[W.O.S] CHAPTER 16: SOMEONE'S BEEN KIDNAPPED

3K 150 5
                                    

A S H E

Maaga akong nagising at kaunti lang ang naitulog ko. Hindi kasi ako mapakali. Parang feeling ko may mangyayari nanamang hindi maganda. Maya-maya, nagising narin si Silver pero si Mist, tulog pa.

"Oh gising ka na? Aga mo naman." sabi niya habang kinukusot-kusot pa niya yung mata niya. Hindi ko na siya sinagot at nginitian ko nalang siya.

Napatingin ako kay Mist. Ang himbing ng tulog niya. Payapang-paya na parang wala sa siya mundong 'to. Mundong puro problema.

"Ganyan talaga 'yan. Tulog mantika." sabi ni Silver. Nginitian ko nalang uli siya. Maya-maya, nagising na rin si Mist. Humikab muna siya at nagsalita.

"Good morning guys." sabi niya.

"Tsk. Walang good sa morning." sagot ni Silver kaya napasimangot nalang si Mist.

"Morning Mist." bati ko sa kanya.

"Hmp! Buti pa si Asky." sabi niya sabay yapos sa akin.

"Wag ka nga munang magsalita. Nangangamoy." sabi ni Silver sabay alis.

"Argh! Nakakainis talaga siya. Ang aga-aga nambibwisit!" pagmamaktol ni Mist. Nakatingin lang ako sa kanya. Bigla kong naalala si Kiro. Ganito din siya kay Silver eh, mapang-asar.

"Hmp! Hayaan ko na nga lang." sabi niya sabay tingin sa'kin.

"Asky, are you ok?" tanong niya.

To be honest, hindi eh. Hindi ako okay dahil ang daming tumatakbo sa isipan ko.

"Oo naman. Ayos lang ako." pagsisinungaling ko.

"Ah, para kasing di ka nakatulog ng maayos eh. Anyways, kailangan ko ng mag-asikaso para makaalis na rin tayo dito. Sige Asky, maiwan muna kita." sabi niya at umalis na siya.

Napatingin naman ako kay Silver. Nagtaka naman ako dahil nakatitig lang siya sa akin. Nagsimula na akong mailang.

"B-bakit ka nakatingin?" naiilang kong tanong. Maya-maya, ngumiti siya.

Huh? Weird.

"Wala lang. Gusto lang kitang tingnan." sabi niya naman.

Eh? Geez. Ang weird niya.

Magsasalita palang sana ako kaya lang naunahan niya ako.

"Bakit ka nga pala naka-mask?" bigla niyang tanong.

"Ah, style ko kasi haha!" 'yan nalang ang sinabi ko para hindi na humaba pa ang usapan namin. Ayokong magkwento pa ng malalim sa kanila tungkol sa buhay ko.

"I see. It suits you. You know what? You're beautiful." sabi niya.

H-ha? Smooth nun ah, napakabilis!

"A-ah hehe. Thanks." sabi ko nalang sabay iwas ng tingin. Ang weird talaga niya!

"May I see your face, then? Without mask." sabi niya. Hindi ko napansin na nandito na pala siya sa tabi ko.

"Ayoko." diretso kong sagot sa kanya na halata mong ikinagulat niya.

"Woah easy. Bakit ayaw mo ipakita?" tanong niya.

"H-hindi naman sa ganun Silver. Ano kasi..." nakayuko kong sabi. Bakit ba parati nalang ganito?

"Let me take your mask off." sabi niya at napatingin ako sa kanya.

Hindi ko siya pinipigilan. Hindi naman niya ako kilala diba? Kaya wala namang masama kung makikita niya ang buong mukha ko. Napapikit nalang ako habang unti-unting dumadampi ang kamay niya sa mask ko.

Iaangat niya na sana ng biglang... dumilim. Pagkadilat ko ng mga mata ko, wala na sa harap ko si Silver.

"It's me again."

This voice. Ikinuyom ko ang kamao ko. Namumuo nanaman ang galit sa buong pagkatao ko. Nandito nanaman siya. Ano nanamang gusto niya?!

"It's game time!" sabi niya at humalakhak siya ng napakalakas.

Alam ko kung anong ibig sabihin nito. Ang huling araw ng WOS? Pero hindi ko pa napapalaya si Yume!

Kung kanina namumuo ang tapang ko, ngayon parang halos bumagsak na ang katawan ko sa lupa. Ngayon na ba talaga ang katapusan ko? Pero hindi lang ako. Sila Silver din mukhang hindi pa nila napapalaya ang mga familiar nila.

Nanlalambot ako.

Si Yume. Hindi ako makakaligtas sa mundong ito kung wala siya. Bumuhos nalang ang luha ko ng may kasamang galit.

"Ano?! Bakit di mo nalang kami diretsong patayin ha?! Hindi kami laruan sa iyo na natutuwa ka pang panuorin kapag namamatay! Ano bang klaseng tao ka?! Tao ka pa nga ba?! Ano bang nagawa naming kasalanan sa'yo?!" sigaw ko.

Hindi ko na maintindihan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. Lahat na ng kamalasan napunta na sa'kin. Pinunasan ko na ang luha ko at muling nagsalita.

"Ito ang tatandaan mo. Hahanapin kita at magtutuos tayo." sabi ko at tumayo na. Hinanda ko na rin ang sarili ko.

Kakayanin ko 'to. Kakayanin kahit wala si Yume. Hindi ko na papalampasin pa ang araw na ito na mapalaya siya. Ito man ang katapusan ng WOS o hindi. Sinisigurado ko iyon.

"I have given you a lot of time to free your familar but only very few of you have already done so. I'm really getting bored. Is your missions too hard for you? Well, the strategies on how will you carry out your mission is up to you." sabi niya.

So meron na palang mga nakapagpalaya ng mga familiar nila. Kailangan ko ng bumilang doon.

"Your life is in your hands. As long as your familiar is still inside of you, it's game over. I'm sure many of you think that this might be the latter but no. This is not the end of WOS yet." sabi niya.

H-hindi pa?

Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya 'yun. At least, at least my chance pa ako.

Nakikinig lang ako sa kanya. Alam kong galit ako pero merong part sa'kin na natuwa ako. Dahil makakaligtas pa ako. Hindi pa huli ang lahat para sa'min ni Yume.

"Why should I end WOS if I'm currently in the midst of enjoyment? I'm so kind right?" sabi niya.

Enjoy?! Lahat pala ng ito ay entertainment para sa kanya?! Many people have died! And you as well should die!

"Alright folks, I will give you a chance. The chance to still survive in this world. Free your familiar! Or else, you'll die!" sabi niya at humalakhak nanaman siya.

Yeah, and that's what I'm gonna do right here, right now.

"This will be my first warning. Get ready because I know your strengths. It's difficult to fight in the dark, no?" sabi niya. This is not good.

"I will alter the game. The sun will no longer shine in WOS. What I mean is, there will be no mornings but the darkness of the night will remain. Only the moonlight will be your illumination." sabi niya. Nabigla ako sa mga sinabi niya. Mananatili nalang madilim? Nababaliw na ba siya?!

Ito ang problema kapag kontrolado ka. He's the game master. Pwede niyang gawin kahit anong gusto niya.

"You will be needing better strategy, strength and agility to fight the enemies. I am watching you. How will you survive? Hmm, let's see." sabi niya.

"Goodluck folks. May the darkness and only the darkness lives in you." iyan na ang huling sinabi niya at nagbago na ang paligid.

Wow! What an encouragement! Mas lalo akong ginanahan!

Really?! I hope you die now!

Inikot ko ang paningin ko at napatingin ako sa langit. Magkahalong black, violet at red ang kulay nito. Pero nakuha ang atensyon ko ng isang 'to. Pulang-pula ang buwan, parang galit na galit.

Madilim nga. Hindi biro, sobrang dilim. Tanging ang ilaw lang ng pulang buwan ang nagsisilbing liwanag namin.

Pero hindi naman iyon nakakatulong!

Maya-maya, nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa balikat ko.


FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon