SPECIAL CHAPTER 1

2K 26 2
                                    

Kinley's Point Of View:


"Kinley, kailan ka ba gigising... ha? Gumising ka na please, promise paggumising ka na... sasagutin na kita. Alam mo bang pinag alala mo ako ng sobra, dapat hindi mo ginawa 'yon. Mamamatay ako sa pag aalala sa'yo, dapat hinayaan mo na lang akong mamatay doon. Hindi muna dapat niligtas pa ako." My eyes are close but my ear is alive. Kanina pa ako gising pero hindi ko minulat ang mata ko. I'm still enjoying listening to her voice.

I move my finger a little, sinadya ko talaga na makita niya.

"Hala! Gumalaw ang daliri ni Kinley!"

I felt her hand hold mine. Hinalikan niya pa ang kamay ko bago ko narinig ang pagbukas ng pinto. Mukhang tumawag siya ng doktor. Bumukas ulit ang pinto at ramdam ko na ang yabag nila.

Ramdam ko ang pagcheck nila sa akin. Tiningnan ang mata ko at ang heart beat ko.

"Dok, gumalaw po kanina iyong isang daliri!" I felt the happiness in her voice.

Unti-unti kong minulat ang aking mata, pinisok-pusok ko pa ng ilang beses.

"Kinley ko! Thank you po Lord at gumising na siya." Kaagad niya akong dinamba ng yakap, tumikhim si Doc. Elle, ang isa sa mga batikan na doktor sa ospital na ito.

"Pahinga na lang ang kailangan ng pasyente, maayos naman na ang kondisyon niya pero mananatili pa rin siya dito sa hospital for monitoring."

"Sige po, Doc. Thank you."

Pag kaalis ng doktor ay kaagad na hinawakan ni Brielle ang kamay ko.

"Kinley? Nakikilala mo ba ako? Kamusta ang pakiramdam mo?"

I hide my smile and just stare at her beautiful face. Kahit mabaril pa ako ulit ay hinding-hindi ako mapapagod, maligtas lang siya. I love this girl very much, hindi ko alam na kaya ko pa palang magmahal ulit, this time I fall harder.

"Kinley! Oy, sumagot ka." Sinundot niya ang braso ko, trying to make me speak.

"I'm okay, babe. Naalala naman kita, ikaw ang girlfriend ko 'di ba?" I said and watch her reaction.

"Alam kong tinatawag mo akong babe pero hindi ko maalala na boyfriend na kita. Hindi pa kaya kita sinasagot." Ngumisi ako at hinila ang kamay niya papunta sa labi ko.

"Ang sabi mo sasagutin mo na ako kapag nagising ako. Now, I'm awake, sinasagot muna ako."

"Hmp! Ibig sabihin kanina kapa pala gising? Pasalamat ka at mahal kita, kung hindi kanina pa kita tinadyakan." Nagulat ako sa sinabi niya pero nakabawi rin naman. Natawa naman ako ng bigla siyang napatakip sa bibig niya. Mukhang pati siya ay hindi rin inaasahan na sasabihin iyon.

Ngumisi ako. "I know it! I love you too, babe." I smirked and bit my lower lip. Damn, I love this woman very much.

I stayed at the hospital almost two weeks. Si Brielle ay hindi talaga ako pinabayaan. Palagi niya akong inaalagaan. Kees and Vinson also visited me, inasar pa nila ako. Those two brutes, humanda talaga sila pagmagaling na ako.

Ngayon ay bumabyahe na kami pauwi sa bahay. Magaling na ang sugat ko though kailangan pa rin imonitor.

Pagkarating namin sa bahay ay todo alalay si Brielle sa akin.

"Babe, I can handle it okay?" I assured her. Napalabi naman siya at sinamaan ako ng tingin. So cute.

"Huwag na matigas ang ulo, Kinley ko. Baka mabinat ka, baka dumugo iyang sugat ko. Hayaan mo kasi ako na alalayan ka." Huminga na lang ako ng malalim at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari. Masaya rin naman ako na inaalagaan niya pero ayokong mahirapan din siya.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now