CHAPTER 32

1.8K 28 1
                                    


SHOT

"Kamusta na ang lagay niya iho?" boses iyon ni mom.

"Kailan siya magigising? Okay na ba siya?" boses naman iyon ni dad.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pilit 'kong dinidilat ang aking mata, noong una ay malabo pa ang aking nakikita hanggang sa naging malinaw na.

Una akong napansin ni Kinley, nanlalaki ang mga mata nyang lumapit  sa akin. Bigla niya akong niyakap na kinalaki ng mata ko.

"Thank God, ligtas ka Brielle. Pinag alala mo ako ng sobra." Hinalikan niya pa ang gilid ng ulo ko, bumitaw siya ng yakap sa'kin at hinayaan sina mom na yumakap naman.

"Kamusta na ang nararamdaman mo baby? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Sabihin mo." Umiling-iling ako kay mom at agad bumangon pero napaigik ako dahil sumakit ang bandang tagiliran ko. Agad dumalo palapit sa akin si Kinley.

"Careful babe, hindi pa magaling ang sugat mo." Nanlaki ang mata ko at biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Teka, tinawag ba niya akong babe? OMG!

Biglang may sumipol kaya tiningan ko kung sino iyon. Nakangising si kuya Bramwell ang nakita ko. Sinimangutan ko siya dahil sa nang aasar niya'ng tingin. Ini adjust ni Kinley ang hospital bed ko para makasandal ako. Hindi ko alam 'kong ano ang mararamdaman ko ngayon dahil sa ginagawa niya.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Simon kasunod sina Callista, Calvino at Derick. May dalang bulaklak si Calvin at basket naman ng prutas si Callista.

"Kamusta ka na girl? Masakit pa ba ang sugat mo?" Nag aalalang tanong ni Callista.

Inilingan ko siya."Okay lang ako, kayo ang dapat kung kamustahin. Okay lang ba kayo?"

Sabay-sabay silang tumango kaya nakahinga ako ng maluwag. Nagpa alam sandali sina mom na aasikasuhin lang ang bills. Si Kinley naman ay nanatili lang dito at nakaupo sa sofa kasama ang dalawa 'kong kuya.

"Anong nangyari? Nahuli niyo ba si Jamir Guevara at ang mga kasamahan niya?" sunod-sunod na tanong ko.

Nagkatinginan muna sila bago tumingin ulit sa akin. Huminga pa ng malalim si Calvin bago magsalita.

"Yeah, nahuli sila." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig. "Pero hindi lahat, may mga nakatakas na miyembro."

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo 'kong tanong. Paano nangyari na may nakatakas?

"Maraming sundalong sugatan sa may bandang timog, doon dumaan ang mga nakatakas na miyembro." Bumagsak ang dalawa kung balikat, doon kami nagkainkwentro ni Guevara sa bandang timog. Ibig bang sabihin kung hindi ako nabaril, edi sana napigilan ko pa ang kanilang pagtakas.

"Si Guevara, nahuli ba?" tanong ko ule.

Tumango-tango sila kaya medyo naibsan ang pag sisi ko sa sarili ko. Kahit may nakatakas, ang importante ay nahuli na ang pangalawang lider ng Metrosan. Masiyado na silang pilay ngayon, paniguradong hindi na sila makakakilos pa laban sa gobyerno pwera na lang kung may kapit sila sa isang makapangyarihang tao.

"Ano ba talaga ang nangyari? Natagpuan ka na lang ni Abilardo na nakahilagta sa lupa." Ani ule ni Callista habang kumakagat ng mansanas.

"Nakita ko siyang tumatakbo papunta sa timog, kaya ayon sinundan ko. Ang naalala ko sinipa ko siya kaya napahiga siya sa lupa. Tapos bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan, kasabay non ang pagkatumba ko sa lupa. Wala na along maalala pagkatapos no'n." Pagkukwento ko at tinanggap ang mansanans na ibinigay ni Calvino.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now