CHAPTER 6

2K 50 1
                                    

SECOND DAY

Panibagong araw na naman. At panibagong lakas ng loob na naman ang kailangan ko para sa misyon ko. Masaya ang gising ko ngayon dahil sa text ni Vinson. Ang sabi kasi rito, kinain daw ni Kinley iyong ipinadeliver kong snacks at drinks. Pero ang malungkot ay hindi niya alam na ako ang nagpa-deliver nito. Kapag kasi nalaman niya ay siguradong hindi niya  ito hahawakan at titikman man lang.

Ang sama ng ugali. Pero gusto ko. Hays, kaya ko 'to. Laban lang. Isang Brielle Urika Del Rama ang may gusto sa kanya. Hinding-hindi niya ako mapapasuko.

Katulad kahapon hahatiran ko ulit siya ng breakfast. Pero hindi na ako magluluto. Bibilhin ko na lang sa resto ang breakfast niya.

"O, baby! Looks like busy ka ngayon, ah. Where are you going, hmn?" tanong ni Mommy. Napakagat naman ako sa aking lower lip dahil patay ako nito pagsinabi kung pupunta ako kay Kinley.

"Uh... m-may lakad po kami ngayon nina Calli, 'mmy," sorry po lord, nagsinungaling ako. Iniwasan kong tingnan si Mommy dahil baka malaman pa niya na hindi naman totoo ang sinasabi ko. Knowing Mom, malalaman niya agad 'yan. Kaya takot kami lahat sa kanya e. Pati si Dad, tiklop.

"Are you sure? Look at me Brielle Urika," jusko po, tiningnan ko agad si Mom. Kinakabahan ako ngayon dahil baka mabuking na ako.

Napahinga ako ng maluwag ng ngumiti siya sakin."Okay. Just please take care of yourself." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. I really love my Mom, so much. She's the best Mom in the world.

"Thank you 'mmy!" humalik ako sa pisngi niya at lumabas na ng bahay. Nag-drive kaagad ako patungong restaurant. Binili ko talaga ang pinakamahal na breakfast nila. S'yempre tinikman ko rin kung masarap. Okay naman sa 'kin kaya binili ko na.

Bumati ako sakanya."Morning po, manong guard."

"Good morning din, ho, ma'am." Ibinaba niya ang kaniyang kape at tumayo."Aga natin ma'am, ah, may binibisita po kayo rito ma'am?" tanong ni manong.

Hays, ito namang si manong may pagkachismoso rin pala. Pero sige papatulan ko na lang.

"Hahatiran ko po kasi ng breakfast 'yong boyfriend ko," sambit ko kay manong. Kinikilig ang bones ko sa sinabi ko.

"Talaga! Sino po ba boyfriend niyo ma'am?" tanong naman niya ulit. Kita niyo na, chismoso talaga ni manong.

"Si Kinley Montecelio po. Pero secret lang po natin 'yon ha," mahina kong sambit kay manong.

Nakita kong nagulat pa si manong. "Talaga ho? Ayos 'yan ma'am! 'Wag po kayong mag alala ma'am, safe po sa 'kin ang secret niyo."

"Ayos manong. Pag kinalat mo iyang sekreto ko hindi ka na sisikatan ng araw sa 'kin."

"Ho?!"

"Ang ibig kong sabihin, papasok na po ako. Baka hinahanap na ako ni Kinley ko, manong. Bakit ano po ba narinig niyo?"

"Naku, sabi niyo ho kasi hindi na ako sisikatan ng araw pag pinakalat ko secret niyo," sambit ni manong na kumakamot pa sa batok niya.

Napangisi naman ako."Naku manong hindi yata kayo nakapaglinis  ng tenga niyo e. Kung ano-ano na naririnig niyo." Kumuha ako ng fifty pesos sa bag ko at ibinigay sa kanya.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now