[W.O.M] CHAPTER 7: FIRST PVP DUEL

5.5K 258 6
                                    

A S H E

"Asky-sama..."

Hmm... gusto ko pa...

"Asky-sama..."

Itira mo na sa'kin 'yang part na 'yan... 'yan, 'yan nga!

"Wake up Asky-sama!"

Napabalikwas ako ng upo. Teka, nananaginip ba ako?

"Yes you're dreaming. Kanina pa nga kita ginigising eh." sabi ni Yume.

"Ah he-he-he. Hanggang sa panaginip ko kasi dala-dala ko parin yung kinain natin kagabi. Sorry Yume." sabi ko sabay peace sign.

"Kanina pa ako tawag ng tawag sa'yo hindi mo ako naririnig. Sabi mo magte-training tayo? Nakalimutan mo na ata eh." sabi niya sabay nguso. Hala galit na siya.

"Sorry talaga Yume, eto na po tatayo na. Maghihilamos lang ako sandali tapos toothbrush tapos start na tayo."

Ang kaninang nakasimangot, nakangiti na ngayon.

"Yay! Okay! Faster ha." sabi niya at nag-asikaso na ako. Binilisan ko lang at bumalik na kay Yume.

"Let's go!" yaya ko kay Yume at lumabas na kami ng apartment. Naghanap kami ng lugar kung saan kami pwedeng mag-train.


*****


Nakarating kami sa isang open field na napakalawak. Tamang-tama sa page-ensayo.

"Handa ka na ba Yume?" tanong ko sa kanya.

"Yes! I'm ready." sabi niya sabay nag-fighting pose pa siya.


(30 minutes later...)


*stare-stare*


(1 hour later...)


"Asky-sama! Bakit hindi ka gumagalaw?" tanong niya.

"E-eh kasi hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan. Pa'no ba gagawin ko? Hindi ko talaga alam he-he." sabi ko sabay yuko at kamot sa ulo.

I give up. Bakit ba ako naging ganito? Nasaan na ang Ashe na pro-player? Nakakainis naman! Ayaw pa mag-proseso ng utak ko.

Hays.

Pagkaangat ko ng ulo ko, may naaninag akong isang lalake na nakatayo sa tabi ng puno. Hindi ko masyadong makita ang itsura niya. Malayo kasi siya mula sa amin.

Nakapagtataka kasi parang pinagmamasdan niya kami.

"Lumabas ka diyan!" sigaw ko sa kanya at naglakad siya papunta sa amin. Palapit na siya ng palapit.

Teka lang.

"Ikaw?!" gulat kong sabi. Nakatingin lang siya sa akin habang naka-crossed arms.

"Anong ginagawa mo? Are you spying us?" tanong ko.

"Hindi no. Bakit ko naman gagawin yun?" sabi niya.

"Eh ano palang ginagawa mo dito at bakit mo kami pinagmamasdan?" tanong ko habang nakapamewang.

"Ikaw anong ginagawa mo dito? For your information, training ground ko 'to." sabi niya.

Huh? Training ground niya? Sa kanya?

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon