P R O L O G U E

28.2K 789 41
                                    

"A world from another dimension."

"A dimension which leads you to a different world."


*****


Ang buhay ko ay ordinaryo lang katulad ng karamihan. Gumigising ng maaga para pumasok sa school. Typical na buhay lang ng estudyante kumbaga. Nagagawa ko ang mga gusto ko ngunit alam ko naman limitahan. Wala namang espesyal sa akin. Pero sa larangan ng laro, masasabi kong may maibubuga ako dyan.

Mahilig ako maglaro. Iyon ang ginagawa ko halos kapag marami akong time maliban sa pagguhit. Nalaro ko na ata lahat ng posibleng malaro mo sa computer. Mapa-MMORPG man 'yan o kung ano pa.

Isang araw may nadiskubre ako. Bago lang siya sa pandinig ko. Isang VRMMORPG na nagnga-ngalang Fantasy World Online. Actually hindi ko siya nadiskubre, madalas ko lang kasi marinig sa paligid ko ang tungkol dito. Sa umpisa, nagdadalawang isip pa ako kung susubukan ko ba ito kasi hindi ako naniniwala sa mga kwento nila tungkol dito. Hindi naman kasi talaga makatotohanan.

Pero curious din kasi ako. Gusto ko rin ma-experience ng mismong sarili ko.

Ang hindi ko alam, ang kuryosidad kong iyon, iyon na pala ang magtatahak sa akin sa kapahamakan na kahit anong gawin ko ay hindi ko na matatakasan.

Nagimbal ang normal kong pamumuhay simula nang pasukin ko ang larong FWO.


FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon