CHAPTER 27

2K 34 0
                                    


NAGMUMUNIMUNI ako dito sa may pool habang hinihintay si Kees, ang sabi niya ay may pag uusapan daw kami.Sa tingin ko ay tungkol 'don kanina ang pag uusapan namin o baka naman may iba pa.

Napaangat ako ng tingin ng dumating na si Kees na may dalang kape.Binigay niya sa'kin ang isang tasa at umupo din kaharap ko.

"Magkakilala pala kayo ni Kinley?" panimulang tanong niya.

"Hmmm..." bahagya akong tumango at sinimulang inumin ang kape.

"So.. you like him tama ba? Ay mali you love him di'ba?" bahagya akong natigilan bago tumango.Ang sabi kanina ni Kees ay kinukwento daw ako ni Kinley sa kaniya.I wonder if totoo nga 'yon.

"So huli na pala ako," mahina niya'ng sabi na dinig ko parin.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.Bahagya naman siya'ng nagulat at agad umiling-iling.

"I mean,ang swerte niya.Ang swerte pala ni Kinley dahil mahal mo siya." Umiwas siya ng tingin at agad humigop sa kape niya.

Maswerte nga siguro si Kinley dahil mahal na mahal ko siya pero ang malas ko dahil hindi niya ako mahal.Gusto ko pa sanang idugtong iyon pero hindi ko na lang itinuloy.

Tumikhim siya na para bang may sasabihin pero nahihiya."Ahm..'kong may manligaw ba sa ‘yo bibigyan mo ng chance?"

Tumigil ako sa paghigop ng kape at nilingon ulit siya.Ano nga ba ang gagawin ko kapag may nanligaw sa‘kin?

"Siguro,depende 'kong pursigido talaga siya." Tinignan ko 'kong ano ang magiging reaksiyon niya pero bahagya lang siya'ng nakangiti."Bakit may kakilala ka bang manliligaw sa‘kin?"

"Ah..e..wala pero halimbawa 'kong ako ang manligaw sa ‘yo,papayag ka ba?"

Bahagya akong kinabahan dahil seryuso ang boses niya.

"Ikaw? Manliligaw sa'kin?" tinuro ko pa ang sarili ko na parang naninigurado.

"Oo."

Nginisehan ko siya para mawala ang tensiyon na bumabalot sa'min ngayon.

"Bakit mo naman ako liligawan? E ilang araw pa lang tayong magkakilala." Humagalpak siya ng tawa na kinakunot ng noo ko.Hinawakan niya pa ang tiyan niya at tawang-tawa talaga siya.

"Pfftt,hahahaha! Laugh trip naman ng mukha mo Brielle! Joke lang!" Tawa pa rin siya ng tawa kaya napairap ako.

"Masaya ka na ha? G*go mo! Akala ko talaga seryuso ka don!" Nagpipigil pa rin siya ng tawa kaya iniwan ko na siya ‘don.Akala niya talaga nakakatawa yong joke niya.Grabe pa naman kaba ko.

Pumasok ako sa kitchen dito sa mansiyon para ilagay ito'ng tasa ng kape.Pagkapasok ko ng kitchen,gusto ko na lang bumalik sa pool dahil andito si Kinley na nakaharap sa fridge.Bigla siyang humarap sa gawi ko kaya nagkunwari akong hindi siya napansin.

Inilapag ko sa lababo ang tasa at hinugasan ito.Nanginig ang kalamnam ko ng maramdam ko presensiya niya sa likuran ko.

"How are you Brielle?" malalim na boses ang gamit niya.Pinunasan ko ang tasa gamit ang puting towel at saka ito inilagay sa kabinet.

"O-okay naman," pinisil ko ang palad ko dahil nautal pa ako sa pagsagot.

Aalis na sana ako pero humarang siya sa pintuan ng kitchen.Tinignan ko siya para pagsabihan pero bigla niya akong niyakap ng mahigpit.Nalanghap ko ang mabangong aroma niya.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now