CHAPTER 7

1.9K 51 0
                                    

IM BACK

Nagising ako dahil may yumuyogyog sa katawan ko. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga cute na mata, bahagya pa akong pumisok sinasanay ang mata sa liwanag mula sa ilaw ng aking kwarto. Napasimangot ako ng tumambad sa akin ang mukha ni Kuya Braylle. Kita nang sarap-sarap ng tulog ko tapos gigisingin niya ako.

"Get up princess, it's dinner time."

"Kuya! Gusto ko pang matulog e. Istorbo mo!" Nakasimangot 'kong sambit. Ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay, ang sungit talaga.

"Oo na! Oo na! Susunod na ako."

"Okay bilisan mo masamang pinaghihintay ang gutom." Lumabas na siya sa pinto kaya pumasok na ako sa banyo at nag half bath. Hindi ko binasa ang aking mata dahil sabi ni mommy masama iyon dahil kakagising ko lang.

Nagbihis na ako ng damit at tiningnan ang orasan sa gilid ng aking cabinet.7:30 na pala, anim na oras rin pala akong tulog. Kakadating lang kasi namin mula Boracay. Pagod na pagod ang katawan ko sa pamamasyal at pag swiswimming. Sinulit talaga namin ang bakasyon na yon sa loob ng isang linggo. Pero sulit na sulit naman ang bakasyon namin. Nag enjoy kami ng bonggang bongga.

Pero ang kina excite ko ay ang makita si Kinley ko. Miss na miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? Namiss niya kaya ako?

Masaya ako dahil kinakain ni Kinley ko ang mga ipinadeliver kong breakfast at lunch pati na rin snacks araw araw. Tumatawag kasi ang asset ko at iniupdate ang mga 'yon. Syempre alam niya na sakin galing ang mga yon. Mukhang unti unti nang lumalambot si Kinley ko sa akin.

Bumaba na ako at dumiretso  sa
dining. Kumain kami ng dinner ng matiwasay. Mukhang nawala na sa isip nila ang tungkol sa pagbisita ko kay Kinley ko. Mabuti narin iyon dahil iwas sakit sa ulo. Pagkatapos ng dinner ay dumiretso na agad ako sa kwarto. Nakahiga ako sa kama habang iniisip ang mga pangyayari sa nag daang araw.

Mag iisang buwan na rin pala, mula ng mabaril ako, nakilala ko si Kinley, nagkagusto ako sa kanya at ngayon naman ay misyon ko ang pangitiin siya. Hindi ko inaakalang magkakagusto ako sa isang lalaki. Ni minsan ay hindi ko naramdaman noon ang pagbilis ng tibok ng puso ko. At ang kilig tuwing nakikita siya at naririnig man lang ang boses at pangalan niya. Lahat ng ito ay bago sa akin. Masarap sa pakiramdam. Pero alam ko lahat ng ito ay may kaakibat ring pait. Pero hindi ko na muna iisipin iyon dahil gusto ko munang magpatangay sa kung ano man ang pakiramdam na ito.

------

Papunta akong ospital ngayon dahil bibisitahin ko na naman si Kinley ko. Nag luto ako ng breakfast with love dahil sa tingin ko nag sasawa na si Kinley ko sa breakfast na kinakain niya mula sa restaurant. Napatingin ako sa aking cellphone dahil bigla itong nag ring. Si Calvino ang tumatawag, bakit kaya?

"Hello Calvin,napatawag ka?"

"Where are you?"

"Heading to the hospital, why?"

"Ow, okay. You're gonna visit that doctor again?"

"Yup, I miss him that's why."

"Let's meet up tomorrow then. I have to discuss an important case to you tomorrow. I'm gonna hang up now. Bye."

Nilagay ko ang phone ko sa bag. Malapit na ako sa hospital. Ano kayang ididiscuss ni Calvino. Ang sabi niya importante ito kaya siguro malaking kaso ang pag usapan namin bukas.

Hindi na ako kumatok at pumasok nalang ng diretso sa opisina ni Kinley ko. Ngunit nadismaya ako ng hindi ko siya nakita doon. Inilagay ko na lang muna ang dala 'kong breakfast sa may mesa at umupo don sa chair niya. Sumandal ako at pinaglaruan ang ballpen niya. Napansin 'kong nakauwang ng kunti ang drawer niya. Alam ko hindi tama na makialam ako sa gamit ng iba pero pakiramdam ko kailangan ko talagang malaman kung ano ang laman nito.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon