusto ko munang makumpirma kung tama ang kutob ko."

Pagdating ng hapon ay may hindi inaasahang bisita na dumating sa mansyon ni senator. Masasabi kung hindi talaga inaasahan dahil maski si senator ay nagulat sa biglang pagdating ni governor Lazaro. Kasalukuyan kaming nag uusap sa sala ng biglang sumulpot ang butihing gobernador.

"Kumpadre! Pasensya na at hindi na kita nasabihan na pupunta ako ngayon dito." Sinalubong s’ya ni senator ng bati. Nakamasid lamang ako sa kanila, agad kaming nagkatinginan nila Callista at Calvino.

"Mukhang may mga bisita ka yata," palihim akong napaismid ng bumaling ng tingin si governor sa amin.

"Yeah, this is Captain Brielle Urika Del Rama and her team. Sila ang in charge sa security ng unico iho ko." Agad na inilahad ni governor Lazaro ang kamay niya para makipag shake hands. Tinanggap ko ito at ramdam ko ang kagaspangan ng kamay niya.

"Nice to meet you Captain, and congratulations on your successful mission last week. Finally, nahuli na rin ang pangunahing problema ng bansa." Bumitaw ako sa kamay niya at binigyan s’ya ng tipid na ngiti.

Ayaw ko man makipagplastikan ay sinakyan ko ang mga sinasabi niya. I wonder kung ano na ang ginagawa nilang hakbang ngayo. Siguro ay gustong-gusto niya na akong patayin ngayon, pero hindi niya pa pwedeng gawin. Sa tinagal-tagal ko sa serbisyo, nakasalamuha ko na ang iba’t ibang klase ng kriminal. At nabibilang s’ya sa mga kriminal na halang sa kapangyarihan.

"Maiwan na muna namin kayo, senator... governor." Nag paalam kami sa kanila at lumabas ng mansyon.

"That Lazaro is giving me a goosebumps," sambit ni Calvino habang nakatunghay sa akin. Nakatitig ako sa larawan ni Lazaro, nagsisimula na ang aming imbestigasyon ukol sa kanya.

"Sinabi mo pa, nakita mo ba ang mga tingin niya kanina kay Captain. Kulang na lang sakmalin niya si Captain, eh," sang ayon naman ni Simon.

Inilapag ko ang larawan ni Lazaro at kinuha ang folder na nakalapag sa mesa. Naglalaman ito ng mga kaso ni Lazaro na binasura ng korte. Isa siya'ng politician, malakas ang kutob ko na binayaran nila ang batas para mapawalang bisa ang kaso niya. Na involve pa siya sa kasong drug trafficking. Pero halos lahat ay tungkol sa illegal logging.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now