CHAPTER 25

2K 34 1
                                    


THE UNEXPECTED

Nang makarating kami sa coffee shop 'kong saan magkikita sina Kees at ang kaibigan niya ay sinigurado muna namin ang buong paligid.

"The perimeter's safe,you can now get out." Sinenyasan ko agad si Kees pagkatapos 'kong madinig si Derick Mula sa earpiece.

Nakasuot ng baseball cap si Kees para kahit papano ay hindi siya makilala.Dumistansiya lang ako sa kaniya ng kaunti bago pumasok sa shop.

Umupo ako sa lamesang malapit lang sa kaniya,pasimple ring akong tumingin sa buong shop.Wala namang kahinahinala na mga tao,kaya umorder ako ng kape para kahit papano ay hindi naman manuyo ang lalamunan ko.

Nakasuot ako ng isang sunglasses na kulay pink.May pink ribbon din na nakakabit sa buhok ko na si Callista lahat ang may ayos.Alam ko namang kailangan din naming itago ang identity namin pero hindi talaga ako sanay na magsuot ng mga ganito.Nagmumukha akong mutsatsa ng pink e.

Maya-maya pa ay napatingin ako taong pumasok sa pinto ng shop.Muntik ng mapaso ang bibig ko dahil sa gulat,bakit andito si Kinley?

Agad akong tumalikod dahil papalapit na siya sa gawi ko,ang bilis-bilis ng kabog ng dibdib ko ngayon.Bakit parang masaya akong makita siya muli.

Pasimple akong tumingin sa direksyon ni Kees at halos mapamura ako ng makita si Kinley doon.Teka bakit sila nag uusap ni Kees? Ibig bang sabihin si Kinley ang tinutukoy ni Kees na kaibigan niya?! Holy----

Halos mamula ang palad ko dahil sa kakapisil.Hindi ako mapakali,ewan ko ba 'kong bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.Nagtatawanan pa silang dalawa,naninibago ako kay Kinley dahil sa pagtawa niya.Kailan pa sya natutong tumawa sa ibang tao.

Umorder uli ako ng isa pang kape,naubos ko na ang nauna sa  kakahintay  'kong kailan sila matatapos sa pag uusap.Palihim ulit akong kay Kinley and this time,Nakita ko na ng buo ang mukha niya.Malinis ang pagkakahurma ng kaniyang buhok,pati ang balbas niya ay wala rin.Ang linis-linis tingnan ng mukha niya.Mas lalo siyang gumwapo ngayon.

"Captain,kailangan niyo ng lumabas diyan ngayon din.May mga kahina-hinalang lalaki na nagmamatyag sa paligid." Tumayo na ako pagkatapos marinig ang sinabi ni Derick.

Bastos man 'kong bastos pero kailangan ko ng putulin ang pag uusap nila.

"I'm sorry to interrupt but kailangan na nating umalis Kees.May nagmamatyag sa paligid ng shop na mga kahina-hinalang lalaki," mahinang bulong ko sa kaniya not minding the two eyes that staring at me confusedly.

"I'm sorry bro,I have to go now.There's an emergency that I have to handle,I'm sorry." Ngumiti si Kinley na parang nagsasabi na okay lang.

Hindi na ako nag abalang balingan pa siya ng tingin baka hindi ko mapigilang ang sarili ko at mayakap ko siya.

Agad kaming lumabas ng shop at dali-daling sumakay sa SUV.Si Calvin naman at si Callista ay sumakay na rin at pinaandar na ang sasakyan.

Tumingin ako sa labas a nakumpirma ko na meron ngang kahina-hinalang mga lalaki sa paligid ng shop.Mukhang hindi nila napansin ang pag alis namin na ipinagpasalamat ko.

Uminom ako ng tubig sa sobrang pagod,kinuha ko ang puting tuwalya na nasa lamesa at pinunasan ang pawis ko.Kakatapos lang naming mag ensayo dito sa likuran ng mansiyon.May malawak na yard pala rito,ansabi ni Kees ay dito daw sila naglalaro noon nina Vinson at Kinley ng mga bata pa sila.Nagulat nga din ako na magkaibigan pala silang tatlo.

"Woah! Grabe napagod ako 'don a," sambit ni Simon at uminom ng tubig.
Pinunasan naman ni Callista ang pawis ni Simon kaya napairap ako ng wala sa  oras.Dito pa talaga sa harap ko ginawa nila 'yan ha.

Bumalik uli ako sa pag eensayo,matagal ng hindi ako nakakasuntok.Nangangati na itong kamao ko.

"Calvino,halika sparring tayo." Nag apir muna sila ni Derick bago siya pumunta sa'kin.

Ngumisi siya sa'kin katulad ng parati niya'ng ginagawa paghinahamon ko siya.

