[W.O.S] CHAPTER 6: ENEMIES' TRICKS & CONFUSION

3.6K 183 3
                                    

A S H E

Nanlalaki ang mga mata ni Miss Lizbeth habang nanginginig ang mga kamay niya nang mahawakan niya 'yung metal na hindi niya inaasahang makukuha namin.

Pinindot niya ito at may lumabas na virtual screen sa harap niya. Nakalagay doon ang pangalan nung metal.

"No way. How did you--" napatingin siya sa amin at tumango-tango. "Impressive. Very impressive, indeed. I didn't expect this." sabi niya.

Well, expect the unexpected hihi.

"Come with me." sabi niya at sumunod kami sa kanya.

Kung titingnan mo, napakaliit lang ng shop niya sa labas pero kung papasukin mo pa 'yung loob, magugulat ka. Napakalawak nito akala mo nasa loob ka ng isang factory. Madami din siyang workers na may kanya-kanyang mga gawain. Karamihan sa mga ito ay mga NPC. Well, what can you expect? Nasa kakaibang mundo kami eh.

May separate din na room kung saan parang naka-exhibit 'yung mga iba't-ibang klaseng swords at shileds na gawa nila at ni Miss Lizbeth herself. Amazing, para kaming nasa loob ng museum.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may mapansin ako.

There's still no sign of him. Hindi pa lumalabas si Yume. Ibig sabihin lang nun hindi ko pa nahahanap yung true strength ko.

Nakakalungkot man pero masaya parin kahit papa'no. Kasi natulungan ko si Kiro at nakakuha pa ako ng reward. At 'yung experience, hindi matutumbasan 'yun ng kahit ano.

Dinala kami ni Miss Lizbeth sa huling room na I think, private room niya.

"Bakit tayo nandito?" tanong ko.

"Dito ko gagawin 'yung sword niyo." sagot niya naman. I see. Maganda ang pagkakadisenyo ng room at comfy din.

Dumiretso kaagad siya sa stone table niya. Ipinatong niya 'yung metal doon at may inilabas siyang maliit na mallet.

Oooh, this is exciting! Napatingin ako kay Kiro at mukhang hindi narin siya makapaghintay.

Sinimulan na niyang pukpukin ang metal at nagliwanag ito ng kaunti. Isa pang pukpok at nadagdagan ang liwanag nito. Pangatlo at huling pukpok niya, lalo itong lumiwanag at nag-stay siya na ganun. After 10 seconds, nagtransform na ito sa sword.

OMG. Ganun lang kabilis?

(ctto of the image below)

[Ember, Greatsword of Deep Sea]

Hinawakan ito ni Miss Lizbeth at tiningnan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hinawakan ito ni Miss Lizbeth at tiningnan.

"Ember, I see. This is very unique and quite, heavy." sabi niya at inilahad na niya ito kay Kiro.

Pagkahawak ni Kiro nito, inilabas niya pa ang isa niyang sword.

"Wait is that?!" napatingin ako kay Miss Lizbeth nang magsalita siya.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon