CHAPTER 9

1.9K 44 5
                                    


HURT

Wala sa sarili akong nagtungo sa comfort room. Tumingin ako sa salamin. Namumugto ang mata ko. Hindi pwedeng humarap ako kay Kinley na ganito ang itsura ko. Naghilamos ako at inayos ang aking mukha. Lumabas ako ng banyo at lumakad na patungo sa opisina ni Kinley. Dala-dala ko parin ang kape na binili ko.

Hindi ko nakasalubong si Vinson siguro ay kanina pa siya naka-alis. Kumatok ako sa pintuan.

"Come in," napangiti ako ng marinig ang boses niya.

"Morning Kinley!" nakangiti kong bati at umupo sa silya na kaharap ng lamesa niya."Dinalhan kita ng kape," inilabas ko ang kape at ibinigay sakanya. Hindi na ako humalik pa sa pisnge niya. Kahit hindi niya ako pinagbawalan noon na halikan siya sa pisngi ay alam 'kong disgusto siya roon. At sa mga narinig ko kanina, masakit na mahal na mahal niya parin si Nadia hanggang ngayon.

"Do you really love me?" napatingin ako sakanya dahil sa tanong niya.

"Oo, bakit?" nakangiting tanong ko rin.

"Why?"

"'Yon ang nararamdaman ko e, at iyon ang sinasabi ng puso ko. Noong una akala ko gusto lang kita pero hindi ko namalayan unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa'yo."

"I don't love you Brielle, so you better stop. Itigil mo na ang pangungulit mo sa akin. Itigil mo na ang nararamdaman mo para sakin. Masasaktan ka lang."

"I'm sorry, hindi ko magagawa ang sinasabi mo. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klase ng pagmamahal sa 'tanang buhay ko. Ikaw ang kauna-unahang lalaki na minahal ko at mamahalin ko pa. Kaya wag 'mong sabihin na itigil ko itong nararamdaman ko."

"I'm just gonna hurt you, hindi ako ang lalaking nararapat para sa'yo Brielle. Marami 'pang iba dyan, bata ka pa. Marami 'pang lalaki ang dadating sa buhay mo,yong kaya 'kang mahalin at hindi ka sasaktan."

"Hindi na ako bata Kinley, 25 na ako. Alam ko na kong ano itong nararamdaman ko," pinipigilan ko lang na tumulo ang aking luha. Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi niya makita ang nagbabadyang luha ko.

"Inumin mo na 'yang kape. Aalis na ako, hindi mo parin ako mapipigilan  Kinley. Mahal na mahal kita at hindi ako mapapagod na iparamdam sayo iyon." Lumabas ako sa opisina niya at dumiretso sa canteen 'nitong ospital. Kailangan kong ikain itong lungkot ko. Hindi ako pwedeng mastress at baka mas lalong hindi ako mahalin ni Kinley.

Nakaupo ako ngayon dito sa canteen ng ospital. Busog na busog ako sa mga pagkain nila rito, ang sasarap. Pero mas masarap yong luto ko siyempre. Bored na bored ako ngayon habang hinihintay na mag 10 am. Alas nwebe palang kasi, hahatiran ko mamaya ng snacks si Kinley para naman kahit papano mas magkakaenergy pa siya.

Naglaro na lang mo na ako ng games  sa phone ko. Napaangat ang tingin ko at tumingin sa kabilang mesa na hindi kalayuan sa pwesto ko. Nagtatawanan ang mga ito. May isang nurse na babae, dalawang doktor na babae rin at dalawa pang lalaking doktor. Hindi ba nila alam na umiingay na sila. Halos na sa kanila na ang atensiyon ng mga kumakain.

Napantig ang tenga ko ng marinig ang pangalan ni Kinley. Aba! Pinag-tsitsismisan pa nila si Kinley.
Ano 'bang pinag-uusapan nila?

"Oy Doc. Lea, anong meron sa inyo ni Doc. Kinley huh? Nakita ko kayo kaninang mag-kausap at mukhang enjoy na enjoy pa kayo," rinig kong sabi ng babaeng nurse. Teka ito na ba ang sinasabi ni Callista na mga linta.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon