CHAPTER 31

1.7K 27 0
                                    


SPECIAL MISSION

Nakahanda na lahat ng kailangan ko. Baril, bala at granada. Mamayang gabi ang oras para sa paglusob namin. Nandito lang ako sa labas ng HQ at naglklibot-libot. Nabaling ang tingin ko sa likuran ko ng biglang may tumikhim.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Abilardo. Nariyan pa rin sa mukha niya ang ngisi.

Sinabayan niya ako sa paglalakad na hinayaan ko na lang. Kapagod rin kasing magsalita.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, masungit ka pa rin." Natatawang ani niya.

"Ano ba talagang kailangan mo? Kung iinisin mo lang ako, please lang wag ngayon." Tinaas naman niya ang kaniyang dalawang kamay tandang sumusuko na siya.

"I just want to say goodluck, alam 'kong magiging successful itong misyon natin." Umalis din siya kaagad kaya nakahinga ako ng maluwag.

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa bulsa at saka dinial ang numero ni mommy. Hindi pa ako nakapagsabi sa kaniya na may misyon kami ngayon. Hindi ko alam 'kong ano ang mangyari sa akin mamaya pero sana ay maging matagumpay ang misyon namin.

"Hello baby, napatawag ka?" Napangiti ako ng marinig ang boses ni mom. Ewan ko ba kung bakit naiiyak ako ngayon.

"Hello mhie, ahm..may misyon kami mamayang gabi mhie." Natahimik sandali ang kabilang linya kaya bumuga ako ng hangin sandali. Ganito palagi si mom kapag sinasabi ko na may misyon ako.

"Anong misyon niyo, baby?" Kahit anong pilit na itago ni mom ang garalgal sa boses niya, ramdam ko pa rin iyon. I know she's trying not to cry.

"Lulusubin namin ang kuta ng mga rebelde mhie,"

" Delikado iyan Brielle, hindi ba at may ibang misyon na ibinigay sa inyo. Yung pagbabantay sa anak ni senator, bakit...bakit kasama ka diyan?" Rinig ko na ang mumunting hikbi ni mom. Naluluha na rin ako kaya mabilis ko itong pinunasan.

"Alam ko po na delikado ito mhie, pero ito na ang pagkakataon namin para mahuli sila. Kasama po namin ang Alpha Team kaya alam 'kong magiging successful ang misyon namin."

"Mag iingat ka anak, alam 'kong babalik ka sa amin ng ligtas. Babalik ka ng ligtas, naririnig mo ba ako Brielle?" Tumango-tango ako kahit hindi niya naman ako nakikita. Naiiyak na tuloy ako.

"Mag iingat ako mhie, babalik po ako ng ligtas sa inyo." Pinatay ko na ang tawag at yumuko. Pinunasan ko ang luha na tumutulo sa pisngi ko at kinalma ang sarili ko.

Pumasok  na ulit ako sa HQ, nadatnan ko sila doon na nakabihis na at handang handa. Agad akong nilapitan ni Callista, iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil nakatitig siya sa aking mata.

"Okay ka lang ba?" marahan niya'ng tanong, tinanguan ko na lang siya at saka naghanda na rin.

"This is it, ito na ang hinihintay nating pagkakataon na mahuli ang grupong Metrosan. Wala tayong papalampasin ni isa sa kanila. Alam niyo na ang plano, and I want you all to cooperate with it." Nanatili lang akong nakayuko habang pinapakinggan ang sinasabi ni Abilardo.

"Para sa bayan!" Sigaw niya.

"Para sa bayan!" Sagot ng bawat kasapi ng team, ako lang yata ang hindi sumagot.

Nag angat lang ako ng tingin ng biglang may tumapik sa balikat ko. "You okay? Kanina ka pa tulala." Nginitian ko si Calvino ng peke at saka tinanguan siya.

Sumakay na kami sa sasakyan namin, magkaiba ang sasakyan ng bawat team kaya kaming lima lang ang magkasama sa sasakyan na ito. Mahigpit ang hawak ko sa baril ko habang nakayuko. Tahimik lang din naman sila.

CAPTURING THE DOCTOR'S HEART(COMPLETED)Where stories live. Discover now