CHAPTER 29

1.8K 28 1
                                    

NIGHT

SA TINGIN ko ay alas kwarto na ng hapon. Kasalukuyan kaming nagpapahinga dito sa ilalim ng punong narra. Dito na rin namin nais ipan na magpalipas ng gabi kaya naghanap kami ng mga kagamitan na isasapin namin para mamaya.

"Tsarann! Nakakita na ako ng banig natin mamaya." Inilagay ni Simon ang mga nakuha niya'ng dahon ng saging sa may gilid. Medyo marami-rami din ito kaya tiyak na kasya na.

Kaming dalawa ni Callista ngayon ang natira dito at nagpapahinga dahil tumulong na kami kanina sa paggawa ng mga patibong sa palibot sa tutulugan namin. Kakailanganin namin iyon para 'kong sakaling may mga kalaban man na darating, hindi agad sila makakalapit sa’min.

"O ito na ang mga kahoy mahal na prinsesa," natatawang asar ni Vinson kay Callista. Siya kasi ang naatasan ni Callista na manguha ng kahoy para sa gagawing apoy mamayang gabi.

Nagsidatingan na rin sina Kinley, Kees, Calvin at Derick na may dala-dalang saging na saba.

"Saan niyo nakuha 'yan?" tanong ko agad pagkalapit nila.

"Doon sa pinanggalingan namin," sambit ni Kees sabay turo pa sa nilabasan nila kanina.

"Hala nagnakaw kayo?" nanlalaking mata na tanong ni Simon. Binatukan naman agad siya ni Callista kaya napasimangot siya.

"Nakita lang namin kaya kinuha na namin. Ito na ang dinner natin mamaya." Inilapag ni Vinson ang saging na saba sa gilid din.

"Paano natin makakain 'yan  e hilaw 'yan?" tanong na naman ulit ni Simon kaya dalawang batok na ang natanggap niya. Mula kay Callista at Derick.

"Ansakit non ha! Bakit ba kayo nangbabatok?"

"Gamitin mo nga yang utak mo, malamang ibababad  natin sa apoy para makain. Parang barbeque lang ganon." Napatango-tango naman si Simon sa sinabi ni Calvin.

Nagsimula na kaming mag ayos. Si Calvin at Simon ang naka assigned sa pagawa ng apoy. Medyo madilim na din kasi kaya kailangan na namin ng apoy. Since wala kaming lighter ay bato ang gamit namin. Mabuti na lang at may naghanap silang buhay na bato para gamiting pangsindi.

Ako naman ay inaayos ang magiging higaan namin ni Callista. Nagreklamo pa kanina si Simon na magtatabi sila ni Callista sa pagtulog pero hindi na siya nakasagot pa ng umalma si Calvin. Hiwalay ang babae sa lalaki matulog.

Pagdating ng gabi ay nakapalibot kami sa apoy na ginawa nina Simon at Calvin habang kumakain ng saging na saba.

"So ito a..may tanong ako at dapat niyo itong sagutin ng maayos." Umayos ako ng upo habang hinihintay 'kong ano ang itatanong ni Vinson.

"First is si Kees, bro sumagot ka ng maayos a. 'Kong hindi ipapakain kita sa leon." Hinampas naman kaagad ni Kees si Vinson at nagtawanan.

"Okay here's my question. May gusto ka ba kay Brielle?" nanlaki ang mata ko at agad siya'ng sinaway.

"Anong klaseng tanong ba 'yan Simon!" tumawa lang siya at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Yeah, I like Brielle. I like her so much..." Nagkaroon ng katahimikan pagkatapos sabihin ni Kees ang mga katagang iyon.

Hindi ko alam 'kong bakit nagawi agad ang tingin ko kay Kinley. Hindi ko makita 'kong anong reaksiyon niya dahil nakayuko siya.

"Okay! So next na..." sabat ni Callista para walain ang awkwardness.

"Ikaw Captain, may chance ba sa'yo si Kees if ever na manligaw siya?"

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon