CHAPTER 24

1.9K 32 3
                                    

MEET

Nakarating kami sa mansyon ng ligtas.
Buti na lang at hindi kami nasundan ng mga kalaban.

"In fairness sa anak ni Senator ha,ang pogi." Sambit ni Callista.Agad namang nagreact si Simon na para bang nasaktan talaga.

"E pogi pala siya e,bakit mo pa ako jinowa?"

Umirap naman si Callista at umiling-iling sa kaartehan ng boyfriend niya.Napahilot na lang ako sa sintido ko,muntik na kami 'don kanina.

Napatingin kaming lahat sa pinto dahil ma kumatok doon.Tumayo si Derick at binuksan ang pinto.

"Captain,pinapatawag ka ni Kees." Tumayo ako at lumabas ng bahay.

Sumunod ako sa katulong hanggang sa makapasok na kami sa mansyon.

"Kayo na lang po ang umakyat sa taas ma'am,nasa pangalawang pinto po ang kwarti ni sir Kees." Tinanguan ko si manang at umakyat na ng hagdan.

Kumatok ako sa pangalawang pinto,bumukas ang pinto at iniluwa non si Kees na topless habang nagpupunas ng buhok.Siguro katatapos niya lang maligo,umiwas ako ng tingin sa katawan niya at tumikhim.

"Bakit niyo po ako pinatawag sir?"

"Come in, please." Nilakihan niya ang pagkabukas ng pinto kaya pumasok na ako.

"Have a sit," sambit niya habang nagpupunas pa'rin ng kaniyang buhok.

Umupo ako sa couch at tinignan siya.

"Pwede bang magbihis ka muna,hindi kasi ako komportable na may nakahubad sa harapan ko."

Tumawa naman siya at naglakad patungo sa closet niya.Nakahinga ako ng maluwag ng makasuot na siya ng isang white t-shirt.

"So bakit mo ako pinatawag?" tanong ko.

May inilapag naman siya'ng folder sa mesa na nasa harapan ko,sumenyas siya na kunin ko iyon kaya kinuha ko a binuksan.

Mga litrato ito ng mga sasakyan na sumusunod sa'min kanina.Iba't ibang anggulo ang kuha dito.

"I know my life is at risked kanina,my trusted men is the one who captured that." Tukoy niya sa mga larawan na andito.

Inilapag ko pabalik ang uli ang folder pabalik sa mesa.Ibig sabihin alam niya na nasa kapahamakan talaga ang buhay niya ngayon.

"Thank you for protecting me,babae ka pero ikaw pa ang nagproprotekta sa'kin."

"Hindi lang ako ang kasama sa pagtrotekta sa'yo.At saka responsibilidad namin ang kaligtasan mo.'Yan ang dahilan 'kong bakit kami andito ngayon,para protektahan ka." Ngumiti naman siya sa'kin,'yong ngiting malalaglag talaga ang panty mo.

Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring nilibot ang tingin sa buong kwarto.Lalaking-lalaki ang dating,mula sa kulay ng wall at sa mga kagamitan.

"I want to give my gratitude,can I invite you for dinner? I mean can I invite you and your team for dinner?"

Tumango ako na nagpangiti pa sa kaniya lalo.Wala namang masama,dinner lang naman iyon.

Bumalik ako sa bahay namin,sumalubong agad si Simon na nanunuring tumitig sa'kin.Pasalampak akong umupo sa sofa at pumikit.Bakit parang wala akong ganang kumilos ngayon.Ano bang nangyayari sa'kin.

"Anong pinag usapan niyo captain,bakit ka daw pinatawag?" tanong ni Simon habang nakatingin sa'kin.

"Nagpasalamat lang siya sa pagprotekta natin sa kaniya kanina,at saka iniimbita niya tayong mag dinner mamaya." Napatingin naman ako kay Calvin kakababa lang ng hagdan,mukhang bagong gising ang isang 'to.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now