CHAPTER 2

2.9K 61 3
                                    

STALK

Tanghali na nang magising ako dahil napuyat ako kaka-stalk kay baby Kinley ko. #Oplanistalksicrush ang ginawa ko kagabi at ito ang nalaman ko.

Name: Kinley Ohio Montecelio
Age: 27 year old
Birthday: January 30, 1992
Status: Single

-Graduated at Harvard University
-Awarded in Summit Best Doctor of the Year
-Also receive a trophy at the Most Outstanding Doctor Awards

Name of Parents
Mother: Olivia Montecelio
Father: Kivin Montecelio

Siblings
Sister: Killey Odette Montecelio

-They own the Montecelio Group of Companies.
-He likes reading, hiking and boxing
-He's favorite color is black
-He's favorite food is adobo and menudo
-He can play basketball and football
-He can also play guitar and piano

Sa ngayon ay iyan palang ang mga nakakalap kong information tungkol sa kanya. Isinulat ko ito sa aking superman designed notebook.

I like superman because he can fly. Marami akong gamit na may design na superman. At may superman poster rin ako na naka kabit sa wall ng kwarto ko.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Aalis ako ngayon at pupunta sa ospital. Bibisitahin ko si baby Kinley ko.

Nadatnan ko si Mommy na nagluluto sa kusina. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"My, alis po muna ako," paalam ko.

"Where are you going, baby?"

"Sa hospital po."

"What! Why? May masakit ba sa'yo?" nag aalalang tanong niya.

"Wala po my, bibisitahin ko lang po si doc baby este Kinley." Hay, muntik na akong masamid do'n.

"Ow, okay, but you should eat your lunch first," sambit niya at inilagay na ang kanyang nilutong adobo sa mangkok.

Sinimulan ko nang kainin ang lunch ko. Hmm, sarap talagang magluto ni Mommy. Teka, dalhan ko kaya si baby Kinley ko ng adobo. Siguradong hindi pa naglulunch 'yon. Tiningnan ko ang relo ko sa may pulsuhan. Hmn, 11:30 palang naman. Aabot pa ako.

"My, pwede po bang dalhan ko si doc ng adobo?" tanong ko.

"Okay, I heard favorite niya raw ito," sabi niya.

Sinimulan ko nang ayusin ang adobo. Inilagay ko ito sa isang blue lunch box. Wala kasing black e. Naglagay din ako ng kanin para diretso kain nalang siya.

Nilagay ko ito sa isang paper bag at nagpaalam na kay mommy.

"My, aalis na po ako."

"Take care, baby." Humalik ako sa pisngi ni Mommy at lumabas na ng bahay.

Pumasok ako sa aking kotse at nagdrive na patungong hospital.

Hindi naman gaanong traffic kaya mabilis lang akong nakarating. P-in-ark ko ang kotse at pumasok na.

Dirediretso akong naglalakad sa lobby.
"Excuse me! Do you know where is the office of doc. Kinley Montecelio?" tanong ko sa may front desk.

"At the 5th floor ma'am, 'yong unang pinto po sa kaliwa. Doon po ang office ni doc." Tumango ako at lumakad na papunta sa elevator. I pressed number 5 at hinintay na sumara ito.

Nang bumukas ang elevator, lumabas na ako at hinanap ang unang pinto sa kaliwa. There, may nakalagay  na Dk. Kinley Montecelio ang pinto kaya kumatok na ako.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon