CHAPTER 22

1.9K 41 1
                                    

BIRTHDAY

PAGOD akong napasandal sa sofa, kararating lang namin ni ate galing mall. Andami niya'ng binili sa'kin, kahit marami pa naman akong damit binilhan niya pa rin ako. Pati buhok ko naisipan niya pang ipagupit. Kaya ito nabawasan na naman ang buhok 'kong maganda. Umakyat muna ako sa kwarto para magpahinga.





NAGISING ako sa lakas ng yugyog sa'kin. Dinilat ko ang mata ko at tumambad ang mukha ni ate sa'kin.

"Brielle, gising na! You have to prepare, parating na ang mga bisita mo." Dali-dali akong bumangon ng marinig ang sinabi niya. Tumingin ako sa wall clock at nanlaki ang mata ko. 5:30 pm na pala, bakit ngayon lang ako nagising!

"Bakit kasi hindi mo ako ginising ate?" nayayamot 'kong ani sa kaniya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Sino kaya itong tulog mantika na kanina pa ginigising." Tinulak niya ako sa banyo kaya wala na akong sinayang na oras. Alam 'kong bawal maligo dahil kagigising ko lang pero hayaan mo na birthday ko naman ngayon.

Lumabas ako ng banyo na nakaroba lang. Pinaupo agad ako ni ate at sinimulan ng ayusan. Ilang sandali pa ay pinatayo niya na ako at pinasuot sakin ang isang high low dress na kulay pula. Napakaganda tingnan ng tela.

Napamaang ang bibig ko habang tinitingnan ang repleksyon ko sa salamin. Alam 'kong maganda ako pero may igaganda pa pala ako.

"Ang ganda-ganda ng prinsesa namin a." Bungad ni Kuya Bramwell pagkapasok niya sa kwarto ko. Nakasuot siya ng isang puting long sleeve na nakalukot hanggang siko.

"Matagal na akong maganda kuya, ngayon mo lang nakita?" Inirapan niya ako at tumingin din siya sa salamin.

"You're turning 26 today but you still don't have a boyfriend," saad niya at nginisihan ako. Inirapan ko naman siya, pumunta lang yata siya dito para asarin ako e.

"Nagsalita ang 31 na pero wala paring asawa." Binelatan ko siya at nginisihan. Tumawa naman si ate ng pagkalakas-lakas kaya sumama ang mukha ni kuya.

Nakahawak ako sa braso ni kuya habang pababa kami ng hagdan. Nakita ko agad sina mom at dad na nakaupo sa sala kasama ang mga bisita ko. Nakangiti silang lahat sa'kin. Hinanap ng mata ko si Kinley pero na disappoint ako ng hindi ko siya nakita. Baka na late lang.

Dumiretso kami agad sa labas ng bahay kung saan doon naka set ang mahabang dining table. May nakalagay na happy 26th birthday Brielle sa may kurtina na kulay puti. Punong-puno ito ng mga palamuti at iba't ibang kulay ng christmas light. Nakalagay sa isang table ang malaking cake.

Ang ganda-ganda tignan ng lugar, simple lang pero napaka elegante kung titigan.

Si ate ang nag host ng dinner, nagsabi sila ng kanilan mga message sa'kin at kumanta na ng happy birthday. Lumapit ako sa cake na nasa lamesa, sinindihan ni kuya Braylle ang kandila.

Tumingin ako isa-isa sa mga bisita na narito ngayon, lahat sila nakatingin sa'kin ng may ngiti sa labi. Pero may hinahanap talaga ang puso ko ngayon, pero wala ang taong 'yon ngayon dito.

Hindi ko pinahalata na malungkot ako, ipinikit ko ang aking mata at nag wish. Hinipan ko ang kandila at pumalakpak. Pumalakpak din sila sa'kin, ginawa ko ang lahat para magmukhang totoo ang ngiti ko.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now