CHAPTER 11

1.9K 37 1
                                    


SCARED

Hinihingal ako 'nong lumabas na kami sa horror house. Jusko ayoko nang pumasok doon, nakayakap nga ako kay Kinley pero mamamatay naman ako sa nerbyos. Umupo muna ako sa bench habang kinakalma ang aking paghinga. Nagulat ako ng may nag-abot sakin ng tubig.

"Thank you." Binuksan ko agad ito at agad ininom.

"I thought your brave, fake aswang lang naman 'yon. You shouldn't be scared." Naibuga ko ang tubig na ininom at tumawa. Pft hahahaha nakakatawa talaga. Fake aswang daw. Hahahaha, hindi ako na inform na may pagka-conyo din pala 'tong si Kinley.

"Ano sabi mo? Fake aswang, bwahahahaha!" pfft nakakatawa talaga.

"Tsk, why are you laughing?"

"Conyo ka pala, why naman I didn't know bwahahahaha!" tawa parin ako ng tawa habang nakatingin sa kanya. Napatigil lamang ako dahil bigla siyang ngumise.

"T-teka ngumise ka ba?"

"What?"

"Ngumi--"

"I didn't."

"Ngumise ka eh,"

"Nope I didn't."

"Pero nakita k-"

Sumimangot ako dahil tumayo na siya at naunang lumakad. Ang pikon naman nito, ayaw 'pang umamin na ngumise e. Pero in fairness ang mas lalo siyang gumwapo sa ngise niya.

Pumasok kami sa isang shop na nagtitinda ng snacks. Bumili lang ako ng mango shake na large size. Siya naman ay ganon din ang binili. Naglalakad kami ngayon at nagmumunimuni

Kuminang ang mga cute 'kong mata dahil nakakita ako ng mga superman stuff toys. O my gosh! My favorite. Tumakbo ako patungo roon at nakipagsiksikan sa mga tao, maraming tao ang nakapalibot sa tindahan nila. Nakita 'kong may mga palaro sila. Sumiksik ako sa may unahan kaya nauna akong nakapagbayad. Tinanaw ko ang kinarorounan ni Kinley. Nagulat ako kasi nasa likod ko na pala siya.

"Ikaw na maglaro, galingan mo ha!Gusto ko 'yong malaking stuff toy na super man." Itinuro ko ang stuff toy na super man.

" Tsk, okay," pumwesto siya at itinapat ang armas doon sa target, bawat bala ay tig-20 ang presyo. Limang bala ang binayaran ko kaya 'kong makatarget si Kinley ng lima ay limang stuff toy din ang matatanggap ko.

Napasimangot ako dahil walang ni isa siyang tinamaan. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sayang 'yong one hundred na binayad ko. Hmp, pasalamat siya at mahal ko siya 'kong hindi ay joke wala akong sinabi.

"Ako na nga, sayang 'yong one hundred e!" naglapag ako ulit ng one hundred kay kuyang may-ari. Nag-stretch mona ako ng leeg at inasinta ang target.

Nakangiti akong tinanggap ang limang superman stuff toy. O my babies, ang ganda at ang bango. Inilagay ito sa isang malaking paper bag.

"I'm sorry, I didn't get it." Napalingon ako kay Kinley. Teka tama ba ang narinig ko? Nagsosorry sa'kin si Kinley?

"Okay lang, mahal pa rin naman kita kahit hindi mo na shoot."

"Tsk let's go,"

" Teka saan tayo pupunta?" hinablot niya ang paper bag sa kamay ko at siya ang nagdala nito bago niya ako hinila. Lumalayo na kami sa mga palaruan at tanging mga puno at halaman na lang ang nakikita ko sa paligid. Lumiko kami sa may malaking bato.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now