"I'm not gonna let you win this time captain," sambit niya at agad akong sinuntok pero nailagan ko ito.

Sinuntok ko siya sa mukha na nailagan din niya,ginamit ko naman ang kaliwang kamay ko para suntukin siya muli pero nahuli niya ito at ikinulong sa mga palad niya.Tumalikod ako at agad siyang siniko sa sikmura kaya nabitawan niya ang kamay ko.Pero hindi siya napatumba non,sumuntok siya ng sumuntok habang ako naman ay patuloy na umaatras at iniilagan siya.

Bigla akong yumuko ay agad pinatid ang dalawa niya'ng paa ng pagkalakas-lakas.Kaya natumba siya,agad naman akong dumagan sa kaniya at agad siyang nginisihan.Nabigla ako ng siya naman ang dagan sa'kin,hindi ako nakahanda doon.Ngayon ay hawak niya ang dalawang kamay ko,ginamit ko ang natitirang lakas para bitawan niya ang mga kamay ko pero hindi ako nagtagumpay.

Ngumisi siya sa'kin na para bang sinasabi na wala na akong kawala.'Yon ang akala niya,agad kong ginamit itinaas ang tuhod ko at tinuhod ang gitna niya na nagpahiga sa kaniya sa lupa.Napamura siya at agad sumama ang mukha.Agad naman akong tumayo at iniwan siyang namimilipit sa sakit doon.

"Wew,that was hard." Napatingin ako kay Kees na nagsalita,nanonood pala siya sa'min.

"Wala namang personalan captain,bakit ito pa?" mahinang sambit ni Calvin habang paika-ikang umupo sa silya.

Agad namang nagtawanan sina Callista,Derick at Simon pati na rin si Kees.Binigyan ko naman siya ng mapag pasensiyang ngiti at umupo din.

"I'm sorry,ikaw kasi ayaw mo akong bitawan kaya ayan tuloy!"

May dala-dalang mga pagkain ang dalawang maid patungo sa'min.Mukhang si Kees na naman ang nagpasimuno ni'to.Isa sa mga naobserbahan ko sa kaniya ay ang hilig niya'ng kumain.Pero matcho pa rin naman siya kahit palagi siyang kumain,siguro nag gygym kaya ganon.

"Okay lang 'yan Calvin,makakabuo ka pa'rin naman kahit tinuhod yang alaga mo.OA naman ni'to." Pang aasar ni Simon kay Calvin.

"Call,hiwalayan mo na nga ang abnoy na 'yan.Ano bang nakita mo diyan at pinatulan mo," balik na asar ni Calvin.

Agad namang sumama ang mukha ni Simon at naglalambing na lumapit kay Callista.Napailing-iling na lang ako sa kaniya,tiklop naman pala e.

"Saan nga natuto ng mga moves mo kanina?" tanong ni Kees kaya napabaling ako sa kaniya.

"Sa dad ko,siya ang nagturo sa'kin non."

"Wow your dad is cool," nginitian ko na lang siya at nagpaalam na maliligo muna ako.

Agad akong pumasok sa bahay at pumunta sa banyo,nanlalagkit na ang katawan ko sa pawis.Pagkatapos 'kong magshower ay nagbihis agad ako,saktong tumunog ang telepono ko kaya dali-dali 'kong sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan ang caller ID.

"Hello mhie," bati ko pero walang sumagot sa kabilang linya.

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko ng makita ang pangalan ni Kinley,teka ibig sabihin siya ang tumawag.

Nanginginig ang kamay 'kong inayos ang pagkakahawak sa cellphone at itinapat ito sa tenga ko.

"H-hello K-kinley," sambit ko ulit pero wala talagang sumagot sa kabilang linya.

"I miss you babe,bumalik ka na please." Pinatay ko agad ang tawag pagkatapos marinig ang sinabi niya.

Hindi ko maintindihan 'kong bakit umaasa ako na sa'kin niya sinabi ang mga 'yon.Pero may parte naman sa utak ko na para kay Nadia ang mga salitang iyon.Tama,siguro para kay Nadia iyon.Base sa boses niya,halatang lasing ito.Baka napagkamalan niya lang ako,tama baka namali lang siya.Alam 'kong hinding-hindi sasabihin ni Kinley 'yon sa'kin.He don't love me,and he will never love me.

Lumabas na lang ako ng bahay at naglibot-libot sa paligid.Tiningnan ko ang mga halaman at bulaklak na nakatanim sa paligid,namiss ko tuloy tumambay sa golden circle.

Pilit 'kong iwinawaksi sa isipan ko ang mga sinabi ni Kinley pero hindi talaga mawala.Bakit kasi hindi ko muna tiningnan 'kong sino ang tumawag edi sana hindi ako nahkakaganito ngayon.Baka mabaliw na ako paghindi pa 'to matigil.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now