CHAPTER 28

1.9K 32 0
                                    


NATIGIL sila sa pagkukulitan at ganon din kami sa pagtawa ng may putok ng baril kaming nadinig.Lumaas agad ako ng sasakyan ganon din si Calvino.Halos mapamura ako ng makita ang mga kalalakihan na nakatutok ang baril sa amin.

"Taas ang kamay!"

Biglang lumapit ang tatlong lalaki sa van at pinalabas sina Kees.Kinuha nila ang mga baril namin at pinataas kami ng kamay.

"Pinahirapan niyo pa kami sa paghahabol a! Sige lagyan ng tali ang mga ‘yan."

Nagkatinginan kami ni Calvin.Parang magkakonekta ang isip naming pagdating sa ganitong sitwasyon.

Agad kong tinadyakan ang lalaki na nagkabit ng tali sa kamay ko.Nagsmula ng makagulo ang paligid.Sinuntok ko siya sa tiyan ay tinuhod.

"Tumakbo na kayo sa gubat! Dalian niyo!" Ayaw pa sana ni Kinley pero tinutukan ko siya ng baril para sumunod siya.

Agad 'kong binaril sa hita ang lalaking babarilin sana si Callista.

"Kailangan na nating umalis! Bilisan niyo!"

Patakbo kaming pumasok sa gubat.Binilisan ko pa lalo ang pagtakbo para hindi kami masundan.Agad naming nasundan sina Kinley.

"Saan na tao ngayon?" hingal na tanong ni Kees.

"Kailangan natin silang iligaw," ani Simon habang nakahawak kamay kay Callista.

"We have no choice kundi lusungin ang gubat na 'to.Ang importante makaligtas tayo sa mga 'yon." Sang ayon ang lahat sa sinabi ni Derick.

Mabilis ang aming hakbang habang tinatahak ang masulong na gubat.Kahit saan lang kami lumiko basta mailigaw lang naming ang mga humahabol sa amin.Hindi rin naman masiyadong mainit dahil sa malalaking puno na nakatabon sa gubat.

Pinagpapawisan na ako pero hindi ko alintana iyon.Napatinhin ako ‘kong sino ang humawak sa may bandang siko ko.Nag aalalang mukha ni Kinley ang tumambad sa‘kin.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" palihim akong napangiti dahil sa nag aalalang boses niya.

Nasa hulihan kami kaya hindi kami masiyadong napapansin nila Calvin.
Hindi ko rin maiwasang ma guilty dahil pati siya at si Vinson ay nadamay pa sa gulong ito.

Tumango-tango ako at marahan siyang nginitian."Okay lang ako.Sabi ko naman sa'yo noon diba...kaya ‘kong protektahan ang sarili ko."

Hindi pa din niya binitawan ang siko ko kaya ako na mismo ang bumitaw.Napansin ‘kong pawisan na ang kaniyang noo at leeg.

Tumigil ako sa paglalakad at kinuha ang panyong nakasuksok sa bulsa ng pantalon ko.Hinawakan ko ang leeg niya at pinunasan ang mukha niya patungo sa leeg.

Nagpipigil naman siya ng ngiti at bahagya pang namula ang tenga niya.Teka kinikilig ba siya? OMG!

Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang ang mata at tenga ko a nagmamatayag sa paligid.Hindi ako pamilyar sa gubat na 'to.Ni hindi ko nga alam ‘kong saan lugar na ito nasasakop.

Napagpasyahang naming magpahinga muna. May nakita kaming puno ng mangga kaya dito naming naisipang tumambay muna.

"Ano ba 'yan..gutom na ako. Sana pala dinamihan ko kanina ang pagkain ng breakfast." Hinimas himas ni Vinson ang tiyan niya.

Napatingin ako sa puno ng mangga. Lumiwanag ang mukha ko ng may makitang mga bunga doon at mukhang mga hinog pa.

"Ayon oh! May mga bunga!" Tumingin din sila sa ibabaw, agad namang pumalakpak si Vinson at tumayo.Umasta siyang aakyatin ang puno pero pinigilan siya ni Kinley.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now