CHAPTER 45

1.5K 20 0
                                    

WAR

Wala akong pinapalampas sa mga nakasalubong ko. Lahat ay pinagbabaril ko. Kaagad kong nakita sina Simon at Callista. Lumapit sila papunta sa gawi ko nang makita nila ako.

"Captain, namatyagan na nila na nakapasok na tayo. Pero natrap sila sa loob dahil napapalibutan natin ang buong building," sambit ni Callsita habang pinapalitan ng magazine ang baril niya.

"They have only one exit and that is the rooftop. Paniguradong may naghihintay doon na helicopter para sa pagtakas nila." Kaagad na napatingin ako sa rooftop ng building.

"Kung gano'n, kailangan kong makarating doon para mapigilan ang pagtakas nila." Kaagad akong humiwalay sa kanila at patakbong pumasok sa building.

Yumuko ako at nagpagulong-gulong sa lupa para maiwasan ang pagpaputok nila. Nagpalit ako ng magazine at kaagad silang pinaputukan. Pagkapasok ko ng building ay mga nakahimlay na mga tauhan nila ang nadatnan ko. May nauna na yatang pumasok sa akin dito.

Inakyat ko ang hagdan patungong first floor. Nakatutok lang ang baril ko sa unahan. Lumingon lingon ako sa likod, kanan at kaliwa ero Wala na akong makitang tao.

Tinakbo ko ang hagdan patungong second floor hanggang sa umabot na ako ng fifth floor. Narinig ko kaagad ang sirina ng helicopter. Tinakbo ko nang tinakbo ang hagdan hanggang sa tuluyan na nga aking nakarating sa rooftop. Kaagad akong nagtago sa gilid ng hagdan ng may bumaril sa gawi ko.

Lumabas kaagad ako ng tumigil na ang putok. Binaril ko ang tatlong lalaki na sa tingin ko ay bodyguard ni Lazaro. Nakita kong umaangat na ng kunti ang helicopter kaya dali-dali akong tumalon at kumapit sa bandang ilalim nito. Mahigpit ang kapit ko sa paa ng helicopter, pataas na nang pataas ang lipad. Kaagad akong napatingin sa ibabaw, nakangising mukha ni Lazaro ang nakita ko. Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang naglabas ng patalim. Dahan-dahan niya itong itinutok sa mga kamay kong nakahawak sa paa ng  helicopter. Abot-abot ang kaba ko ng itinutok niya ito sa kaliwa kong kamay. Kaagad na napabitaw ang kaliwa kong kamay, sa kanang kamay niya naman ito itinutok kaya hinawak ko naman ang kaliwa kong kamay at ibinitaw ang kanang kamay ko.

Inipon ko lahat ng lakas ko para makaakyat sa helicopter. Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Lazaro ng mahigpit. Itinaas ko ang isa kong paa at ibinuhos ko ang lahat ng puwersa ko para masipa siya. Tumilappn ang hawak niyang patalim paibaba, mabuti na lang at nakaiwas agad ako dahil kung hindi ay tatama talaga iyon sa maganda kong mukha.

Huminga ako ng malalim nang tuluyan na akong makaakyat. Muntikan pa akong malaglag mabuti na lang at napakapit ako sa upuan ng helicopter.

Kaagad akong tumilapon sa upuan ng helicopter ng may sumuntok sa akin. Shit! Hindi ako nakahanda ro'n ah.

Napahawak ako sa gilid ng labi ko, napangiwi ako ng makitang may dugo ang kamay ko. Sakit no'n ah.

"Gago ka ah! Ang sakit no'n." Sinuntok ko rin siya kaya napahiga na siya sa sahig ng helicopter. Dinaganan ko siya at hinawakan ang kwelyo niya. Samantalang ang isa ko namang kamay ay pinagsusuntok ang mukha niya.

Bigla niya akong sinakal kaya nabitawan ko ang kwelyo niya. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya na nasa leeg ko. Nang hindi ako magtagumpay ay sinakal ko rin siya. Hah! Sige, ito pala gusto ko ha. Tingnan natin sino ang mananalo sa ating dalawa.

Bumitaw siya sa pagkakasakal sa akin at siya naman ang pilit na tinatanggala ng mga kamay ko sa leeg niya. Gamit ang isang kamay ay dali-dali kong kinuha sa bulsa ko ang lubid na sobra kanina sa pagkakatali ko sa tatkong ugok kanina. Itinali ko ito sa kamay niya, hinigpitan ko talaga ang pagkakatali. Muntik na akong masobsob sa dibdib niya ng biglang nag iba ang direksyon nang lipad ng helicopter.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now