CHAPTER 37

1.5K 24 0
                                    

TAME

BUMABA ako ng sasakyan at pumasok sa gate ng aming bahay. Pagkapasok ko sa pinto ay nakita ko kaagad si manang na nagpupunas sa mga frame na naka set sa may kabinet. Nakatalikod siya sa akin, dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya at agad siyang niyakap.

"Ay, jusko namang bata ka! Ginulat mo ako!" Napatawa ako at agad na nag mano kay manang.

"Na miss kita, manang." Naglakad siya papunta sa kusina. Sumunod naman ako sa kaniya at dumiretso sa fridge.

"May natira pang ulam diyan, kung gusto mong kumain," sambit ni Manang. Tinanguan ko siya at hinain ang natirang ulam.

"Maiwan na muna kita at may didiligan pa akong halaman sa labas." Lumabas na si Manang ng kusina. Ako naman ay nagsandok ng kanin at umupo sa mesa.

Pagkatapos 'kong kumain ay dumiretso na kaagad ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng extra 'kong uniform at damit. Pati ang sneakers na paborito ko ay dinala ko rin. Nagpaalam din kaagad ako kay Manang.

Pagkarating ko sa mansyon ay nakita ko kaagad si Kinley at Kees na nag uusap. Wala pang kaide-ideya si senator tungkol sa tunay na baho ni Lazaro. Mas mabuti siguro na wala muna siyang alam dahil tiyak na maghihinala si Lazaro niyan.

Ang plano ko lang sana ay dadaan lang ako pero bigla akong tinawag ni Kinley kaya napahinto ako at hinarap sila.

"Hi," bati ko sa kanilang dalawa.

Tumayo bigla si Kinley at lumapit sa akin. Bigla siyang humalik sa pisngi ko at binati ako pabalik. Hindi man lang siya nahiya na nakatingin si Kees sa amin. Biglang tumikhim si Kees pero hindi man lang nag abalang tumingin si Kinley dito.

"Hello, Brielle. Saan ka nanggaling at bakit may dala kang bag?" tanong ni Kees at kumaway pa sa akin.

"Kumuha ako ng extra 'kong mga damit sa bahay." Tumingin ako kay Kinley at tinaasan siya ng kilay.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.

"Visiting you," kaagad niya'ng sagot.

"Akala ko ba kaya ka andito kasi namimiss mo ako," kontra ni Kees sa sinabi ni Kinley. Mukha siyang magtatampo kaya napatawa ako.

"Sinabi ko ba 'yon?" kunot noong sambit ni Kinley.

"Ewan ko sa'yo, hindi na kita best friend." Natawa kami pareho ni Kinley bang magwalk put si Kees. Nagtatampo talaga siya.

"O, ikaw naman. Bakit mo ako binisita?"

Napakamot siya sa kaniyang batok at may kinuha sa may mesa kung saan sila nag usap kanina ni Kees. May kinuha siyang isang bouquet ng pulang rosas at ibinigay ito sa akin. Nahihiya pa akong tanggapin ito.

"Salamat," nakangiting sambit ko.

"Dumaan lang talaga ako para makita ka. Callista told me na may bago kayong misyon and it's confidential." Tumango ako sa kanya. Confidential pero alam na niya. Bakit naman kasi ang daldal ni Callista Lincoln. Sundalo ba talaga siya? Wala dapat alam si Kinley, dahil kahit saan tingnan. Isa pa rin siyang sibilyan.

"Gusto ko sanang wala nang iba pang makakaalam sa mga nalaman mo Kinley, even your family." Tumango siya at marahang hinawakan ang kamay ko.

"Just... just keep yourself safe. 'Yan lang ang hiling ko. Ingatan mo ang sarili mo, aasawahin pa kita, aanak-- fvck!" Sinuntok ko siya sa braso niya dahil kung ano-ano ang pinagsasabi niya.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon