SPECIAL CHAPTER 2

2.4K 45 5
                                    


Brielle's Point Of View:

Anim na buwan na ang nakaraan, simula ng mabaril si Kinley. Sa loob ng anim na buwan ay naging mabilis ang paggaling niya. Sa mga oras ding iyon ay mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Mas lalo naming nakilala ang bawat isa. At sa nagdaang buwan ay marami akong na-realize.

Ang buhay maikli lang, kaya dapat bawat gawain natin ay kailangan nating pahalagahan, sulitin, dahil sa bawat segundo, minuto, oras, araw buwan na lumilipas... hindi natin alam kong ano ang mangyayari sa atin sa hinaharap. Hindi ako kailan man nagsisisi sa ginawa kong pagpapansin kay Kinley noon. Kahit nasasaktan ako, patuloy pa rin. Dahil mahal ko siya, mahal na mahal. Na sa sobrang pagmamahal, hindi ko na halos kilala ang sarili ko. Naging desparada ako, pero masasabi kong worth it naman. Marami akong natutunan, at natuto ako sa mga pagkakamali ko. Masyado kasi akong nagmadali noon, na-love at first sight ako sa kanya. Ang hindi ko alam ay meron rin pala siyang pinag dadaanan. 

Madami kaming pinagdaanan, pero lahat ng 'yon ay nalampasan namin. At sa lahat ng nangyari, isa lang ang masasabi ko. Mahal na mahal ko pa rin si Kinley hanggang ngayon. Pero syempre hindi ko muna sinabi o inamin iyon sa kaniya. Ano siya sinusuwerte?

"Girl! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap!"

Bahagya akong lumayo kay Callista, ang lakas ng boses niya! Magkalapit lang naman kami tapos kung makasigaw grabe.

"Ano bang meron? Kung makasigaw ka naman, anong akala mo sa'kin, bingi?" inirapan ko siya.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa kusina. Nagsalin ako ng juice sa dalawang baso at kumuha na rin ng biscuits.

"Ay, wow! May pagkain." Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Binuksan ko ang telebisyon, palipat lipat lang ng ako ng channel ng magsalita siya.

"Ano kasi," sumubo pa siya ng biscuit. "Ano... merong surprise para sa'yo este para kay Kinley. Kailangan mong pumunta do'n, sa may tabing dagat. Doon gaganapin ang surprise ni Kinley este ang ibig kong sabihin ang surprise para kay Kinley." Pinatay ko na ang telebisyon at kaagad na nagbihis.

Isang puting floral dress ang sinuot ko, narito kasi kami sa isang resort na pagmamay ari nila Kinley. Nagbakasyon kami kasama ang pamilya ko at pamilya ni Kinley. Pati sina Callista ay kasama rin. Pagkalabas ko ng kwarto ay hindi ko nakita si Callista sa may sala. Nasaan na Ang babaeng 'yon? Basta-basta na lang akong iniwan.

Pagkalabas ko ng cabin ay kaagad na hinangin ang buhok ko. Kumunot ang noo ko, hindi ko sila makita. Ang sabi ni Callista ay sa tabing dagat daw.

Napatigil ako sa paglalakad ng may maapakan ako. Bahagya akong yumuko para pulutin kong ano iyon. Binuklat ko ang isang papel na kulay pula, kumunot ang noo ko ng makita ang isang arrow na nakadrowing doon. May nakalagay pa sa ilalim na mga salita.

Follow where the arrows pointed at.

Dahil sa kuryosidad ay naglakad ako sa direksyon kong saan nakaturo ang arrow. Sa bawat hakbang ko ay siya ring paglakas ng tibok ng puso ko.

Nakarating na ako sa may mga puno ng buko. May papel ulit na pula na nakalagay sa lupa. Ang nakasulat ay isang malaking letrang W, may nakadikit pa na pulang rosas. Hakbang lang ako ng hakbang, bawat papel na nakikita ko ay pinupulot ko at binabasa ang letrang nakasulat. I, L, L, Y, O, U, M, A, R, R, Y,. Tumigil ako sa paglalakad, wala na akong makitang papel na pula.

Nilibot ko ang tingin sa paligid, umawang ang labi ko sa nasaksihan. May disenyong hugis puso ang tinatapakan ko. Gawa sa iba't ibang kulay ng petals ng bulaklak.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now