CHAPTER 43

1.4K 26 0
                                    

REALIZE

Sa buhay, may mga bagay na nakasanayan na natin. Sa parte ko ay masiyado akong nakampante na iyon na talaga ang palaging kahihinatnan ng lahat. Pero nang pumalpak ako sa aking misyon ay doon ko na-realize na hindi pala lahat ng nakasanayan ko ay laging maganda ang dulot. Inaamin ko sa sarili ko na masiyado akong na disappoint hindi lang sa sarili ko kundi pati na rin sa sitwasyon. Palagi kong tinatanong sa sarili ko na bakit ako pumalpak. Ginawa ko naman ang lahat para maisagawa ng tama at maging successful ang misyon ko. Pero hindi pa rin pala sapat.

Hindi porket nakasanayan mo na ay hindi ka na masasaktan. Labis-labis na disappointment ang nadarama ko dahil sa palpak ang naging misyon ko. Sinisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari na hindi naman dapat. Kasi alam ko, ginawa ko ang lahat, binigay ko ang lahat ng makakaya ko kaya wala dapat akong pagsisihan. Nangyari na Ang nangyari kaya wala na akong magagawa. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay ibalik ang sarili ko. Tingin ko kasi ay parang hindi ako ang nasa katawan ko nitong mga nakaraang linggo. May nagbago at may nasaktan.

"Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko, Brielle?" malumanay na pagkakatanong ni Mom. Kinausap niya ako at nag sorry din ako sa kanya. Ang sama ko pala sa kanila. Hays, kailangan kong makabawi sa kanila. Alam Kong nagtatampo silang lahat sa akin.

"Opo, mhie. Nakabalik na rin ako sa katawan ko." Natawa si Mom at ginulo ang buhok ko. Napanguso ako dahil doon. Pati si Mom ay nahahawa na rin kina Kuya, ang hilig guluhin ang buhok ko.

"That's good, magpahinga ka na. Marami ka pang importanteng gagawin tomorrow." Hinaliksn niya ang noo ko at inayos ang kumot ko.

Pagkasara niya ng pinto ay kaagad akong bumangon ng kama. Kaagad kong hinagilsp ang cellphone ko at tinawagan si Kinley. Kanina kasi ay hindi ko na siya nakausap ako. Hindi naging maganda ang trato ko sa kanya tuwing dinadalaw niya ako sa opisina. Sorry, Kinley ko. Promise, babawi ako sa'yo.

"Hello, babe?" napangiti kaagad ako ng marinig ang boses niya. Kaagad akong kinilig sa pagtawag niya ng bae sa akin.

"A-e, h-hi. May ginawa ka ba? Nakakaistorbo ba ako sa'yo?"

"Hindi naman, wala naman akong ginawa. Bakit ka nga pala napatawag?"

"G-gusto ko lang sana na magsorry sa'yo." Kinagat ko ang hinliliit ko. Kinakabahan ako na baka-baka napagod na siya sa panunuyo sa akin.

"Is there any problem, babe? Why are saying sorry? Wala ka namang kasalanan sa akin. Ako nga dapat ang magsorry kasi hindi ko kaagad sinabi sa'yo ang tungkol sa death threats." Dumapa ako sa kama at kinagat-kagat ang labi ko.

"Gusto ko sanang sabay tayong maglunch bukas, kung okay lang sa'yo."

"Of course, damn! I'm already excited. I can't wait for tomorrow." Napangiti ako dahil ramdam ko ang saya sa boses niya. Halata ngang sobrang excited niya.

"I will fetch you tomorrow, okay?" tumango ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Oum, sige papatayin ko na to. Matutulog na ako, good night."

"Good night, babe. Dream of me... muah." Inilayo ko ang telepono sa tenga ko at nagpagulong-gulong sa kama. Waaaa! Kinikilig ako, paano ba tumigil!

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakasuot na ako sa army uniform ko. Ako ang nagluto ng breakfast namin.

"Morning kuys," bati ko sa dalawa kong Kuya na ngayon ay umupo na. Himala at magkasabay silang nagising ngayon.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon