CHAPTER 5

2.2K 55 0
                                    

THE START

Nagbibihis ako ngayon dito sa aking kuwarto. Inayos ko ang pagkakapusod ng aking buhok dahil today is the day. Ngayong araw ako magsisimula sa aking misyon na pangitiin si Kinley ko.

Lumabas na ako ng kuwarto at nagtungo sa kitchen. Nagluto kasi ako ng breakfast para kay Kinley. You heard it right? Marunong akong magluto. Ang mga magaganda, sexy at cool na katulad ko dapat talagang marunong magluto. Dzuh, a-anhin mo ang ganda mo kung hindi ka namanmarunong magluto.

Nilagay ko ang aking mga niluto sa isang paper bag. Maaga pa kaya tulog pa ang mga tao sa bahay. Inagahan ko talaga dahil nagtanong ako kay Tita Olivia kagabi. Maaga raw pumapasok si Kinley sa ospital.

Pakanta-kanta ako habang nagda-drive. My goodness! Excited na ako, sana talaga kainin niya ang niluto kong breakfast dahil kong hindi bibigwasan ko talaga siya. Joke.

Maya-maya pa ay nakarating na  din ako. Huminga muna ako ng malalim at taas noong pumasok sa ospital dala ang paper bag.

"Good morning, manong guard!" bati ko kay manong. Sobrang excited ako ngayon.

"Good morning din po ma'am. "

Lumapit ako kay manong dahil itatanong ko kung nakarating na ba si Kinley. "Manong guard, dumaan na ba rito si Kinley?"

"Ah, opo! Kararating lang po niya," nangiti ako sa sinabi niya. Nagpaalam na ako kay manong at pumunta muna sa C.R.

Kailangan ko munang mag-retouch para naman magandahan sa 'kin si Kinley ko. I know maganda na ako pero kailangan lang manigurado.

Nilagyan ko ulit ng lipbalm ang lips ko. Tapos inayos ko ulit ang buhok ko at nag lagay ng cologne. Ang ganda ko talaga!

Sumakay na ako sa elevator. Meron pa akong nakasabay na babae. Tiningnan ko ang itsura niya, teka parang nakita ko na siya. Saan ko nga ba nakita? Nanlaki ang mata ko ng maisip kong sino siya. Siya ang nakababatang kapatid ni Kinley!

Teka anong ginagawa niya rito?Pupuntahan niya rin ba si Kinley?
Napaayos ako ng tayo dahil bigla siyang tumingin sa akin.

"Hi," ngiting bati niya.

"Hello," nakangiting bati ko rin sa kanya. Kailangan kong magpaka-good girl dahil magiging future bayaw ko siya pagnakataon.

"I'm Killey, ikaw?"

"I'm Brielle."

"Nice to meet you Brielle, by the way bakit ka nandito sa hospital? May bibisitahin ka?" nagitla ako dahil sa sunod-sunod na tanong niya. Hindi naman siya mukhang tsismosa ha.

"Uh... bibisitahin ko ang forever ko eh," mahina kong sabi. Hindi ko na kailangan itago pa na may gusto ako sa Kuya niya dahil malalaman din naman niya.

"Wow! Ang s'werte naman ng boy. Sayang ipapakilala pa naman sana kita sa kuya ko," nanghihinayang niyang sabi. Pinigilan kong ngumiti dahil sa sinabi niya.

Bumukas na ang elevator kaya nauna s'yang lumabas at nagpa-alam sa akin. Akala ko ba bibisitahin niya ang Kuya niya? Hindi naman doon ang opisina ng Kuya niya, ah.

Nandito na ako ngayon sa harap ng pinto ng opisina ni Kinley. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanginginig ang kamay kong kinatok ang pinto.

"Come in." Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa 'kin ang gwapong mukha ni Kinley. Seryuso siyang tumingin sa 'kin habang ako naman ay ngiting-ngiti sa kanya. As in labas ngipin na ngiti.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now