CHAPTER 41

1.5K 29 1
                                    

HOSPITAL

Amoy ng ospital ang nagpagising sa akin. Paunti-unti ay minulat ko ang mga cute kong mga mata. Tumambad kaagad sa akin ang puting kisame.

"Gising na siya,"

"Gising na si Captain!"

Kaagad may yumakap sa akin na babae, mukhang galak na galak siya na gumising na ako.

"Sa wakas, thank god at nagising ka na rin girl! Alam mo bang pinag alala mo kami ng todo-todo. Akala ko nga mawawala ka na sa amin. Mabuti na lang at si—" Napatigil siya sa pagsasalita dahil tinakpan ng isang lalaki ang bunganga niya. Iyon ang lalaki na tumawag sa akin ng Captain.

"Tumahimik ka nga muna, baka mas lalong lumala ang kalagayan ni Captain dahil sa sobrang ingay mo eh." Umirap naman ang babae at kaagad humarap sa akin ulit.

"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba? Masakit ba ang sugat mo? Nauu—"

"Sino ka?" pagputol ko sa tanong niya. Umawang naman ang bibig niya at nanlalaki ang mata niya'ng bumaling sa katabi niyang lalaki na ngayon ay gulat na gulat din.

"O my gosh! O my gosh! Narinig mo 'yun mahal? Hindi niya—"

"Oo mahal, narinig ko."

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Hindi pa sila nakakabawi a kaagad na bumukas ang pinto. Pumasok doon ang isang gwapong lalaki na may suot na doctor's coat. May stethoscope rin na nakakabit sa batok niya.

Kaagad niya akong niyakap ng mahigpit.

"Babe, kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong niya pagkalas ng yakap. Hinalikan niya pa ako sa noo BAO hinawakan ang kamay ko.

"Doc. Kinley, anong nangyayari? Bakit hindi niya kami maalala?" Hestirikal na tanong ng babae at bumaling pa sa akin.

Kaagad kumunot ang noo ng gwapong doktor sa akin.

"Babe, naaalala mo ba ako? Do you know my name?"

Hindi pa ako nakakasagot ng bumukas muli ang pinto. Iniluwa naman non ang isang babae at lalaki na may kaedaran na. Sumunod ang dalawang lalaki at isang babae.

Kaagad na pumunta sa gawi ko ang isang babae na may edad na. Tumabi ang gwapong doktor para makadaan ang babae. Kaagad na hinawakan ang babae ang kamay ko ay hinalikan ito.

"Anak, kamusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Sabihin mo." Iniling ko ang ulo ko bilang sagot. Sa loob-loob ko ay sumasakit na ang tiyan ko katatawa.

Hindi ko alam na ganito pala kasaya ang pakiramdam na mang prank. Pfft, sobrang nakakatawa talaga sila.

"Kinley, hijo, anong nangyayari? Bakit hindi siya nasasalita?"

Lumingon si Kinley sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Baka mabisto pa ako sa pagpapanggap ko na hindi sila maalala.

"Tita, mukhang nagka amnesia yata si Brielle. Hindi niya ako kilala tita," natatawa na ako sa isip ko dahil sa pagdadrama ni Callista.

"She have no amnesia. She's just pretending to trick us." Tumingin si Kinley sa akin at tinaasan ako ng kilay. Humaba ang ang nguso ko dahil sa sinabi niya. Ang daya! Paano niya nalaman?

"Totoo ba 'yan, girl? Wala ka talagang amnesia?"

Inalog-alog ni Callista ang braso ko kaya napaigik ako. Itinigil niya rin naman kaagad, mukhang na realize niya na doon ako nasugatan.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now